42

39 7 0
                                    

" Anak! Kanina pa kita hinihintay!" Agad akong niyakap ni mama ng makababa ako sa kotse ko. May driver ako, marunong naman akong magmaneho kaya lang, tinatamad ako ngayon. Andon na din si Dashiell sa likod niya kanina.

" Traffic po kasi ma. Mamayang 10 ay aalis ako, may photoshoot ako saglit." Tumango naman si mama. Binaba ng mga guards ko ang mga pasalubong ko kay mama. Pati sila Dashiell ay mayroon din, kahit na ang mga kasambahay namin ay may ibinili ako.

Mahilig si mama sa tsokolate kaya naman bumili ako ng marami noon.

" Kumain na muna tayo, bago  ka umalis. Kanina pa din naghihintay ang pagkain saatin."

" Dash!" Yakap yakap ko siya ng mahigpit ng sambitin iyon. Agad niya naman akong niyakap. Si mama ay nauna ng pumasok sa bahay. Naiwan kaming dalawa ni Dashiell dito sa labas. Naririnig ko pa ang fountain.

" Kamusta ka na? Long time no see." Malumanay na sambit niya. Hindi niya kasama ang girlfriend nito. Baka may trabaho pa. Hawak ni Dashiell ang aking beywang.

" Ayos naman, mamaya aalis din lang ako, kaya kumain na tayo--"

" You're so beautiful, Sachzna, damn it." Tinapik ko ng mahina ang kaniyang braso at saka tumawa.

" Salamat, ikaw din."

Kumuha na ako ng plato pagdating namin sa lamesa. Magkatabi kami ni Dashiell, si mama naman sa gitna.  Long table ang lamesa namin dahil minsan ay kasalo ni mama ang mga kasambahay at guwardiya sa pagkain. Kapag wala ako. 

Mga paborito kong pagkain ang andito, kaya naman mas lalo akong ginanahan kumain, kaya lang, kailangan kong itantiya ang aking kakainin, may shoot ako mamaya.

" Bakit po pala hindi makakapunta sila tita ma?" Sabi ko kay mama habang sumusubo ng pagkain, nananahimik naman si Dashiell na sumusubo ng pagkain niya.

" Mamayang gabi pa daw sila dito, may ginawa kasi sila, hindi naman daw mahatid ang mga pinsan mo dahil walang sasaky--"

" Bumili ulit tayo ng sasakyan kapag natapos ang shootings ko ma, para may sasakyan sila." Nanlaki ang mata ni mama sa sinabi ko. Marami akong pera. Sobrang dami. Bakit ko ipagdadamot ang sasakyan lang? At saka magagamit din nila iyon sa pagpunta ng school.

Sisimulan ko na ding tulungan ang mga tita ko sa pagtatayo ng mga bahay nila. Lilipat na din sila dito sa village na pinagtayuan ko ng bahay ko, at dito na din sila maninirahan.

" Talaga ba anak? Marami ka na talagang naipon na pera."

" Lahat naman ng iniipon ko ma, para sayo." Napangiti si mama sa sinabi ko. Humarap ako kay Dashiell at saka siya naman ang kinausap ko para hindi naman siya ma OP.

" Dash, may projects ka ba ngayon?" Tanong ko dito. Tumango naman ito at saka uminom ng tubig. Kinuha niya ang tissue na nasa gilid niya.

" Meron, malaking project ang nakuha ko, uumpisahan palang." Napa bilog ng kusa ang aking bibig.

" Hindi ko akalain na magiging ganto tayo pagkatapos ng ilang taon dash." Sambit ko. Ngumiti siya at saka tumingin kaming dalawa kay mama. Nakangiti si mama na nakatingin saamin.

Natapos kaming kumain, nasa sala na kami para ipabigay ko na ang mga pasalubong nila. Nasa malaking karton ito at saka may mga pangalan para madaling makita kung kanino ito.

" Ito para kay ate belle-- tapos iyang kulay red na kahon, kay ate lala iyan." Isa isa nilang kinuha ang mga pasalubong ko sa kanila at saka sila pumwesto sa sulok para tignan ang mga iyon. Lima ang kasambahay namin, sa sobrang laki ng bahay, hindi kaya ng isang katulong.

" Ito naman para kila kuya danny at sa iba pa-- kay kuya axel ang isang iyan." Kinuha ng mga guwardiya dito sa bahay ang mga pasalubong ko. Dadagdagan ko na din ang sweldo nila dahil maayos ang trabaho nila at nababantayan nila si mama habang wala ako.

" Ito kay Dashiell, ibigay mo din ang isang kahon kay Astraea para maging masaya naman siya." Kinuha ni Dashiell ang kahon na iyon at saka ibinigay sa guards niya. Si mama naman ang pinakahuli, dahil mas marami ang kaniya, halos lahat ata ng natira ay sakaniya na. Ang mga gamit ko naman ay nasa condo ko lang.

" Ito ang para sa mama ko, marami rami iyan ma, baka puno na ang closet mo? Sabihin mo lang po at ipapa renovate natin para mas lumaki pa ang closet mo."

" Nako, andami nga niyan anak, talagang hindi na sila kasya. Matutuwa din ang mga pinsan mo sa dala mo para sa kanila."

Nagpaalam ako saglit na pupunta muna sa veranda para tawagan si Hyacinth.

" What do you need ma'am?" Tanong agad ni Hyacinth sa akin sa telepono. Alam na alam niya talaga kung ano ang itinawag ko.

" Kailan ang free time ko? Pupunta ako sa bilihan ng kotse. Kailangan kita."

" After your shoot ma'am, free time niyo po iyon, susunduin ko po ba kayo sa condo niyo or hindi na po?" Agad akong nagisip. Nakita ko si Dahiell na dahan dahang naglalakad palapit saakin. 

" May dala naman akong guards. Kahit wag na. May driver ako."

" Okay ma'am, itetext ko nalang po sa mga driver ang address."

Pinatay niya ang tawag. Lumingon ako kay Dashiell. Nakatungkod ang dalawa niyang kamay sa harang ng veranda. Itong buong village na ito ay binili ko, tanging bahay pa lang namin ang narito. Susunod pang gagawin ang kila tita ko. Kaya panay lupa lang ang nakikita.

" How's your lovelife? Wala ka bang dine date ngayon?" Tanong ni Dashiell. Tumawa lang ako at saka umiling. Tinignan ako ni Dashiell sa mga mata ko. Pero nanatili ang aking tingin sa langit.

" Nothing. Wala naman akong balak na mag boyfriend ngayon, kung may darating, edi wow." Tumawa ako sa sinabi ko. Lumapit ito sa akin at saka niya ako hinarap sa kaniya. Nangunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

" Mr. Ocampo is waiting for you. Matagal na niyang hinihintay ang pagbabalik mo." Tumango ako. Mr. Ocampo wants to date me. Kahit na noong dati pa. Kaya lang, hindi muna ako pumayag dahil gusto ko munang mahalin ang sarili ko.

" Maguusap kami sa mga susunod na araw, may appointment ako sa kaniya.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon