" Alessandro!" Hagulgol ko sa kaniya. Yakap yakap ko siya sa kaniyang mga braso. Hindi niya binibitawan ang kapit niya sa aking beywang.
" Shh, I'm here, sweetheart.." Tumayo ako. Ngunit hindi parin ako kumakalas sa yakap ko kay Alessandro. Nakakatakot. Natatakot ako. Hindi ko alam ang mararamdaman. Shit.
" Natatakot ako, Alessandro, nakakatakot sila. Huwag kang aalis sa tabi ko." Hinagod niya ang aking likod. Hinigpitan niya ang kapit niya sa aking beywang. Tumingin siyang muli sa pintuan kung saan wala na ang mga tao na naroon. Nakabaon ang mga kamay ko sa kaniyang likod.
" Fuck this!-- baby, stop crying. I'm here. Please.." Nakapikit ako habang nakayakap kay Alessandro. Agad siyang kumalas sa aming yakap. Pinaupo niya ako sa sofa na narito. Pumunta siya sa kusina ko at saka kumuha doon ng tubig.
" I want to go home. I don't want here anymore. Alessandro, please.." Ng matapos kong inumin ang tubig. Bumusangot ako sa harapan niya. Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng aking condo.
" Where's your things? You need to get out of here. Doon ka na matulog sa bahay ninyo."
" Mag aalala si mama kapag nakita niya akong ganito, mag che check in nalang ako sa hotel." Umiling siya. Agad nangunot ang noo ko. Hindi ako pwede sa bahay. Baka tulog na si mama, baka makaistorbo lang ako sa kaniya. Mag aalala iyon.
" Hindi ka pwede sa hotel. Dudumugin ka ng tao, hindi ka din lang makakapag pahing--"
" Take me to your house then." Nag igting ang panga niya sa sinabi ko bago tumango ng dahan dahan. Pumasok ako sa aking kwarto at saka kumuha ng isang maleta. Dala ko lahat ng aking damit. Sa isang bag naman na hawak ko ay mga make ups ko.
Kinuha niya ang mga gamit ko. Nauna siyang lumabas. Ng bumalik siya ay tinignan niya ang mata ko.
" Wala ka na bang nakalimutan? Is it okay with you if you'll sleep at my house?" Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya ng matapos akong mag lock ng aking condo. Hawak niya ang aking beywang. Hinawakan niya ang aking ulo ng papasok ako sa sasakyan niya.
Tumingin siya saakin bago niya pinaandar ang sasakyan niya.
" Thank you.." Iyon na lamang ang aking nasabi habang nasa daan na kami. Nakasandal ako sa upuan at nakatingin sa kaniya habang nagda drive. He looks so good.
" Are you sleepy? Bubuhatin nalang kita kapag nasa bahay na tayo."
" Is that your girlfriend?" Inilihis ko ang aming usapan. Agad niyang nakagat ang labi niya bago inikot ang manibela.
Tumingin siya saakin.
" The girl earlier at the shop?, it's my fri--"
" Friend? You look so good together." Ngumiti ako pagtapos kong sinabi iyon. Umiling naman siya. Pumikit ako ng mariin. Nakarating kami sa bahay niya. Ito padin naman ang condo niya.
" Bakit iniiba mo ang usapan? Nag aalala ako sayo, Zacharielle." Kinuha niya ang mga gamit ko at saka nilagay niya sa gilid ng pintuan ng condo niya. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kaniyang condo. Napaka linis.
" Gusto ko lang malaman. A- akala ko sinusundan mo ako kanina, kaya umalis ako." Tumango siya. Umupo ako sa sofa niya. Naka cotton shorts lang ako na nag byahe, imagine that.
Humiga ako sa sofa. Nakatitig lang saakin si Alessandro. Ngumiti ako dito.
" I was. I was chasing you. I want to talk to you, but you're with that Ocampo." Hinubad niya ang kaniyang polo. Nakita ko ang kaniyang abs. Shit. Humarap siya saakin habang nakahiga padin ako.
" Kung gusto mo akong kausap, magsabi ka lang---"
" I want you back."
Napalunok ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin. Umupo ako mula sa pagkakahiga. Umupo siya sa kaharap kong sofa pa na isa.
" Alessandro, maraming iba. Maraming mas maganda, mas sexy, mas maputi, mas matalino, mas mayaman, kaysa sa akin." Seryosong sambit ko. Nag igting ang panga niya. Umiwas siya ng tingin, nakatitig ako sa kaniya.
" Wala akong ibang gusto. Wala akong ibang napupusuan. Ikaw lang. Ikaw, Zacharielle. Wala ng iba." Namula ang aking pisngi sa sinabi niya. Tumayo ako at saka pumunta sa kwarto dito. Iisa lang ang kwarto. Kaya doon ako matutulog. Pwede naman ako sa sofa.
" Ahh!---, thank you for bringing me here, Alessandro. Antok na antok na---"
" Can we talk?" Nakasandal si Alessandro sa pintuan ng kaniyang kwarto habang ako naman ay nakahiga sa kama niya, at wala akong pakialam kung magalit siya. Feeling kwarto ko to HAHAHAHAHA.
" Tungkol saan?"
" Sa nakaraan, at ngayon." Tumango ako ng dahan dahan. Ngumiti naman siya.
Umupo nalang ako ng tumabi saakin si Alessandro. Nakapalit na siya ng damit. Hindi na din siya nakapants.
" After I left you, wherein that's what you think. Ano ang ginawa ni mama sayo?" Yumuko ako sa sinabi niyang iyon. Naalala ko nanaman ang sakit, sakit sa mga hita ko. Tangina.
" Pinahirapan ako. Hinampas ako sa mga hita ko. Nilublob sa kung saan saan." Bumusangot ako sa sinabi ko. Hinuli niya ang aking mukha. Nagkasalubong ang aming mga tingin. Hinawakan niya ng dahan dahan ang aking kamay.
" Anong ginawa niyo? Sinong tumulong sayo?"
" Wala naman akong kapangyarihan noon na magdemanda, kapag naman ginawa ko, sino ang tutulong saamin? Si Asrael ang tumulong saakin." Tumango siya.
" You still love me, do you?" Binasa ko ang aking nanunuyong lalamunan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Ano naman ang sasabihin ko?
" Mahal pa nga ba kita, Alessandro? Kahit mismong sarili ko, hindi ko alam kung mahal pa kita. Hindi ko alam kung may lakas pa akong mahalin ka." Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at saka tinitigan ang mga mata ko.
" Nasasaktan ako sa mga salita mo. Sinasaktan mo ako gamit ang mga matatamis mong salita, Zacharielle. Pwede bang tayo nalang ule?" Hinawakan ko ang kamay niya at saka iniwas iyon sa aking mukha. Nagkibit balikat ako.
hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
" Humanap ka nalang ng iba, Alessandro. Tatanggapin ko naman na makakahanap ka ng mas higit saakin. Gusto kitang makitang masaya, hindi ko gustong makita ang mga mata mong ganiyan."
" Hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sayo. You're mine, Zacharielle. I won't hurt you ever again, just give me a chance, please, sweetheart.."

BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...