58

42 9 2
                                    

Nagising ako sa malambot na kama. Nanlaki ang mata ko ng makitang katabi ko si Alessandro sa aking tabi, wala siyang damit.

" Shit! Alessandro wake up!"

" Hmm." Hindi naman siya nagigising. Napaka lalim ng tulog niya. Humiga ako ulit at saka hinarap ko ang aking mukha sa kaniya. Ginalaw ko ang aking kamay patungo sa kaniyang buhok. Ginulo ko ito.

" Good morning, Alessandro." Nakangiti kong bati sa kaniya. Tinitigan ko muna siya ng ilang minuto bago ako lumabas ng kwarto at nagluto para sa kaniya. Bilang pasasalamat lang naman, kaya ako magluluto ako.

Naghanda ako ng mga gagamitin ko. Nagsuot din ako ng apron. Siguro sasabay nalang ako sa kaniya papunta sa building nila, naiwan ko ang kotse ko.

" It smells so good--"

" What are you doing, Alessandro?" Naramdaman ko ang kamay niya sa aking beywang. Agad akong umiwas dito. Napamura ako. Hindi ko alam na nakasunod pala siya saakin.

" Let me do this just this time. I missed you."

" Hindi mo parin ako pwedeng hawakan--"

" But you touched me a while ago, i feel it." Nanlaki ang mata ko sinabi niya. Agad akong napaharap sa kaniya. Ngumisi siya at saka hinuli ang aking beywang.

" I didn't mean to do that, g- gusto lang kitang batiin, and you are beside me anyways. Bakit ka tumabi saakin?" Nag igting ang panga niya bago umiwas ng tingin. Hinayaan niya akong magluto. Pagtapos nito ay maliligo na ako, ayokong magtagal dito.

" This is my condo, not yours, so I am allowed to sleep at my room." Umiwas ako sa sinabi niya. Ng matapos akong magluto ay nilagay ko sa lamesa. Hindi na muna ako kakain, siya nalang.

Nakatingin lang siya sa bawat kilos ko.

" C- can i use your bathroom? I want to take a shower--"

" You want me to help you?" Binato ko siya ng unan na nasa sofa. Nakailag naman ang gago. Tumawa siya ng makitang pula ang aking mga tainga. Hinanda ko na ang aking susuotin para sa pagte train. Training nanaman. Nakakainis.

Isang white skirt at white na puff sleeve ang suot ko. Kumuha lang ako ng isang pares ng sapatos at kulay beige ito. Dumiretso ako sa banyo niya.

Nagpatuyo ako ng buhok ng matapos ako. Narinig kong kumatok si Alessandro sa pintuan.

" Are you done?"

" Yeah."

Pumasok siya. Nakahanda na akong umalis. Hinintay ko lang siya na matapos. Nauna din akong lumabas, doon ko nalang siya hihintayin sa kotse niya.

" Bakit ka lumabas kaagad? Baka makita ka ng mga tao." Dinig kong sabi niya habang palabas ng condo at sinasara ang pintuan niyon. Sumakay ako agad sa kotse niya.

" Ipapakuha ko na ang mga gamit ko diyan mamaya, doon na ako sa bahay matutulog." Tumingin siya saakin. Sinuot ko ang aking seatbelt. Maging siya ay ginawa iyon. Pinaandar na niya ang kaniyang sasakyan.

" What is it, Hyacinth? Ang aga mong mag chismis-- what?!" Napasabunot ako sa aking buhok sa sinabi ni Hyacinth saakin. Damn, this can't be happening. Ang ayaw kong mangyari ay nangyayari na nga. Bakit ambilis kumalat ng balita?

Nakakunot ang noo ni Alessandro habang nagmamaneho.

" Hindi pwede iyan, secluded ang village nila Alessandro kaya bakit may nakakuha ng litrato ko?!" Sigaw ko. Hindi pwede. Tanginang buhay. Binaba ko ang telepono. Tinignan ko ang article na pinasa saakin ni Hyacinth. Agad nag init ang ulo ko dahil doon.

' Alessandro Villareal, spotted leaving Ms. Olivencia's condo unit.'

' Sachzna Zacharielle Olivencia spotted leaving her condo unit with Alessandro Villareal.'

" Damn it!" Sipa ko sa sasakyan niya. Hininto niya ang sasakyan at saka nilingon ako.

" What's the matter--"

" I told you, i don't want this to happen! Someone took a photo of me while waiting for you outside your condo unit earlier, they even have a photo of us leaving my own condo unit and saw me entering your car!" Sigaw ko. Nag iinit ang aking ulo. Hindi naman kaya mga kapitbahay na naroon ang nakakuha ng litrato namin? O kaya nakuhanan kami sa cctv cameras? Paano?

" Chill, Is it my fault? What should we do?" Mas lalong tumaas ang dugo ko ng makitang maraming media ang nasa labas ng venue kung saan ako nagte train at hindi sila magkamayaw. Tapos makikita nila kaming dalawa ni Alessandro na magkasama sa iisang kotse , ano nanaman ang iisipin nila?

" I don't know what to do, hindi dapat nila tayo makitang magkasama dito sa kotse mo, baka madamay ka pa." Nilingon niya ang mga tao na nasa harapan namin. Wala akong guwardiya, ni pati ang staff ko ay nasa loob na. Kung lalabas sila at sasalubungin ako, alam na agad ng mga media na parating na ako dito.

Tinanggal ni Alessandro ang kaniyang seatbelt at walang pakundangang lumabas. Agad siyang dinumog ng mga tao. Laking gulat ko ng buksan niya ang pintuan ng passengers seat kung saan ako nakaupo.

" I'll take care of you, be careful, sweetheart.." Kinuha niya ang aking beywang ng matapos kong alisin ang aking seatbelt. Sumesenyas ang isa niyang kamay, ilang sandali lang ay may mga guwardiya na sa likod ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

" I know you are all bothered and shocked about the leaked photos of me and Ms. Olivencia, for now, we can't answer your questions, We're sorry, let's go, baby.." Nakayuko lang ako sa media. Hawak ng mahigpit ni Alessandro ang aking kamay. Nakahinga ako ng maluwag ng nakatapak na kami sa venue at wala ng tao. Dalawa nalang kaming natira dito.

Nilingon ko ang aking likuran, kung saan kami pumasok ni Alessandro. Dinig ko parin ang mga boses nila sa labas, pero buti nalang hindi nila ako tinanong. Bumuntong hininga ako.

" Are you okay?"

" Hindi ko gustong madamay ka, Alessandro, baka dumugin ka ng mga tao dahil dito." Sambit ko sa malungkot na boses. Hindi mapakali ang mata ko kakatingin sa kaniya at sa likuran ko. Baka kasi makapasok pa sila.

Tinignan niya ang mga mata ko, ngumiti siya.

" I want to be involve with you, let's give them what they are all thinking, let me date you, Ms. Olivencia." Tinapik ko ang kaniyang braso bago nagsalita at tuluyang umalis sa kaniyang harapan.

" Fine, i'll give you the chance this time. Good luck, Mr. Villareal.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon