" So how's the freakin kiss? Ha? Zacharielle? After 3 years? Nakahalik ka nanaman?" Asar na sambit saakin ni Lei. Dang, bakit ba kasi sinabi ko pa sa kanila? Sana pala di ko nalang sinabi pa.
Nangaasar ang mga mukha nila habang nakikitang naiinis naman ako.
" What should i tell you guys? That it's good? It tastes good?" Sarkastiko kong sambit. Tumawa sila bago uminom ng milktea. People are outside. Naghihintay sila na lumabas ako, but still. Andito padin ako sa loob ng milktea shop.
" Sa mukha mo palang, alam na namin ang sagot. Don't deny it, ikaw na mismo ang nagsabi na hindi pala talaga siya kasal. So what are you doing? Landiin mo na!" Napalunok ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko. They are so loud, baka nakikinig ang mga staff na narito. Pumasok ang mga lalaki naming kaibigan. Nagpadagdag ako ng upuan.
" What's the topic for today? Is it about you and the Villareal?"
" You are on time. Nag kiss sila. Sayang hindi mo na tinuloy to the next level." Tinampal ko ang braso ni Regina. Kahit kailan talaga, napaka walang hiya ng babaeng ito. Tumawa naman ang mga lalaki kong kaibigan.
" Girls, relax. Hindi magandang kayo ang nagfi first move. And one thing, Zacharielle is a VIP, very important person, it's a shame for her to do the first move, damn." Paliwanag ni Janrey. Nag thumbs up ako bago nagkipag apir. Nagtawanan kaming dalawa dahil doon. Ilang minuto lang ay dumating na si Asrael.
Hinalikan niya ang aking pisngi at saka umupo sa aking tabi.
" How's your day?"
" Good."
Si Lei naman ay hindi mapakali. May gusto kasi siya kay Asrael, kaya kapag magkakasama kami, hindi na siya umiimik sa mga chika namin.
" By the way, bakit pala hinatid ka niya sa condo mo?" Tanong ni Regina. Uminom muna ako ng aking milktea bago siya sinagot.
" I was so tired the whole day, I am so drain. That's why he volunteered to drive me home." Sabay sabay silang tumango. May lakad kaming dalawa ni Asrael ngayon, pero napag isipan naming magsama sama nalang kami ng mga kaibigan, para mas masaya.
" How about your love life? Lumalapit na sayo ang grasya, Sach. Bumalik si Alessandro. Bakit kasi hindi mo landiin, marupok yon." Hinawakan ni Asrael ang aking beywang. Hinayaan ko iyon doon.
Tumingin ako ng masama sa mga kaibigan ko.
" I don't know how to flirt, ladies. Kung gusto niyo, sa inyo na ang Villareal na iyon--"
" Sus, kunwari ka pa. Don't hesitate to call us if you two are in a relationship again." Umirap ako sa kanila. Tumayo na sila. Umpisa palang na kakain ang mga lalaki. Saan naman kaya sila pupunta?
" Where are you going?--" Tumawa sila at saka tinignan ang nasa labas. Nanlaki ang mata ko kung sino ang dinudumog ng mga tao ngayon.
" Pupuntahan namin si Mr. Villareal at lalandiin, sabi mo diba?" Ginalaw ko ang aking kamay para paalisin sila. Si Asrael naman ay nasa likod ko lang.
" You want to go somewhere?" Humarap ako kay Asrael. Tumango ako at saka umupo muna sa mga lalaking kaibigan ko na kumakain parin at walang pakialam sa mga tao sa labas.
" Mamaya na tayo umalis kapag nawala na ang Villareal na iyan." Nagtama ang mata namin ni Alessandro. Umiwas ako ng tingin.
" Baka gusto ka niyang kausapin? Kanina pa nakatingin sayo iyan." Umiling ako. Nasa tabi ko parin si Asrael. Nakita kong may isang babae na papasok ng milktea shop na ito. Lumapit siya kay Alessandro at hinalikan niya ang pisngi nito.
" Can we go to the mall? I want to buy some new clothes. Wala na kasi akong damit sa condo e."
" Sure, let's go?"
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko. Tumango naman sila at pumayag naman kaagad. Nadaanan namin sila Alessandro at ang babaeng kausap niya. Ew. Mas maganda pa ako doon sa babae na iyon.
" You're avoiding, Mr. Villareal, don't you?" Tumango ako. Hindi ko naman gustong ma attach ule sa kaniya. Besides, what i saw earlier is enough to finally avoid him. May babae siya.
" Baka sundan nanaman nila tayo, gusto kong umuwi sa condo ko." Sambit ko. Dineretso niya ang sasakyan niya sa daan papunta sa condo ko. Magpapaiwan nalang akong magisa doon. Maaga pa naman kaya wala doon ang mga lalaki.
Ng makarating kami doon ay pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya.
" Labas nalang tayo sa ibang araw, hindi ako makalabas ngayon e." Tumango siya. Hinintay niyang makapasok ako sa loob bago niya halikan ang pisngi ko.
" Okay, take care."
Gabi na ng mapagisipan kong magluto. Pinagpahinga ko muna si Hyacinth dahil bukas, nasa event kami.
Nakaramdam ako ng kaluskos sa labas ng aking condo. Kaya alam kong andon na ang mga lalaki. May balak pa atang umulan, bakit naman ang malas ng tadhana?
Kinilabutan ako ng ngumisi saakin ang isang lalaki, nakabukas kasi ang kurtina ng bahay ko. Tumakbo ang isa papunta sa back door. Agad akong tumakbo para ilock iyon, buti nalang at naka lock na.
" Shit!" Nilock ko din ang lahat ng bintana ko. Pati ang main door, nakasara lahat.
" Shit! Shit! Shit!" Nanginginig akong nag dial ng numero sa aking cellphone.
Si Alessandro.
" Hey--"
" A- alessandro! They're here. They want to go inside. Please, i'm scared." Nakarinig ako ng mura sa kabilang linya. Kumakatok na ang isang lalaki. Paatras na ang ginagawa kong lakad.
" Stay in there, i'm on my way, baby, wait for me." Binaba ko ang tawag. Mas lalong lumakas ang kalabog nila sa pintuan. Nakatakip na ang dalawang kamay ko sa aking tainga. Unti nalang ay bubukas na ang pintuan ko sa lakas ng katok nila.
Tangina, alessandro, bilisan mo.
" Umalis na kayo!" Tanging sigaw ko sa kanila. Nakarinig ako ng tawa mula sa kanilang dalawa. Nakakakilabot. Napaupo nalang ako sa sahig habang palakas ng palakas ang kanilang katok.
Nakapikit ang dalawa kong mga mata habang ang mga kamay ko ay nakatakip parin sa aking tainga.
" Ahh!!--"
" Sweetheart, shh-- i'm here." Nakaramdam ako ng takot ng bumukas ang pintuan ngunit si Alessandro ang iniluwa nito.
" Alessandro!"
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...