03

109 45 0
                                    

Naging busy ako sa ilang mga araw. Hindi ko talaga nasagot nag pulis na iyon nung gabi na may nanghingi ng tubig, sino ba siya?

" Anak, maghapon ako ngayon sa pwesto namin, ikaw na muna ang bahala dito a? Tsaka mamamalengke na din pala ako ng iba pa nating handa sa bagong taon." Kinuha na ni mama ang bag niya, magisa ko nanaman maiiwan dito sa bahay, siguro ay lalabas nalang ako, baka kasi may plano ang mga pinsan ko para sa new year.

" Ingat ka ma.."

Nag ayos muna ako ng mga gamit at kalat sa loob at labas ng bahay. Maliligo muna ako bago ako lalabas ng bahay, makikihalubilo muna ako sa mga pinsan ko habang wala si mama.

" Ate! May mga plano ba para sa bagong taon? Magsasalo salo daw kasi tayo dito sa labas." Nakatingin ako sa police station, nasa labas ang sinasabi nilang pulis. May hawak itong mahabang baril at kinakasa kasa niya ito. Ang yabang naman, pumutok sana sa kaniya.

" Ah, ganon ba? Ang alam ko kasi magpapa laro daw si tita veronica, hindi ko alam sa iba." May mga tita kaming nagpapalaro tuwing may okasyon dito sa compound namin, sa compound na ito, panay kami magkaka mag-anak.

" Sinabi niya din po saakin iyan, at saka sila tita Janice, may ihahanda daw po para ibigay sa mga pulis na andoon." Tinuro niya ang station. Napaiwas ako ng tingin ng nagtama ang mata namin ng pulis na masungit. Siguro ang alam niya ay pinaguusapan namin siya.

" Mag dedecorate pa ba tayo? Mag ambagan kayo para makagawa tayo ng mga palamuti dito." Nangiti ako ng ang iba ay tumakbo sa bahay nila at saka humingi ng pera sa mga magulang, ang iba naman ay dumukot lang sa bulsa nila at saka nila ibinigay saakin.

" Mamayang hapon, pupunta ako sa grocery, para doon na bumili ng mga gagamitin, gusto niyong sumama?" Tumango sila. Ngumiti naman ako.

" Sige, mamayang--"

" Sinabi ko ng huwag kayong babalik dito! Hindi talaga kayo nakikinig!" Napakusilap ako ng marinig ang boses ng lalaking pulis na iyon, sinesermonan niya lang naman ang mga naka bisekleta, kunting panahon nalang talaga, sisigawan ko na din ito.

" Napakasungit naman talaga niyan, bakit gusto lang naman ng mga yan na mag bisekleta, argh!" Sigaw ko, habang naglalakad pauwi ng bahay. Nakakainis ha? Siguro ay nasa dugo na niya ang pagiging high blood araw araw.

" Hello!" Pasaring na sabi ko sa telepono. Nakakainis.

" Chill, ang aga naman ng sigaw mo, nagising ka nanaman ba ng sigaw ng gwapong pulis diyan?" Napakusilap ako, naka loud speaker ang cellphone ko dahil nag sasaing ako ng kakainin ko. Mamaya naman ay ang ulam.

" Hindi ko na alam, bakit dito iyan napadpad, napaka ingay, sobrang sungit at istrikto, hindi ba pwedeng umalis na yun?!" Tumawa sa kabilang linya si Jamaica.

" Alam mo namang diyan ang unang baranggay kung saan makakapasok sila sa bayan natin, diyan siya nilagay para mabantayan ang mga papasok dito." Baranggay namin ang pasukan ng mga gustong pumasyal sa bayan namin, may mga magaganda kasing pasyalan dito, kaya marami talaga ang dumadayo.

" Pwede naman doon sa kabilang baranggay nalang, para maranasan nila ang delubyo dito." Napapa daing ako dahil sa niluluto kong isda. Napakasakit naman ng talsik nito, niluluto na nga siya, magagalit pa.

" Basta yung sinabi mo ha? Lalabas tayo pagtapos ng bagong taon."

" Oo na.."

Natapos akong kumain, nasa labas nanaman ako, gusto ko sanang tumambay nalang sa bahay kaya lang, wala naman akong kasama, nakakatakot.

" Tara na, punta na tayo sa grocery, para makapag handa na tayo para sa bagong taon." Ilan lang sa mga pinsan ko ang kasama. Dahil hindi sila pwede. Tabing kalsada kasi ang dadaanan namin kaya baka pagalitan kami.

Payapa kaming naglalakad sa gilid ng kalsada ng makarinig kami ng sermon galing sa pulis. Iniinis talaga ako.

" Bakit naglalakad kayo diyan? Bawal ang bata!" Napalingon ako sa pulis na naglalakad palapit saamin. Isang 11 years old at 8 years old ang kasama ko.

" Sir, saglit lang naman po kami, hindi naman na po paslit ang mga--"

" Kahit na, Miss. Bawal, kung gusto mo, ikaw nalang mag isa." Kinagat ko ang labi ko dahil sa inis. Ang sarap niyang sagutin. Hinawakan ko ang mga pinsan ko bago ako nagsalita.

" Matagal na po kaming nakakalabas dito sa compound ng walang naninita, ngayon lang po kami ginanito, ang sungit niyo naman po." Umiwas siya ng tingin, kinakasa kasa niya ang baril niya. Hindi naman nakakatakot dahil wala namang bala iyon. Umayos siya ng tayo.

" Pilosopo ka ba? Ilang taon ka na ba? Baka hindi ka pa lega--"

" 20 years na po ako, Sir Villareal. Legal age. Aalis na po kami." Nanlaki ang mata ko ng hinigit niya ang kamay ko.

" Gusto mo bang dalhin nalang kita sa opisina? Para ang hepe nalang ang kakausap sa katigasan ng ulo mo?" Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. Sinenyasan ko ang mga pinsan ko na umuwi nalang. Wala kaming mapapala dito kung ganito ang eksena.

" Ito na po, babalik na, napaka sungit mo!--" Hinila niya ang kamay ko at saka dinala sa station nila. Pumipiglas ako kaya lang hindi niya ako bitawan. Pinasok niya ako sa maliit na opisina na andito.

" Keep your mouth shut, I hate your attitude.." Umupo siya sa harapan ko. Hindi naman ako napansin ng mga pinsan ko, kaya walang magsusmbong sa akin na kinuha ako ng pulis.

" Mas ayoko sa attitude niyo sir, ang sungit niyo, tinatakot niyo ang mga tao, at saka napaka istrikto mo." Ngumisi siya. Binaba niya ang baril niya at saka inayos ang buhok. Well, gwapo pala to? Pero kahit na, masungit parin.

" Trabaho ko to, kung ayaw mo saakin, pumikit ka, o kaya huwag kang lalabas ng bahay para hindi mo ako makita.." Tinaasan ko siya ng kilay, hindi naman ako huhulihin sa gagawin ko diba?

" Paanong hindi ako maiinis sa inyo, pati sa loob ng bahay, naririnig kayo, ang ingay." Napabalikwas ako ng tinapik niya ang lamesa. Ginalit ko ata.

" You want me to stop doing that just for you, Ms. Olivencia?"

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon