" Alam mo? Hindi ko alam kung naglilihim ka na sa akin, Sach." Ito ang bungad ng umaga ko. Hindi parin kami ayos ni Dashiell. Pero nung kailan lang ay nagkausap naman kami, ayos nga sa kaniya na magkasama kami kahapon ni Alessandro.
" Dash, akala ko ba ayos na to? Kahapon lang naman kami magkasama ni--"
" Nakita ko kagabi na hinalikan ka ni Sir Villareal." Agad akong nakaramdam ng hiya at saka takot. Paano niya nakita? Wala ng tao noong mga oras na iyon at madilim. Paano?
" Paano mo nakita? H- hindi ko din naman alam na gagawin niya yon." Sambit ko. Para na akong nagmamakaawa sa tono ng boses ko. Wala akong nararamdamang iba kay dashiell, hanggang kaibigan lang siguro ang kaya ko sa kaniya.
" Sinabi sakin ni tita kagabi na wala ka pa, hinintay kita sa labas ng gate ninyo, kaya lang nakita ko kayong dalawa ni Sir Villareal, kaya umalis na ako." Paliwanag niya. Magpapaliwanag pa sana ako ng bigla siyang umalis. Bakit naman ganoon lagi si Dashiell? Hindi naman niya ako pinapatapos magsalita tapos kung ano ano ang naiiisip niya tungkol sa aming dalawa.
Naalala ko ang nangyari kagabi, pagtapos niya akong hinalikan ay umalis ako kaagad sa harapan niya, ni hindi na ako nakapag paalam pa dahil sa sobrang pagkagulat. Paano ko ngayon siya kakausapin?
" Mabuti at hindi ka nagkalagnat, sakitin ka pa naman, naulanan ka lang ng kaunti, sisinatin ka na." Pagalit na sambit ni mama. Kahit na may payong ay nabasa parin ako. Siguro dahil sa pagmamadali kong makaalis sa mga mata ni Alessandro. Hindi ko na namalayan ang mga ginawa ko kagabi. Nakakahiya talaga.
" Ma, sorry kung nagabihan kami, hindi ko naman po alam na uulan kagabi, at na traffic pa kami." Tumango tango lang si mama habang nagtutupi ng damit. Ako na lamang ang magbabalik niyon. Baka kasi magalit kapag hindi ako tumulong.
" Magaling ka na ba humawak ng baril? Talaga bang magpupulis ka? Napaka delikado non." Nag aalinlangang sambit ni mama. Tumingin ako sa kaniya habang may ginagawa ako sa cellphone ko.
" Maayos naman po ang naging pagtuturo niya saakin ma. Naka tama naman ako ng maayos." Nakangiti kong sambit. Napakasaya ko kahapon. Mas lalo akong ginanahan na mag aral bilang pulis. Ang ganda pala humawak ng baril.
" Mabuti yan. Para naman hindi ka na mahihirapan sa mga susunod na taon mo sa pagte training, nagpasalamat ka ba kay Mr. Villareal?" Yun lang. Hindi nga pala ako nakapag pasalamat ng maayos. Bakit ba naman kasi nanghahalik siya? Mamaya, mag aabot ako sa kaniya ng meryenda, paano ko siya kakausapin?
" Hindi ako nakapag pasalamat ng maayos ma, nagmadali akong umuwi, baka kasi magalit ka na ng husto." Masama akong tinignan ni mama. Ngumiti ako para hindi siya mainis sa akin. Binato niya ako ng isang damit na natupi na.
" Bakit? Kahit na magalit ako, dapat nagpasalamat ka. Baka mamaya sabihan ka ng bastos non, umayos ka, sachzna." Tumango tango nalang ako at saka binalik kay mama ang binato niya saaking damit.
Alas tres na ng hapon, breaktime na nila. Nakakahiya naman kapag si Alessandro lang ang hahatiran ko ng meryenda. Buti nalang pumayag ang tita ko na bigyan lahat ng nakaduty na pulis.
" Ayan, ibigay mo sa kanila, sach, para naman malamigan ang mga ulo nila, lalo na si Mr. Villareal." Tumawa ako kay tita habang buhat buhat ko na ang tray ng halo halo. Apat ito. Kilala ko naman ang pagbibigayan kaya ayos lang. Tatawid pa pala ako.
" Sir Ocampo, Sir Matias, Sir Pascua, meryenda niyo po." Sambit ko at saka nilagay ang tray sa kanilang lamesa. Nagpapahinga sila at nakaupo lang. May electric fan din sa harapan nila. Napagod silang magpara.
Kinuha nila iyon.
" Nasa loob si Mr. Villareal, pakibigay nalang doon sa loob ang meryenda niya--"
" S- sige po." Kinakabahan man ay binuksan ko ang pintuan ng kanilang station. Naka tolda kasi sila sa harapan. Naka aircon ang loob nito. Nakapasok na ako dito dati.
" Alessandro?" Tawag ko. Nakita ko siyang nakaupo habang kumakain. Kanin naman ang kinakain niya, ngayon lang ba siya manananghalian? Anong oras na kaya.
" Why are you here? Dapat ay doon kana sa labas at makipag usap kila Ocampo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad kong nilapag ang halo halo at saka ngumiti.
" Hinatiran nga kita ng meryenda mo, Mr. Villareal. Sinama ko narin ang kanila." May upuan sa harapan nito kaya lang hindi na ako nag abala pang umupo dahil aalis naman na din ako maya maya. Baka kasi mapag usapan namin ang tungkol sa kagabi.
" Salamat, kung ganoon. Aalis ka na ba? O doon ka pa kay Ocampo?---"
" Alessandro, anong klaseng pagiisip yan?" Natatawa kong sambit sa kaniya habang nakatingin dito. Uminom siya ng tubig at saka sinimulang kainin ang ibinigay ko.
" Hindi ko din alam, Ms. Olivencia." Nangaasar na sambit niya. Lumapit ako sa direksiyon niya. Umiwas ito ng tingin saakin. Hinahalo niya parin ang pagkain niya. Ang plato niya ay wala ng laman. Dalawa lang kaming narito sa loob ng station.
" Kahapon ay ayos ka pa naman ha? Bakit naman ang sungit mo ngayon?" Umikot ang tingin ko sa kaniya. Agad namang nangunot ang noo ko dahil doon. Aba, bakla ata ang isang ito a? Kung makairap akala mo ay babae.
" Hindi ko alam, huwag mo ng ulit ulitin, Ms. Olivencia." Napabusangot ako sa harapan niya. Akala ko ba ay Sachzna lang at Alessandro kapag dalawa lang kami? Bakit ngayon ay Ms. Olivencia na? Tinignan niya ako. Nakatingin lang ako sa labas. Kita ko mula rito ang pagtatawanan ng mga pulis. Napangiti ako dahil doon.
" Galit ka ba? G-gusto mo, aalis na muna ako." Paalam ko dito. Umiling naman ito. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. Kalahati na niya kaagad ang ibinigay ko. Napaka elegante naman kumain ng halo halo nito.
" Naiinis lang ako, kaya ganito--"
" Bakit ka naman naiinis?" Nilapag niya ang pagkain niya sa lamesang maliit na ito at saka siya tumayo para magpantay kaming dalawa.
" Ayoko lang ng may ibang nakatingin sayo, Ms. Zacharielle." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Umatras ako. Isang ngisi ang nakita ko sa labi niya.
" A- aalis na ako, Alessandro--"
" Naguguluhan ako, Ms. Olivencia, nagugustuhan na yata kita.."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...