" Anak, bukas ba ay hindi ka parin matutulog dito?" Tanong ni mama habang nilalagay ko ang mga damit ko sa aking maleta. Dinala ko dito sa bahay ang mga marurumi kong damit. Ako na ang nagdala para makita ko si mama.
" Opo ma, siguro isang buwan? Mas malapit po kasi yung condo ko sa building ng mga Villareal, mahihirapan po ako kapag dito ako matutulog." Tumango si mama. Naubos na ang mga damit ko sa condo. Kaya minabuti kong kumuha dito sa bahay. Baka mamaya pagtapos kong mag train ng mga models ay didiretso ako sa mall para bumili ng mga bagong damit.
" Sige anak. Buti naman dumalaw ka kahit papaano, namimiss na kita, wala naman akong kausap dito."
" Tawagan niyo po ang mga bata, dito niyo sila patulugin, magpapa dagdag nalang ako ng guwardiya para may bantay kayo." Sinara ko na ang aking maleta. Dalawang maleta ang nilagyan ko ng damit ko. Kinuha iyon ng mga kasambahay namin. Naglalakad na kami ngayon ni mama pababa sa hagdan namin na magkasalubong.
" Aalis ka na agad? Tatawag nalang ako kapag dito sila matutulog." Kinuha ko na ang susi ng aking sasakyan. Ako na mismo ang nag drive, para makapag pahinga naman ang mga drivers ko.
" Sige ma. Tatawagan po kita kapag nasa condo na ako, i love you."
" I love you anak, magiingat ka."
I was wearing a red heels. 6 inches. Naka slit dress ako na kulay black. At naka shades ng pumasok sa venue para sa fahion show ng mga Villareal.
" Ladies, nakapag practice na ba kayo? Nasabi ba ng secretary ni Mr. Villareal ang mga tasks niyo?" Nangunot ang noo nila sa sinabi ko. Kahit ako ay nahawa. Tinignan ko ang secretary ni Alessandro.
" I'm sorry, ma'am. Hindi ko po nasabi. Hindi ko po nabasa ang emails kagabi." Napa buntong hininga ako sa sinabi niya. May pumasok na isang lalaki sa pintuan. And It's Alessandro. May mga kasunod siya sa likod niya.
" Here's your food. I know you're not starting yet. I moved the Fashion show. It's on July. We can have more time to practice. Rest for a while." Napapalakpak sa saya ang mga models. Maging ako naman ay nakaramdam ng ginhawa. It's on july? June palang ngayon. So matagal tagal pa nga. Thank you for that? I think.
Kumain sila ng dala ng mga guards ni Alessandro. Ako naman ay nanahimik sa gilid ay hinintay silang makakuha lahat. It has meat on it. Kaya baka hindi ako makakain niyan. Ayos naman sa mga models, pero saakin hindi. I have my event tomorrow.
" Ma'am, hindi po ba kayo kakain?" Tanong ng isang model. Humarap ako sa nagsabi non. Iniling ko ang aking kamay, tumango naman siya bago siya sumubo.
" I'm on a diet." Hindi na ako nag abala pang tumingin sa kanila. Sinandal ko ang aking ulo sa lamesa na kaharap ko. I want to sleep. I badly want to sleep.
Naramdaman kong unti unting bumagsak ang aking katawan dala ng pagod at nakatulog ako.
" Hmm." Ilang oras ata ang nakalipas ay nakabangon ako sa lamesa na ito. Ang sakit pa ng aking batok at leeg dahil sa tagal na pagtulog ko dito. Andito padin naman ang mga models, napakatahimik nila ng nakita ako.
Tapos na silang kumain, nasa isang sulok nalang ang mga pinagkainan nila at nakalagay na sa isang malaking plastic. Napabalikwas ako ng makita si Alessandro na nasa harapan ko.
" Why are you here?" Sambit ko. He chuckled. Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko. Kita ko ang pagkunyapit ng mga models dahil sa kilig. Iniwas ko ang mukha ko sa kaniya.
" I want to go home.." Sabi ko kay Hyacinth. Agad siyang tunango at saka kinuha ang susi ko.
" I'll drive you home,-- let's go." Walang ano ano ay kinuha niya ang kamay ko. Sumunod naman ako sa kaniya kaagad. Ni hindi na ako nakapag paalam sa mga models. Kumaway lang sila sa akin at saka na kami tuluyang umalis. Si Hyacinth na ang nagmaneho ng sasakyan ko. Ako naman ay sinakay ni Alessandro sa kotse niya.
" You don't have to do this, i have my car, i can drive." Ngumisi siya bago pinaandar ang sasakyan. Buti nalang at kaya ko pang isukbit ang seatbelt ko. Nakakalimutan ko kasi talaga kapag sobra na akong pagod sa trabaho ko.
" You can drive, but you are sleepy."
" Thank you for doing this, Alessandro." Sambit ko. Napatingin siya sa sinabi ko. Nakasandal lang ako sa upuan. Nakapikit ang mga mata ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, dahil may inasikaso ako about my event for tomorrow.
" We're here." Nakatayo na siya sa aking harapan. Hindi na ako makatayo. Nag aalangan ang mukha niya kung bubuhatin ba ako o hihintaying bumaba magisa.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin, tinanggal niya ng maingat ang seatbelt sa aking tagiliran.
Kinuha ko ang kaniyang damit at saka siya iniharap saakin.
" I miss you, Alessandro.." Napadaing ako ng halikan niya ako ng mapusok. Nakahawak lang ang kamay ko sa mga braso niya. Thank god, walang tao. Baka may makakita saamin.
" Kiss me back, sweetheart, i want to taste you, please.." Agad na naman niyang siniil ang aking labi. Hindi ko magawang sumagot. Hindi ko alam kung paano. Paano kapag iba ang naiisip niya? Paano kung mas lumalim pa ang gagawin namin?
" S- stop making me fall for you, Alessandro. It' s not helpful." Kumalas ako sa kaniyang braso. Inilayo niya ang kaniyang mukha sa akin. Sa mga titig niya palang ay natutunaw na ako. Umayos ako ng upo at saka aktong lalabas na ng magsalita siya.
" Are you falling for me, again, Zacharielle?"
" I told you before, don't you ever comeback. Because once you're back, i'll fall for you over and over again." Walang hiyang sambit ko. Nasa huwisyo na ako ngayon. Ni hindi ako nakakaramdam ng antok. Nawala na lahat dahil sa halik niya. Nawala lahat ng pagod ko.
Tumayo ako at saka kinuha ang bag ko.
" But i came back. Does it mean, you're falling for me? Again? Tell me sweetheart.."
" I don't want to fall for you again, you'll hurt me for sure."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...