13

51 22 3
                                    

" Ma, aalis po ako ngayon, magkikita kami ng mga kaklase ko, kasama ko naman po si Dashiell e." Sambit ko. Nag aayos na ako ng gamit, maliligo na din ako.

" Sige anak, maligo ka na, baka mamaya andito na yung si Dashiell." Mabilisan lang naman akong maligo kaya ayos lang. Ilang minuto lang natapos na ako. Nagsuot ako ng puff dress. At saka sandals, nagsuot lang ako ng mini bag at saka nag ayos ng kaunti sa mukha. 

" Saan tayo sasakay, Dashiell?" Sinabi niya kasing libre niya ang pamasahe ko kaya dumiretso ako sa bahay nila. Nakabihis na ito ng makapunta ako.

" Sa kotse namin, ihahatid tayo ni papa, saglit lang daw." Tumango ako. At saka umupo muna sa upuan nila dito sa bakuran. Marami din silang bulaklak, hilig nila ang magtanim.

" Saan daw tayo magkikita kita? Baka wala pa ang mga iyon, alam mo naman sila." Tuningin siya saakin. Nilagyan niya ako ng juice sa maliit na lamesa na kaharap ko. Ininom ko iyon ng mabilisan. Napakalamig niyon.

" Sa children's park, andoon na daw ang iba, saglit lang daw tayo, gusto daw nila pumasyal sa perya." Napapalakpak ako sa tuwa. Matagal ko ng gustong pumunta sa perya. Pero ngayon, umaga naman kami pupunta.

Nakasakay na kami sa sasakyan, bagi ako sumakay kanina ay nagtama ang mata namin ni Alessandro, nag igting ang panga niya. Nakakatakot.

" Hi sachzna!" Niyakap ako ng mga kaibigan ko. Halo halo kaming magkakaibigan, may lalaki at babae. Masaya naman kami sa grupo, hindi din kami nag aaway sa mga maliliit na bagay lang. Umupo kami ni Dashiell.

" Sabi nila Sir, sa lunes daw kailangan na itong maipasa. Marami naman tayo kaya magagawa natin to ngayon." Inumpisahan namin ang project namin. Isa itong artwork, kaya kailangan namin ng magaling mag drawing, buti nalang kami ang magkaka grupo, si Dashiell ay magaling dito.

" Sach, balita ko, ang gwapo daw ng pulis na nakaduty sa inyo a? Pasyal kaya tayo kunwari kila Dashiell tapos punta tayo sa station nila?" Tumatawang sambit ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga itong si Glorianne. Napailing ako. Naalala ko nanaman ang mga mata niya kanina.

" Nako, napaka sungit non, kung alam niyo lang." Umiiling kong sambit habang nakatingin kay Dashiell na busy sa pagda drawing. Patapos na din kami sa mga ginugupit namin.

" Talaga? Gaano kasungit? Halik lang ang katapat non." Napalunok ako sa sinabi ni Regina. Umiwas ako ng tingin ng tignan ako ni Dashiell. Bigla kong naalala nung gabing hinalikan niya ako.

" T- tapusin na natin ito, gusto ko na din pumasyal sa perya."

Ilang oras ang ginugol naming lahat sa project, at natapos din namin. Nahirapan lang kami sa pagdidikit pero naayos naman namin dahil sama sama kaming gumawa.

" Sasakay nalang tayo ng tricycle. 6 pesos ang pamasahe papuntang perya." Agad akong tumango. Hinawakan ni Dashiell ang kamay ko at saka kami sumakay ng tricycle.

" Kaming dalawa lang dito sa loob, kayo na sa back ride." Naguguluhan man ay tumango nalang sila. Walang nakaupo sa maliit na upuan. Dalawa lang kami ni Dashiell dito.

" Namumula ang kamay mo, kakagupit mo iyan kanina." Kinuha niya ang kamay ko at saka sinuri ng maigi. Minasahe niya ito ng dahan dahan. Hindi naman ito masakit.

" Ayos lang, natapos naman natin ng maganda ang project, kaya worth it ang pagod." Umiling siya. Tumingin ito saakin. Nililipad ang aking dress. Kaya nilagay ni Dashiell ang kamay niya sa maliit na upuan para matakpan ang bandang tuhod ko. Napangiti ako dahil doon.

" Ganito pala ang perya kapag umaga? Ang pangit." Tawa ko. Hindi naman kasi pwedeng magpailaw kapag umaga. Parang ang plain ng lugar. May mga games parin naman na nakabukas. Kaya may paglalaruan parin.

" Gusto mo bang maglaro?" Malumanay na tanong ni Dashiell mula sa likod ko. Tinuro ko ang isang palaruan. May mga lobo iyon, sa tingin ko, kapag naputok mo silang lahat ay magkakaroon ka ng premyo.

" Dashiell, kunin mo iyon! Gusto ko ang manikang iyon!" Turo ko sa isang teddy bear na rainbow ang kulay. Ngumiti siya at saka naglaro.

" Ayan! Isa nalang! Makukuha mo na!" Excited na sigaw ko. Napangiti ako ng matamaan iyon ni Dashiell. Kaya naman nakuha niya iyong teddy bear. Ibinigay niya iyon saakin.

" Ang galing mo! Salamat.."

" Maganda ba?" Tinignan ko ang teddy bear bago tumango sa kaniya at saka ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at saka kami naglakad lakad pa. Kumain din kami nung napagod.

" Alam niyo? Perfect kayo sa isa't isa e, bakit ba hindi nalang kayo?" Napalunok ako sa sinabi ni Lei. Tumingin ako kay Dashiell. Tinignan niya ng masama ang mga kaibigan namin.

" Oo nga, boto naman ang mama ni Dashiell kay Sachzna, hindi kayo magkakaroon ng problema kapag ilelegal kayo." Pag sangayon naman ni Gabriel. Nagpapatuloy lang akong kumain. Hindi ako sumasagot dahil baka masaktan ko ang damdamin ni Dashiell.

" Dalian niyo nalang kumain, aalis na kami pag natapos na tayong lahat." Malamig na sambit ni Dashiell. Natahimik sila dahil doon. Ilang minuto kaming walang kibo.

" Sa sabado, papasyal kami sa inyo Dash, sisilipin nadin namin yung pulis doon."

" Sige." Agad niyang pag sang ayon. Naglalakad na kami ngayon. Hihintayin namin ang papa ni Dashiell. Dahil susunduin kami ulit ng kotse nila. Ang mga kaibigan naman namin ay nakauwi na din.

" Dash, payag ka talagang papasyal sila? Napakaingay ng mga iyon." Sanbit ko. Tumingin siya saakin. At saka tumango. Nakapag sleepover na kami dati sa bahay nila Dashiell. Kaya lang, napagalitan kami dahil sa ingay naming lahat.

" Ayos lang, andoon ka din naman, kaya walang magiging problema." Ngumiti ako. Sumakay kami kaagad sa kotse nila ng makita kami ng papa niya. Wala naman na kaming ibang pinuntahan kaya makakauwi kami kaagad ng bahay.

" Ingatan mo ang teddy bear na yan, itabi mo sa pagtulog mo." Ngumiti ako. Hawak ko parin ang teddy bear na napanalunan ni Dashiell.

" Oo naman, ang galing mo kaya kanina." Tumawa kami. Ng makarating kami sa harap ng gate ng compound namin ay bumaba muna si Dashiell.

" Uuwi na ako, bukas nalang o kaya mamaya, pupunta ako sa bahay ninyo."

" Sige, salamat." Hinintay ko siyang makasakay ule. Kumaway ako ng umandar na sila. Papasok na ako ng gate ng may tumawag saakin.

" Sachzna!"

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon