48

36 5 1
                                    

" What do you need, Mr. Villareal?" Madiin na tanong ko. Tangina naman, pauwi na ako e. Malapit na ako sa babay, hinahanap na ng likod ko ang kama ko. Pero pinagkait pa saakin.

Andito kami sa buildng niya. Si Hyacinth ay hindi ko na pinapunta pa. Mas pagod iyon kaysa sa akin. Kaya ako nalang.

" I just want to talk to--"

" You want to talk to me at this hour? Just tell me your plan, I'm so tired, Mr. Villareal." Nag igting ang panga niya. Bumagsak ako sa kaniyang sofa. Pinagsalikop ko ang dalawang hita ko at saka sumandal sa sofa. Nilapag ko ang aking bag sa lamesa. Si Alessandro naman ay nasa lamesa niyang sarili.

" I know you're tired, but I badly want to talk to you."

" Talk about what? About the training?" Umiling siya. Tumayo siya sa upuan niya at saka umupo naman dito sa aking harapan.

Napaayos ako ng upo ng walang sa oras.

" I want us to talk about the past.." Napanganga ako sa sinabi niya. Laglag  ang panga kong nakatingin sa kaniya. Agad akong umiling at tumayo. Aalis na ako.

" We're just going to talk if it's for business. Hindi na kailangan pang pag usapan ang bagay na iyan--"

" I just want to clarify things that happened in the past." Sunod sunod ang iling na ibinigay ko. Hindi ako nagsalita at mas hinigpitan ang kapit sa aking bag. No, we're not going to talk about that.

" Malinaw saakin ang lahat, Mr. Villareal, malinaw saakin ang lahat na pinagpalit mo ako, iniwan at sinukuan, now tell me, what are we doing in here?" Nag igting ang panga niya sa sinabi ko. Nakaramdam ako ng kilabot ng agad siyang lumapit saakin. Lumayo ng kusa ang mga paa ko. Hindi ko hahayaang mahawakan niya ako.

Nagkatinginan kami ng matagal, matapang kong sinalubong ang mga mata niya.

" That's not what you're thinking about, Zacharielle. Hindi yan ang ginawa ko noon sayo--"

" Hindi mo nga ginawa, pero pinaramdam mo saakin,-- you know what? After you left me hanging, your mother hurted me! She harassed me without you knowing because what? You left me here!" Nagngangalit ako sa galit. Gusto kong isigaw sa harapan niya lahat ng sakit na naramdaman ko nung iniwan niya akong walang kalaban laban. Gusto kong isampal lahat ng salita na binanggit niya at pinangako saakin.

" She did what? Zacharielle?--"

" Kinuha niya ako ng sapilitan, hinampas ng tubo ng paulit ulit sa mga hita ko, nilublob sa putikan at saka sa drum na puno ng tubig. Maswerte nalang ako dahil nakakalakad pa ako ngayon!, iyang peste mong ina, walang habas na pinahirapan ako ng makaalis ka ng bansa!" Sigaw ko. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Nabitawan ko na ang aking bag sa sahig. Napaiwas ako ng tingin sa mga sinabi ko.

Agad niya sana akong hahawakan ng hindi ko siya hinayaan na gawin iyon.

" Fucking tell me everything, just let me touch you, please!" Sigaw niya saakin. Napabalikwas ako sa sinabi niyang iyon. Umiling lang ako.

Hindi ka pwedeng lumapit, kasi sa oras na mahawakan mo ang balat ko, babalik lahat ng nararamdaman ko sayo.

" Hindi ko na kailangang sabihin lahat kasi wala ka namang pakialam sakin hindi ba? May asawa ka na, may pamilya ka na, kaya bakit mo gustong  malaman ang nangyari noon?" Nag igting ang panga niya. Bakas sa mukha niya na gusto niya akong hawakan. Ngunit alam niyang ayaw ko, kaya nagtitimpi lamang siya. Hinding hindi.

Umiwas siya ng tingin bago niya binasa ang kaniyang labi. Nasa tabi na ako ng pintuan, aalis na sana ako, kaya lang ay ginalit niya ako.

" You don't know what happened 3 years ago, Zacharielle. Kaunti lang ang alam mo, wala ka pa sa kalahati, kaya bakit hindi mo muna ako pakinggan,.para malaman mo lahat? Let me touch you, let me explain what happened." Sinampal ko ang kaniyang mukha. Napaiwas siya at nahawakan ang kaniyang pisngi. Naguilty ako sa ginawa ko. Ngunit deserve niya naman iyan.

" Bakit ba pinagpipilitan mo na hawakan ako? Para ano? Para saan? You're married--"

" Fuck that mind of yours, I am not fucking married, Ms. Olivencia if that's what you think, fuck it!" Napatulala ako sa sinabi niya. He's not married? He's not?

Paanong hindi? 3 years na siyang wala. Akala ko ay tahimik na siyang nabubuhay kasama ang mga pamilya niya. Akala ko nga ay may anak na ito.

" Y- you're not?"

" Yes, I'm not-- pagdating namin sa ibang bansa, kinagabihan ay umalis ako, hindi nila ako nahanap. Nagtago ako, namuhay ako ng magisa. Naglayas ako, ginawa ko ang lahat para lang makabalik ako sayo, ginawa ko, Zacharielle." Umiling ako. Ginawa niya sa loob ng tatlong taon? Tangina naman.

" Kahit na hindi ka na bumalik, masaya na ako, masaya ako sa buhay ko ngayon, para kang naglalakad na kasalanan at bangungot!" Nakakuyom na ang mga kamay niya. Pinipigilan ang sarili.

" Tell me everything then, sabihin mo saakin ang lahat ng nararamda--"

" Pinagsisihan kong sagutin ka, mahalin ka, at ibigay ang sarili ko sayo noon. Nagawa kong ibigay ang sarili kong katawan para sayo na walang ginawa kundi saktan ako. Isa kang pagkakamali na hinding hindi ko na gustong magawa pa. Isa kang pagkakamali na ayaw ko ng harapin uli. Puno ka ng sakit, wala kang magandang naidulot saakin!" Sa isang saglit lang ay hinapit niya ang aking beywang. Kakalas sana ako ng mas hinigpitan niya ang kapit sa aking beywang. Sinusuntok suntok ko ang kaniyang dibdib, hindi siya nagpapatalo.

" I'm a monster for you? Am I? Did I hurt you that bad? What did I do wrong? I just did what's best for you, Zacharielle."

" The best for me? You mean, hurting me? Leaving me? Like that? That's the best for me?" Umiling siya. Tumutulo parin ang aking mga luha. Ngayon ko gusto ng kasagutan. Ngayon ko gustong malaman ang lahat. Sinimulan niya, kailangan niyang tapusin.

" --bitawan mo ako, hindi mo ako dapat ginaganito---"

" Tinakot nila ako, tinakot nila akong papatayin ka nila at ang pamilya mo, hindi ko gustong---"

" Tangina mo! Pulis ka hindi ba? Ano lang ba ang kayang mong gawin? Magpaputok? Gago!"

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon