" Ano pang ginagawa ninyo dito? Umalis na nga ang anak ninyo kasama ang Andante na iyon, hindi ba?" Sigaw ko sa mama ni Alessandro na andito parin sa bahay kahit na wala na ang anak niya dito. Hindi na ako pwedeng magtimpi dahil wala naman na kami ng anak niya. Kaya mas mabuting bastusin ko na din ang babae na ito.
" Mabuti yan sayo, Ms. Olivencia. Ikakasal na ang anak ko, at mas pinili niyang manatili sa ginto, kaysa sa isang basurang katulad mo--"
" Tangina naman! Hindi pa kayo titigil? Alam kong nagiging bastos na ako, pero bastusan na kung bastusan ha? E ano ngayon kung umalis na ang anak mo? Masaya ka na? Wala na kami ng anak mo, kaya kung pwede, umalis ka na din dahil wala akong pakialam sayo!" Napalunok ako sa sinabi ko. Nakita ko ang takot sa mukha ng bruha na ito. Nakita kong LV ang sapatos na suot ng matandang ito, at sakto nasa putik pa.
Agad akong kumuha ng stick at saka inilagay iyon sa sapatos niya.
" What the heck did you--"
" Umalis na kayo sa lupa naming maputik at dugyot, iyan ang nararapat sa inyo!"
" Pagbabayaran mo ito, Ms. Olivencia, hindi pa ako tapos sayo!"
Agad akong uminom ng tubig. Pinaupo ako ng mga tita ko sa isang upuan at saka binigyan ng hangin. Nasa gilid ko padin si Mr. Ocampo, hindi parin siya umaalis.
" Anak, kumalma ka, baka atakihim ka ng hika mo, mahirap na."
" Hindi ko na gusto ang asta ng mga Villareal na iyan, naghiwalay na nga kami ng anak niya, hindi parin siya tumitigil. Ang putanginang iyon!" Hinahagod nila mama ang aking likod. Matindi ako kung sumpungin ng hika kaya sinisiguro nilang hindi ako hihikain.
" Hayaan mo na sila anak. Hindi sila nararapat sa iyo, huwag mo ng isipin, andito kami para sa iyo." Niyakap ako nila mama. Hindi naman na ako umiiyak, bakit ko naman iiyakan ang lalaking walang isang salita? At mayabang lang? Tangina, pinagsisihan kong ibinigay ko pati ang katawan ko, ilang beses pa naming ginawa iyon.
" Magpahinga ka na muna, Sachzna. Andito pa pala si Mr. Ocampo--"
" I wanna talk to her, if that's okay with you." Malumanay na sambit nito kila mama. Tumango naman sila bago nila tinapik ang aking braso at isa isa silang umalis. Iniwan nila kaming dalawa ni Mr. Ocampo.
" Ano pong kailangan niyo, Mr. Ocampo?" Hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos. Masyado pang mainit ang ulo ko. At saka isa pa, nakakahiya ang itsura ko, namamaga na ata ang mata ko kakaiyak kanina.
Humarap siya saakin at saka niya ako tinignan para magsalubong ang tingin namin.
" Are you okay? You want us to talk for a while--"
" Wag mo muna akong english- in, Mr. Ocampo, wala ako sa mood." Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko at saka niya hinawakan ang aking kamay at saka hinila ako sa kung saan.
Sumunod nalang ako. Wala pa akong dalang panyo. Medyo nakakahiya ang aking itsura.
" Ano ang pinunta natin dito?" Narito kami sa court. Gabi na din kasi at saka wala ng tao dito. Kaya tahimik na ang lugar.
" I've been watching your relationship with that Villareal." Napanganga ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa direksyon niya. Ngumiti siya ng makita ang reaksyon ko.
Naglabas siya ng kaniyang panyo sa bulsa ng uniporme niya. Naka uniporme parin ito ng pang pulis, dahil nakaduty siya ngayon dito.
" Masaya sa una, oo, pero ngayon, mas masakit.." Tumango siya. Ngayong wala na akong po problemahing lalaki na wala namang kwenta, mas magbubuti nalang ako sa pag aaral ko.
" I know, Hindi man ako nakaranas ng ganiyan, pero nararamdaman ko ang sakit sa puso mo." Umiling nalang ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya.
" B-bakit mo pala ako pinunta dito? Bakit mo hawak ang kamay ko?" Ngumisi lang siya at saka mas hinigpitan lang ang kapit niya doon. Tinignan ko lang kung anong gagawin niya.
Nakatingin siya sa langit, maraming bituin sa langit.
" Ms. Olivencia, mahal kita." Napatingin ako sa kaniyang sinabi. Agad akong lumayo ng distansiya. Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon pa siya magsasabi ng ganiyan. Bakit ngayon pa? Hindi ako nakapag handa.
" Mr. Ocampo, b- bakit naman ang bilis ata? Binigla mo ako, ano ba ang pwede kong sabihin?" Nahihiya akong tumingin sa kaniya. Naiilang akong magsalita at lumapit sa kaniya. Agad niyang hinuli ang mga mata ko.
" Ako ang magtatanggol sayo, hindi kita iiwan gaya ng ginawa ng Villareal na iyon."
" Mabilis ka masyado, Mr. Ocampo, hintayin mo muna akong mag isip ng ilang araw." Ngumiti siya at saka tumango tango. Nanahimik kami ng ilang minuto.
Masaya kaya si Alessandro sa naisip niyang desisyon sa buhay? O ang mga magulang niya lang ang masaya para doon? Ginawa niya lang ba talaga ang bagay na iyon para sa kapakanan ko, o talagang ginusto niyang umalis para pakasalan ang babaeng iyon?
Sana masaya siya sa ginawa niya.
Magiingat ka lagi, mahal ko.
" You're shaking, iuuwi na kita, baka magkasakit ka." Tumango lang ako. Inilagay niya ang uniporme niya saakin. At saka naglakad kami palabas ng court na to.
" Salamat sa oras, Mr. Ocampo, salamat sa pagpapagaan ng pakiramdam ko." Sambit ko habang naglalakad kami. Ilang minuto lang, nakarating na kami sa compound namin. Baka kasi hinahanap na din siya sa station nila. Nakakahiya naman.
" Walang anuman, Sachzna, magpahinga ka na, kita tayo bukas."
" G- goodnight."
Natapos akong maligo at saka humiga na ako sa aking kama. Tulog na din naman si mama kaya wala na akong makausap. Binura ko na din ang mga mensahe at numero ni Alessandro sa telepono ko. Bukas naman ay magpapalit na ako ng sim ko, para wala ng tatawag saakin.
" Dash?" Nagtatakang tanong ko sa kabilang linya. Tumawag ito.
" Nabalitaan ko ang nangyari--"
" Ayos lang ako, kaya ko naman." Nakangiti akong nakikipag usap sa kaniya kahit na wala naman siya sa harap ko. Nakahiga na ako at saka ready ng matulog. Hindi ko na didibdibin ang mga nangyari sa araw na to.
" Kamusta kayo ni Mr.--"
" Wala ng kami.."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...