01

169 49 13
                                    

" Ang aga aga, ang ingay ng pulis na iyan!" Reklamo ni mama. Nagising din ako dahil sa boses na iyon, bakit ba ang aga aga ay nagsisisigaw siya sa kalsada? Hindi pa pwedeng mahinahon lang?

" Ma, baka naman highblood? O kaya naman may talagang pasaway sa kalsada?" Napasilip ako sa bintana pagtapos ko itong buksan. Ang ganda ng sinag ng araw, tinanghali na ako ng gising dahil sa dami ng ginawa kagabi.

" Hindi ko alam, andami nga kaninang sasakyan na naka parada diyan, nasaway niya daw lahat, binigyan daw sila lahat ng warning!" Ang aga aga galit si mama. Meron itong sinasabi na isang pulis diyan sa labas. Laging nakaduty, napapansin ko nga din na usap usapan siya lagi dito sa amin.

" Hayaan niyo na po ma, baka talagang pasaway lang ang mga taong nasa labas." Nagsimula na din akong magligpit ng mga hinigaan. Si mama ay nakaluto na ng almusal, pati tanghalian  namin.

" Ate!" Tawag ng pinsan ko habang nagaayos ako ng mga halaman sa likod bahay namin. Napalingon ako sa kaniya.

" Bakit? Ang aga mo naman atang pumunta dito." Kalimitan mo lang makikita ang pinsan kong ito na lumabas. Samantalang ako, hindi talaga lumalabas ng bahay, kaya hanggang ngayon, hindi ko makita ang mukha ng pulis na sinasabi nilang masungit.

" Kilala mo na ba yung pulis na laging may nasisita? Sabi ng ibang bata diyan sa labas, gwapo raw ang isang iyon." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya bago umiling. Ang bata pa nito para sa ganitong mga bagay. Tinapik ko ang noo niya. Napadaing siya dahil doon.

" Mag aral ka muna kung totoo iyang sinasabi mo ha? Mabuti naman at lumabas ka ng bahay? Anong nakain mo a?" Tumawa siya ng kilitiin ko ang tigiliran niya. Napatigil naman kami kaagad. Dahil baka masira ang mga halaman, magagalit si mama.

" Tinignan ko lang po yung pulis ate sachzna, nakita ko nga po siyang nag momotorsiklo, parang laruan, ang galing!" Tumango ako sa sinabi niya. Bawat araw mas lalo akong na cucurious kung sino ang lalaking iyon.

" Talaga ba? Totoo bang gwapo yan? Karamihan sa mga pulis ngayon, mataba, walang buhok o kaya naman pandak." Sumimangot siya sa sinabi ko. Tumatawa naman ako. Totoo naman, ang ilan sa mga pulis ay ganon, no offense. Pero ganito kasi ang mga naka duty dito saamin.

" Hindi ko alam sayo ate kapag nakita mo na siya, bahala ka, crush ko yun a? Huwag mong aagawin, bye!" Tumakbo ito palayo saakin at saka dumiretso sa bakanteng lote ng compound namin.

" Ma, ano pa po palang kailangan gawin? Naayos ko na po ang mga kailangang gawin dito sa bahay, may iuutos pa po kayo?" Nakita ko si mama na nakaupo na, natapos na siguro, kaya baka wala na. Isang masahista si mama, tinatawag lang siya sa trabaho kapag may gustong magpamasahe. Kumikita naman si mama kahit papaano.

" Wala na anak, hinihintay ko nalang na tumawag ang amo ko, baka kasi marami silang client ngayon e, malay mo tawagin ako para may pang ulam tayo mamayang gabi." Tumango ako. May mga kailangan pa kong gawin para sa aking mga asignatura. Pero tuwing gabi ako nag aaral. Ito na ang panghuling taon ko sa kolehiyo, at magtatapos na.

" Sana nga po tawagan kayo ma, pero ayos naman po kahit itlog ang ulam o kaya bumili nalang po tayo ng lutong ulam sa kabilang kalsada." Hindi na ako sinagot pa ni mama.

Wala kong magawa ay nag ayos ako ng mga kailangan sa eskuwela, habang pataas ng pataas ang grado mo sa school, mas humihirap ang mga aralin at asignatura.

" Nako, sabi nga nila gwapo daw iyong pulis, at saka napaka sungit daw talaga.."

" Ay nako, kanina, andami nanaman niyang nahuli, may hinabol pa nga siya, naabutan pa, kawawa.."

" Ang galing talaga niyang pulis na iyan.."

Umiiling ako habang naririnig ang mga kapitbabay na naguusap tungkol sa sikat na pulis na iyan. Artista ba iyon? Bakit halos ata ng tao sa baranggay namin ay kilala siya?

" Anak, kesa nagkukulong ka diyan sa kwarto mo, at wala namang ginagawa, pumunta ka doon sa labas at magpahangin, para naman makita ka din ng mga tita mo." Dinig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto. Hindi talaga ako lumalabas ng bahay, wala akong pakialam sa kung sino ang nasa labas. Matagal naman na akong nakikita ng mga tita ko a?

" Marami akong gagawin ma! At saka nakikita naman po ako lagi nila tita kapag dumadaan sila dito a?" Tumatawa kong sambit kay mama.

" Nako, loko ka talaga! Ayon! Narinig mo ba yung gwapong pulis sa labas? Tignan mo, baka magkaroon ka ng inspirasyon sa buhay." Napailing ako sa sinasabi ni mama. Bakit sinasabi sakin to? Ganon na ba ako kahuling balita tungkol diyan sa pulis na yan?

Lumabas ako ng kwarto.

" Ma--"

" Ayan, nagtext ang amo ko, may client daw ako, teka-- mag aayos na ako." Tinignan ko si mama na nagmamadaling kumilos, malayo kasi ang byahe kung galing ka sa amin hanggang bayan.

" Ako na po ang magpa plantsa ng damit mo ma, maligo ka na po." Tumango naman si mama, dali dali siyang kumuha ng tuwalya at saka siya nagmadaling pumasok ng banyo.

" Salamat anak." Ilang minuto lang ay natapos na siya. Naglagay siya ng kaunting kolorete sa mukha. Bago nagsuklay at nagpabango.

" Aalis na ako, mag tetext ako sayo mamaya kung pauwi na ako."

" Bye ma--"

" Ihatid mo ako sa labas!" Sumunod ako kay mama at saka kumakamot sa ulo habang naglalakad sa likod niya. Matanda na si mama, kaya naman na niya sigurong maglakad mag isa ano?

" Buti naman lumabas ka na, sachzna, ang puti puti mo na." Bati ng isang tita ko matapos akong makita na nakalabas ng bahay sa loob ng ilang buwan kong nakakulong sa bahay namin.

" Ihahatid ko lang po si mama saglit babalik din po ako--"

" Ayan na siya, nakabalik na yung gwapong pulis-- sabi ko sayo, naabutan niya yung motor e." Sambit ni tita ko habang nakatingin sa isang lalaking naka uniporme ng pulis at naka sakay sa motorsiklo, pinaglaruan niya pa ang motorsiklo niya.

Manghang mangha naman ang mga nakakita non.

" Ano pong pangalan niyan?"

" Alessandro Villareal.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon