Ibat ibang flash galing sa mga camera ang sumalubong sa mga modelo habang naglalakad sa gitna at sa harap ng maraming tao.
" Those bags are so nice, i want that one."
" I really like the slit dress."
" Their swim wears looks so nice."
Dinig ko ang puri ng mga manunuod habang rumarampa parin ang mga modelo sa aming harapan. Nasa gilid ako at pinapanood sila. Katabi ko naman si Alessandro, hindi na ako nag aksaya ng oras na rumampa din dahil ayaw din naman ni Alessandro na makita ako ng mga tao.
" Baby, are you okay?" Tanong saakin ni Alessandro kaya naman hinarap ko siya at saka ngumiti.
Hinawakan niya ang aking kamay, ni wala siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga media at kung sino ang makakakita sa aming dalawa.
" Let us all give them a round of applause for doing a great job modeling those collection from Villareal Lines." Agad na nagpalakpakan ang mga tao, ganon din naman ako. Ang ibang mga tao ay natingin kay Alessandro dahil siya naman talaga ang may hawak sa kompanyang ito.
Ang alam ko ay magbibigay ito ng speech, o baka naman hindi na?
" And also, let us acknowledge the presence of the hottest and prettiest Supermodel of all time. None other than, Ms. Sachzna Zacharielle Olivencia." Tinutok nila sa akin ang spotlight, maging ang mga ibang media ay natapat ang camera sa akin. Kumaway ako sa kanila bilang paggalang.
Hawak parin naman ni Alessandro ang aking kamay, at alam kong may hint na ang mga tao dahil sa ginawa ni Alessandro.
" Hello, those models are so nice and beautiful of course, habang nasa training kami, hindi naman sila mahirap turuan and of course, they are all hard working. I am thankful and honored that Mr. Villareal chose me to train his models for this. And I am happy also for the models that they enjoyed this fashion show and apply the things that i taught them." Sambit ko. Nagkaroon kami ng kaunting photo session. Binigyan din naman ako ng bulaklak ni Alessandro to acknowledge my presence too of course.
Agad na hindi napakali ang mga tao ng halikan ni Alessandro ang aking labi sa harapan ng mga tao ng natapos niyang iabot ang bulaklak sa akin.
" Thank you for this."
" I love you."
Kinabahan man ng kaunti sa panganib na baka habulin kami ng media mamaya ay wala akong nagawa kundi hawakan ang kamay ni Alessandro ng matapos na kaming mag picture taking at saka kami sabay na bumaba ng stage.
Natapos ng maganda at maayos ang program nila. Naipasa na din pala ang aking pera na pinaghirapan para itrain ang models nila. And yes, talagang kukunin ko ano, kahit naman kami na ulit, hindi pwedeng hindi ko kunin ang bayad. Joke.
" Alessandro, the medias are waiting for us, b- baka salubungin nila tayo sa labas." Kabadong tanong ko. I am more careful this time. Ang galing ng kumuha ng pictures ng mga tao, halos araw araw ay may bago akong mukha sa articles at magazines.
Hinawakan niya ang kamay ko, ang bulaklak na hawak ko kanina ay na kay Hyacinth na.
" My private helicopter is waiting for us, sweetheart. Tataas nalang tayo dito sa building." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sasakay kami ng helicopter? And it's his. Napakayaman naman ng lalaking ito.
Tumango naman ako bilang pagsang ayon.
" Uuwi na ba tayo? I really need to go home. My feet hurts."
" Let's go."
Manghang mangha ako habang nakatingin sa baba ng mundo. Kidding. Nasa himpapawid na kami, at hindi ko mapigilang kumuha ng litrato kasama si Alessandro. Hindi naman sa nagiging ignorante ako, ipopost ko lang sa instagram ko ito.
Ng makababa kami ay sinundo kami ng kaniyang sasakyan, nakalinya din ang mga guwardiya niya. Sumakay ako sa kaniyang kotse at saka kami umalis.
" How's the fashion show? You like it?" Tanong niya.
" Yeah."
" You should rest then."
Hinayaan niya nalang akong gawin ang aking routines sa gabi. Maiigi kong tinanggal ang aking make up dahil baka makasira ito sa mukha ko kapag hindi ko ito natanggal ngayon. Hindi ko din naman siya pinakialaman sa routines niya ngayon. Baka nagpapalit na din siya.
" Let's date tomorrow, sweetheart, do you have your schedule for tomorrow?" Agad kong tinignan ang aking telepono. Sinuri kong mabuti kung mayroon ba akong mga photoshoots bukas. At wala naman, kaya mabilis akong umiling dito.
" Wala akong mga lakad bukas. I want to go outside and eat also, love." Nag taas ng kilay si Alessandro ng marinig ang itinawag ko sa kaniya. Hinigit niya ang aking beywang at saka ako tinignan ng mataman sa aking mata.
" Love, huh? How's your feet? Kanina ka pa naka heels."
" Ayos naman, nakaupo lang naman ako kanina." Dumiretso kami ng kama. Nakakain naman na kami kanina doon sa venue kasama ng mga models, kaya hindi na kami kakain ule. Depende nalang kung magugutom ako, gigising nalang siguro.
Yumakap ako kay Alessandro ng nakahiga na kami. Mas gusto kong nakayakap sa kaniya kaysa sa unan. Ilang taon ko itong hind naranasan ule, susulitin ko na ngayon.
" I hate the MC. The fuck, I remember." Tumingala ako ng kaunti dahil sa sinabi niya.
Nangunot naman ang aking noo.
" Bakit naman? Ang galing niya nga kanina e." Hinalikan niya ang aking noo bago niya siya nagsalita muli.
" His looking at you very well, earlier. Nakatuon ang titig niya sa katawan mo, kung hindi ako nakapagpigil kanina ay baka pinahinto ko ang fashion show na iyon." Hinagod ko ang kaniyang dibdib gamit ang aking kamay upang pakalmahin siya. Agad naman akong ngumiti sa sinabi niya. He's jealous, i think.
" Kahit naman may ibang taong tumingin sa akin, sayo parin naman ang mga titig ko. Sayo ako, sayo yung puso ko, lahat, Alessandro, sayo lang." He kissed the tip of my nose. Napangiti ako dahil doon. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking beywang.
Nakakagaan ng pakiramdam na nasa mga beywang ko ang mga kamay niya. Feeling ko ligtas na ligtas ako kapag hawak niya ako.
" Saakin ka talaga, Zacharielle. Saakin lang."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...