23

43 13 2
                                    

Isang linggo ang nakalipas, hindi nakapasok si Alessandro. Minsanan lang naman kaming magkausap, kasi pareho din kaming busy.

" Ma! Nakahanap po pala ako ng magbibigay saakin ng scholarship para sa pagaaral ng pulis." Masayang balitan ko kay mama ko. Noong isang araw ko pa nabalitaan ito pero ngayon ko lang sasabihin kay mama.

" Talaga ba anak? Sino naman iyan?" Tanong ni mama saakin.

" Sa golden west po ma, sinabi nila, para daw po makakuha ako ng scholarship, kailangan kong magtrabaho bilang librarian, kapalit ng scholarship ko." Tanong ko. Hindi naman mahirap ang pagiging librarian. Masaya nga kapag maninita ka. Pero hindi naman siguro ako doon maghapon.

" Gusto mo bang magpart time anak? Baka hindi kayanin ng oras mo?" Nag aalalang tanong ni mama. Agad akong ngumiti sa kaniya at saka lumapit dito, nagluluto kasi siya.

" Ma, kakayanin ko po, oppurtunity na po iyon para saakin, magpupulis na po ako."

Pagtapos namin kumain ni mama, lalabas kami para tumulong sa mga tita ko. Ang mga pinsan ko, kapag ganitong hapon ay busy nasa mga bahay nila at natutulog.

" Maghahatid ka ba ng meryenda ng mga pulis, Sachzna? Anjan na daw si Mr. Villareal." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni tita. Anjan na si Alessandro? Isang linggo ko siyang hinintay, hindi din naman niya sinabi na ngayon siya papasok.

" Sige po tita, ngayon na po ba?"

" Oo sana."

Tumulong ako sa paghahanda ng mga meryenda ng mga pulis. Tatlo lang sila ngayon doon. Kaya hindi ako mahihirapang magbuhat. Kinuha ko na ang mga iyon at saka ako tumawid papunta sa kanila.

" Sir Ocampo! Sir Pascua! Meryenda niyo po ulit." Nilapag ko sa lamesa nila ang halo halo nila. Nakita ko naman ang motor ni Alessandro na nakapark. Hindi ko nga lang alam kung nasaan na siya.

" Hanap mo si Sir Villareal? Nasa loob, mamaya pa ang shift niya, pasok ka nalang." Tumango ako at saka binitbit ang halo halo. Kumatok ako sa maliit na opisina. May nagbukas niyon, kaya baka siya na.

" Yes Miss? Ano ang kailangan mo?" Napalunok ako ng makita ang maputing babae na kasama ngayon ni Alessandro dito sa opisinang ito. Muntik ko ng mabitawan ang dala ko.

" Uh, wala, may pinapakuha sana si Sir Ocampo, mamaya nalang." Nagkasalubong ang tingin namin ni Alessandro. Tumayo siya at saka didiretso sana ng lakad papunta sa pintuan kaya lang, sinara na iyon ng babaeng maputi.

Nilapag ko nalang ang halo halo sa mini desk na narito at saka nakangiti akong nagpaalam kila Sir Ocampo at Sir Pascua.

" Aalis na po ako, salamat po."

Nagkulong ako sa kwarto ng ilang oras. Iniisip ko kung ano ang nangyayari sa loob ng opisina na iyon. At bakit naroon ang babaeng maputi na iyon. Ngayon ko na nga lang siya makikita, may epal pa.

" Zacharielle, mag usap tayo."

" Nasaan ka?"

" Sagutin mo ang tawag ko."

Tinitignan ko lang tumunog at magpop ang mga mensahe niya at tawag saakin. Hindi ko sinasagot ang mga iyon. Nagseselos ako. Nakakaramdam ako ng selos. Gusto ko saakin lang ang atensiyon ni Alessandro. Bakit may babae siyang kasama?

" Sach, kanina pa tumutunog ang cellphone mo." Sambit ni tita. Lumabas ako dahil tutulong pala ako. Hindi dapat ako magpakita na naaapektuhan ako sa kanilang dalawa. Sabagay, hindi nga naman kami pwede sa isat isa. Sila, pwedeng pwede. Napangisi ako sa naisip.

" Kaibigan ko lang po yan tita. Nanghihingi ng sagot." Iling na sambit ko kay tita. Pinatay ko ng tuluyan ang aking telepono para hindi na niya ako matawagan pa. Nakita kong nasa labas na si Alessandro at sumakay na ang babae paalis.

" Nako, iyang babae na iyan na laging bumibisita diyan, balita ko, ikakasal daw iyan kay Mr. Villareal." Naalala ko na ang pangalan ng babaeng iyon. Vynzyll nga pala. Kinulang sa vowels. Pangit ng pangalan, ew.

" Ganon po ba tita? Bagay silang dalawa. Parehong mayaman at may mga mamanahin sila kapag ikakasal sila." Mapait na suporta ko sa sinasabi ni tita juvy. Napatingin ako sa station nila. Nagtama ang mata namin. Umiling ako.

Bakit kasi ako pinanganak na mahirap? Bakit ganito ang klase ng pamumuhay namin? Hindi sana ako mahihirapang mahalin si Alessandro.

" Sinabi mo pa. Bagay na bagay talaga, noong isang araw, nakakita ako ng isang litrato sa article. Magkasama silang dalawa sa isang private villa." Ngumiti ako sa sinabi nila tita. Hindi ko na nakakayanan ang mga sinasabi nila. Kaya nagpaalam ako na maglalakad lakad muna.

Hindi naman kami naguusap ni Dashiell. Gusto niya daw magkaroon ng oras para magisip.

" Sach--"

" Welcome back." Mapait na sambit ko. Humarap ako sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at saka lumapit sa akin. Nilayo ko ang distansiya ko sa kaniya.

" Let me explain--"

" Anong ieexplain mo? Na ikakasal ka na? Na engaged ka na?" Masungit na tanong ko dito. Binasa niya ang kaniyang labi. Kinukuha niya ang aking kamay ngunit iniiwas ko ito. Hindi na ata ako pwedeng lumapit pa sa kaniya. Baka kasi maissue  kami.

" Saan mo nakuha iyan? Sinong nagsabi sayo?" Takang tanong niya. Umiling ako bago umiwas ng tingin.

" Sa ibang tao? Hindi ko alam, obvious nadin naman, lagi na ata kayong nagkikita ngayon." Tumawa siya ng mahina bago kuhanin ang aking beywang. Ipinulupot niya ang kaniyang mga kamay sa aking beywang at saka inilapit niya ako sa kaniya.

" Sinabi kong huwag kang magsusuot ng ganiyang mga damit." May diin na sambit niya ng makita ang cotton short na suot ko. Kulay grey itong cotton short at saka naka kulay itim akong tshirt.

" Hindi ba dapat, ang babaeng maputi na iyon na kulang sa vowels ang pangalan ang dapat mong pinapaalalahanan ng ganiyan?" Hinalikan niya ang aking noo. Napapikit ako dahil doon. Namiss ko ang amoy ng kaniyang uniporme, hindi ko alam kung paano.

Nahulog na ako.

" Paano kung ayaw ko? Hindi ako engaged, kung saan mo napulot yan."  Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang ang kaniyang mukha. Nakashades ito ng kulay black. Hindi niya tinatanggal.

"--- hey, what's wrong sweetheart?" Nag aalalang tanong niya ng makitang nakatitig lang ako sa kaniya. Ngumiti ako bago tumingkayad upang halikan ang labi nito.

" I miss you, Alessandro."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon