65

97 10 1
                                    

" Miss Olivencia, totoo po ba na kayo na ni Mr. Villareal?" Tanong ng isang reporter ng nagsimula kami sa presscon nila. Ngumiti naman ako at saka kinuha ang mic na nakaharap sa akin. Tumingin muna ako kay Alessandro.

" Yes, we're together." Nakarinig ako ng ' ohh' galing sa mga reporter. Sunod sunod namang flash ng camera ang sumugod sa mga mukha namin. Maaga namin itong inumpisahan dahil maaga din si mama na nagluto para sa paguwi ko sa bahay kasama si Alessandro at ang mama niya.

Hawak ni Alessandro ang kaniyang mic ng handa na niyang sagutin ang tanong sa kaniya ng reporter.

" Sir Villareal, alam po namin ang nangyari sa inyo at nakaraan niyo ni Miss Olivencia, ano po ang nag udyok sa inyo para siya ulit ang mapili niyo bilang magiging girlfriend?" Ngumisi si Alessandro bago siya humarap sa medias. Napakarami ang nag aabang sa sagot niya, kahit ako din naman.

Ngumiti lang ako ng marinig ang sagot niya.

" Well, who wouldn't fall for this woman? Nahulog ako sa kaniya noon, hindi ba pwedeng maulit ngayon?  I really love her from the very beginning, and i don't want her to be away from me anymore. I love Ms. Olivencia very much." Damn. Napa ngiti nalang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko din alam kung paano ako nahulog ng ganito sayo Alessandro, nasaksikan mo ang pagtanda ko, simula ng walang wala kami hanggang sa ganito na at maginhawa na ang buhay ko, andito ka parin saakin.

Hindi magkamayaw ang mga tao sa sinabi ni Alessandro, sino ba naman ang hindi kikiligin sa sinabi niya?

" When's the wedding then, Mr. Villareal? For sure, you will marry her, ikaw na mismo ang nagsabi na ayaw mo siyang mawala sayo."

" When the right time comes, I will surely marry her, sa ngayon, we are both focusing on our works and other bussinesses, for us to be ready in the future financially." And be ready to be a dad, Alessandro, balak ko ng sabihin sa kaniya ang lahat mamaya after dinner with our parents, hindi ko na gusto na patagalin pa, para naman hindi na din ako mahirapan itago sa kaniya.

Ilang oras ang itinagal ng presscon, and after a long time, natapos na din kami, masyado ng marami ang mga tao dito sa venue at baka dumugin pa kami kapag paalis na, kaya minabuting tapusin na ng maaga para hindi na kami mahirapan pa.

" Thank you for coming, medias, I know, hindi kami masyadong nakikipag interact sa inyo, because of our busy schedules too. Kapag mayroon naman kaming time magpa presscon ulit, kami na mismo ang tatawag sa inyo."

" Thank you also for calling us, Mr. Villareal and Ms. Olivencia, talagang nakakatuwa na makasama kayo ng ilang oras, no tensions attached, napakabait po ninyo, we are all waiting para sa proposal, Mr. Villareal, handa kaming mag cover for the both of you." We all laughed sa sinabi ng isang reporter. Napaka advance naman ata masyado, baka hindi na ako masurprise kung ganoon.

We are on our way home, napagisipan namin na doon na mismo sa aming bahay magdinner. Nakabisita na din kasi ako sa bahay nila tita kaya sila naman daw ang bibisita ngayon sa amin.

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon