60

36 8 0
                                    

" Miss Olivencia, what's your relationship with Mr. Villareal?" Tanong ng mga media saakin ng makita nila akong lumabas ng bahay namin. Bumisita ako kay mama saglit, nasundan nila ako sa labas ng village na ito.

" He's courting me." Tapat pag amin ko sa mga media na ito. Sunod sunod ang flash ng kanilang mga camera, ang mga guwardiya ko naman ay todo harang sa mga ito para hindi ako masaktan. Damn, kailangan ko nanaman bang magdagdag ng mga guwardiya ko?

" Are you two dating ma'am? Or getting to know each other parin?"

" Sorry, magi schedule nalang ako ng presscon, late na ako." Dinig ko ang singhapan at daing nila sa mabilisan kong pagalis, magkikita kami ng mga models ngayon, parang little relaxation lang. Lalabas kami together cause why not?

" Totoo po bang magpapa schedule kayo ma'am?" Tanong ni hyacinth sa tabi ko. Tinignan ko siya bago ngumiti, sa dami ba naman ng mga media kanina, kailangan ko talaga non.

" Yes, i schedule mo nalang, ikaw na ang bahala." Tumango ito.

" Yes ma'am."

Naglalakad na ako sa hallway at papunta na sa kwarto kung saan kami magsasalo salo ng mga models nila, simple lang ang idinamit ko dahil hindi naman kami magte training ngayon. Napakadagdag pa tuloy sa aking schedule ang gagawing presscon.

" Hello, ladies, napakarami naman ata ng niluto nila?" Tanong ko sa mga modelo na narito at naghahanda na ng kakainin namin. Late na ba ako para ganon na lang karami ang nagawa na nila? Akala ko ay mamaya maya pa kami kakain, ni hindi nga ako nag almusal para rito.

Ngumiti naman ang pinaka matangkad sa kanila.

" Marami daw po ang pinahanda ni Sir Villareal at saka ang iba daw po dito ay paborito ninyo." Napalunok ako sa sinabi nila. Alam parin ba niya  ang mga paborito kong pagkain? Hindi niya ba talaga ako nakalimutan simula noon pa?

" Where's Alessandro, by the way?" Nag kibit balikat ang mga models at saka nila ako sinimangutan. Oh, nasan naman kaya ang lalaki na yon. Hindi lang pala ako ang late dito.

Naupo muna ako sa gilid, nilapag ang aking bag at nagretouch ng kaunti, maghuhulas din lang ang make up mamaya kaya light makeup lang ang inilagay ko sa aking mukha. Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan, kaya naman napalingon ako doon ng kusa.

Nakita ko si Alessandro na may hawak na bulaklak, mga rosas iyon at napaka pula nilang lahat. Hinanap ng mata niya ang sa akin.

" I bought you flowers, should we start eating? Or not?" Napatingin ako sa bouquet ng rosas na hawak ko na ngayon, napakarami nila at mababango. Nginitian ko siya at saka tumayo mula sa pagkakaupo ko kanina.

Napamulsa siyang tumingin sa akin at saka itinagilid ang kaniyang ulo upang tignan ako ng maigi.

" Thank you for this, Alessandro, i think, we should eat? I mean, i didn't eat my breakfast earlier for this." Narinig ko ang mahihinang tawanan ng mga models kaya napalingon  ako doon, namataan ko ang mga mata nilang nasa amin ni Alessandro, natigil sila sa mga ginagawa nila sa hapag kainan.

Narinig kong tumawa si Alessandro.

" You didn't eat your breakfast? Kaya ganiyan ka kapayat--"

" I'm not mapayat, Alessandro, talagang naghanda ako para sa salo salong ito." Ngumisi siya. Binasa niya ang kaniyang labi bago kunin ang mga kamay ko, ibinigay ko kay hyacinth ang aking bulaklak at saka inilapag naman niya iyon sa upuan ko kanina.

" Let's eat, baka mamayat ang isang ito." Sumimangot ako sa sinabi niya. Ipinaghila niya ako ng upuan, katabi ko naman siya. Ang ibang models ay nakalayo saamin, na animoy may sakit kaming dalawa ni Alessandro.

Nangunot ang aking noo dahil sa ginawa nila.

" can we go outside after this?" Bulong ni Alessandro sa aking tainga. Napatingin ako sa kaniya dahil doon. Tumango naman ako ng dahan dahan. Naiilang naman ako sa titig ng mga modelo na nasa harapan namin. Baka kung ano ang isipin nila.

" Sure, saan naman?"

" Somewhere far. Tayong dalawa lang." Umiwas ako ng tingin bago ako tumangong muli.

Ilang minuto ang itinagal namin sa hapag bago kami natapos, nagku kwentuhan nalang kami ngayon, kanina ay napunta ako ng banyo para mag ayos ng sarili, kaya naman handa na akong umalis ngayon kasama si Alessandro.

" Sana po makapag model din si Ma'am Sachzna sa fashion show, para naman po may remembrance kami." Asar ng mga modelo kay Alessandro. Bakit kailangan ko pang rumampa? Ako na nga ang tumutulong sa kanila e. Akala ba nila hindi ako napapagod?

Kinagat ko ang aking labi at saka lumingon kay Alessandro. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Shit. Huwag mong balakin na pagrampahin ako, babatuhin kita ng takong.

" Why are you staring? It's awkward, Alessandro." Baling ko sa kaniya. Kanina pa nga hindi maalis ang mga tingin samin ng mga modelo dito.

" You're beautiful, how i love seeing your face everyday."

" Yiii." Agad na komento ng mga audience namin dito. Namula ang aking pisngi dahil sa sinabing iyon ni Alessandro. Ngumiti lang ako ng simple sa kanila para hindi mahalata na ako ay kinikilig na sa aking upuan.

Naligpit na ang mga pinagkainan namin, maya maya ay  aalis na din sila para makapag pahinga. Ganon din naman kami ni Alessandro, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

" Alessandro, nasaan pala ang mga lalaki? Bakit hindi mo inimbitahan?" Takang tanong ko dito . Umaalis na din at nagpapaalam na ang iba. Kailangan na nilang umalis.

" Bakit mo sila hinahanap? May gusto ka ba sa kanila?"

" Napaka unfair naman kung hindi sila kasama dito." Kusilap ko dito. Kinagat niya naman ang labi niya bago pina igting ang panga. Nagsimula na din akong tumayo para maghanda na din sa pag alis.

Nakaupo parin si Alessandro sa upuan niya. Halatang nainis.

" Where are we going anyway?" Pagbabago ko ng usapan habang papasok kami ng kotse niya. Hindi parin siya sumasagot. Talagang nainis siya sa itinanong ko? Nagtanong lang naman ako ng maayos ha?

Ngumisi ako ng makitang inis ang kaniyang mukha. Pinipigilang huwag tumawa.

" Alessandro, saan na kasi?"

Humawak ako sa kaniyang balikat ng angkinin niya ang aking labi. Hindi ko naman maiwasang tumugon dahil sa sarap na ibinibigay niyon.

" Stop talking, could you? I love you."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon