10

66 33 8
                                    

" Salamat, sa pagtuturo saakin, Alessandro, baka nakaistorbo na ako sa iyo." Nahihiya kong sambit sa kaniya habang naglalakad kami palabas ng lugar na ito. Ang mga baril niya ay nailagay na sa sasakyan niya.

" Kapag may hindi ka maintindihan sa lessons mo, ako na ang gagawa." Tinignan ko siya. Ngumiti siya saakin. Malayo pa ang lalakarin namin kaya kailangan talaga naming magusap. Awkward naman kapag hindi.

" Talaga? Uh, okay, saan ka nga pala nakatira?" Nilalaro ko ang aking slingbag na dala. Cellphone at wallet lang naman ang dala ko. Hindi pa pala kami kumakain.

"Saan mo ba gusto pumunta? Baka hindi ka nakakalabas ng bahay ninyo? Ipapasyal kita." Nag isip ako ng magandang lugar kung saan kami pwedeng pumunta. Kung gagabihin naman kami ay magpapaalam naman ako kay mama. Tinitignan niya ako habang naglalakad kami.

" Gusto ko sanang pumunta sa mall ngayon, kaya lang, nakakahiya naman, mahal ang gasolina. Wala akong pambayad sa iyo." Tumawa siya. Napabusangot ako sa harapan niya. Umiwas siya ng tingin bago kagatin ang labi nito.

" Full tank ang sasakyan ko, ngayon ko nalang iyan nagamit kaya gusto kong igala pa iyon, gusto mo bang mamasyal?" Nanlaki ang mata ko bago dahan dahang tumango. Binasa niya ang kaniyang labi bago hinawakan ang kamay ko at saka inalalayan akong makaupo sa tabi nito.

" Alessandro, ilang taon ka na, bakit hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend?" Tanong ko dito habang nasa byahe na kami. Maliit lang ang mall dito sa amin dahil probinsiya ang tinitirhan namin. Wala ding masyadong pasyalan hindi katulad sa ibang lugar.

" Wala sa isip ko ang pag nonobya, Ms. Olivencia. Nakatutok ako sa trabaho ko." Sambit niya sa malamig na boses. Tumango ako. Napakatanda na nito, bakit hindi pa mag asawa? Sayang ang mga taon niya sa mundo.

" Tumatanda ka na, kailangan mong maranasang mainlove, o kaya naman mag date? Magkiss? Yakap? Ganoong mga bagay." Tinignan niya ako ng saglitan. Nag igting ang panga niya sa sinabi ko.

" Paano mo nalalaman ang ganiyang mga bagay? May nobyo ka na ba?" Nanlaki ang mata ko at saka mabilisang umiling habang nakasimangot. Mukha ba akong may nobyo?

" Wala, kahit nga ang mama ko ay gusto na kong magkaroon ng ganoon, kaya lang, mas gusto kong mag aral at magtapos muna." Tumango siya at saka ngumiti. Nasa mall na kami. Pinark niya ang sasakyan niya sa may malilim na parte. Bumaba kami ng sasakyan. Hinigit niya ang beywang ko at inalalayan akong humakbang sa mga hagdan.

" Maayos yan-- saan mo gustong pumunta?" Tinuro ko ang isang kainan. May pera naman ako, KKB siguro to. Nakakahiya naman kapag siya ang magbabayad sa pagkain ko. Buti nalang nagdala ako ng pera.

" Hi sir, hi ma'am, may i take your order please?" Nakatingin ako sa menu na nasa harapan ng cashier. Nasa likod ko lang si Alessandro. Hindi ako makapili.

" Alessandro, ano ang sayo?--"

" Kung ano ang gusto mo, iyon nalang ang saakin." Nanindig ang balahibo ko ng magsalita siya galing sa likod ko. Malumanay ang pagkaka bigkas niya at saka ibinulong niya iyon sa tainga ko. Napalingon ako sa kaniya.

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon