06

105 40 2
                                    

Ng marinig ko iyon ay napabalikwas ako, buti nalang hindi natapos na ang kuhanan ng litrato. Aalis na sana kami ng maalala ko ang sinabi nila sakin.

" Ate, hintayin ka namin doon sa may shed. Mag sorry ka muna kay Sir Villareal." Tumango ako. Kailangan kong mag sorry kahit na labag sa kalooban. Pero tingin ko may mali din kasi ako. Kaya kahit na nahihiya ay lumapit ako sa kaniya.

" S-sir Villareal, pwede ko po ba kayong makausap?" Napatingin ito sa akin, tapos na ata siyang kumain. Nakatabi na kasi ang plato niya. Kinakasa kasa niya naman ang baril niya habang nakatingin saakin. May balak ba siyang barilin ako? 

" Come with me.." Naglakad siya. Tinignan ko muna ang mga pinsan ko bago ako sumama. Ligtas naman siguro. Sinenyasan ko sila na mauna ng umuwi, susunod nalang ako.

" Sir Villareal, sorry po nung nakaraan sa inasta ko, hindi ko po pala nabasa na bawal ng lumabas ang mga ganoong may edad.." Nakatingin siya sa fireworks sa kalangitan. Napatingin din ako habang hinihintay siyang magsalita. Andito kami sa may puno ng mangga  na katabi ng police station dito.

" Naisip mo ng mali ang ginawa mo? Sa susunod ayusin mo ang pananalita mo." Napatingin ako sa kaniya. Ang ganda ng baril na hawak niya. Gusto kong hawakan kaya lang baka magalit.

" Sorry na nga po, hindi ko naman po talaga sinasadya iyon, ngayon, alam ko na po na bawal na talaga, promise!" Natawa siya ng tinaas ko pa ang kamay ko. Agad kong binaba dahil sa tawa niya. Napa iwas ako ng tingin. Humarap siya saakin.

" That's good, sa susunod ay huwag mo nalang ulit gagawin iyon."

" Yes Sir Villareal." Tumango siya. Naglakad na siya pabalik sa station. Sinundan ko siya.

" Sir Villareal! Happy new year po pala--"

" Alessandro is my name, stop calling me Villareal, Ms. Olivencia.."

Nagising ako ng maaga. Kailangan, dahil marami ang huhugasang plato, hindi na namin naharap pa kahapon dahil masyado kaming napagod.

" Ma, ako na po diyan, magpahinga nalang po kayo." Tumango si mama. Kinuha ko ang huhugasin lahat. Isang batya ang mga iyon, kaya sa labas nalang ako nag hugas. Marami din ang natirang pagkain mula kagabi.

" Nako, alam mo ba? Ang mga tito mo, ayun, tulog pa, bagsak silang lahat dahil sa paginom kagabi." Lahat ng tito ko ay tulog pa. Masyado silang nagsaya kagabi, nagihaw pa nga sila ng pulutan nila. Kaya hanggang ngayon, tulog parin.

" Masyado silang nagsaya kagabi ma. Sila tita po pala? Gising na po?" Sambit ko habang naglalagay ng dishwashing para maghugas ng plato.

" Oo, naghuhugas na din sila ng mga plato nila. Magbibirthday na pala si kurt sa 5, may handaan nanaman tayo."  Magdadalawang taon na ang pinsan ko sa 5. Kaya maghahanda nanaman sila tita.  Hindi ko lang alam kung saan nanaman kami. Baka sa bakanteng lote ule.

" Ma, inaaya po pala ako ni dashiell sa bahay nila. Pagtapos ko pong kumain, susunduin niya po ako." Nagsisimula na akong maghugas. Si mama naman ay nasa tabi ko at saka kumakain ng cake. Mahilig si mama doon kaya naman iyon ang una niyang kinain.

" Sige anak, may mga natira pang salad sa cooler, paborito iyon ni tita mylene mo, iabot mo sa kaniya mamaya." Tumango ako. Hindi na ako kinausap pa ni mama. Naghugas ako ng napakaraming plato.

" Bakit hindi ka nakapunta kagabi? Hinintay kita." Sabi ni dashiell habang nakaupo sa sala namin.

" Nakipag usap kasi ako kay Sir Alessandro, kaya hindi ako nakapunta kaagad." Nagtataka niya akong tinignan. Ngumiti naman ako. Kumukuha lang ako ng pagkain, tapos pupunta na kami.

" Bakit ka nakipag usap? Anong pinagusapan niyo?"

" Humingi ako ng sorry, kasi nung nangyari nga nung isang araw.." Tumango siya. Naglalakad na kami ngayon. Nakita ko si sir Villareal ng nakalabas ako ng compound, ngumiti ako sa kaniya.

" Hello po tita!" Sambit ko. Niyakap niya ako. Nilagay ko sa lamesa nila ang binigay kong  pagkain.

" Happy new year, sach! Hinihintay ka namin nila Dashiell kahapon, busy ka ata." Umupo ako. Binigyan nila ako ng pagkain sa plato, tinikman ko naman iyon kaagad.

" Opo, tumulong po ako mag asikaso kila tito, nalasing po silang lahat kagabi, kailangan namin silang iuwi." Natawa si tita.

" Pumunta nga doon ang tito mo kagabi, tumagay daw siya ng kaunti, nakita ka niya daw doon sa station at nakikipag usap kay Sir Villareal?" Bakit ang bilis kumalat ng balita? Nasa puno na nga kami at lumayo na. Bakit nila kami nakita?

" Nasungitan ko po kasi siya nung isang araw, kaya humingi po ako ng sorry.." Tumango siya. Nakatingin lang si dashiell sa akin habang kumakain ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni dashiell, may sinabi siyang pupuntahan namin.

" Nako, masungit daw iyon? Sinasabi nga ng mga kapitbahay, may laging nahuhuli nako." Tumawa si tita.

" Opo, masungit po, pero mabait naman po siya, siguro sa trabaho lang po talaga siya ganoon." Sambit ko. Natapos ko na ang kinain ko. Kinuha ni tita ang pinagkainan ko. Uminom naman ako ng juice na ibinigay nila.

" May pupuntahan ata kayo ni Dashiell? Pumunta na kayo, salamat sa pagpunta, Sachzna." Nagpaalam kami ni Dashiell.

Sumunod naman ako kay Dashiell kung saan kami pupunta.

" Sachzna, tungkol doon sa sinabi ko sayo, nung nakaraang araw." Malumanay na sambit niya. Hindi ko naman sineryos o ang sinabi ni Dashiell saakin. Hindi ko alam kung ano ang balak niya.

" Ano ba kasi iyon? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo sakin, Dashiell." Paliwanag ako. Nakakaramdam ako na iba ang mga nais sabihin ni Dashiell saakin. Gusto niyang kami lang ang magkasama parati.

" Hindi ko din alam, siguro dahil lagi tayong magkasama kaya nararamdaman ko to." Hinawakan niya ang kamay ko. Andito kami sa dating basketball court ng baranggay namin. Walang tao, dahil sira naman na ang mga rings kaya wala na rin ang naglalaro.

" Dashiell, iba ang ikinikilos mo bawat araw saakin, hindi ka ganito dati, hindi ka ganito kalumanay magsalita, hindi ka ganito tumingin sa mga mata ko, anong problema?" Niyakap niya ako. Napabalikwas ako dahil doon.

" Mahal kita, Sachzna."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon