" Ayan na lahat ng sagot, hindi na kita nareplyan kagabi, maaga akong nakatulog e." Sambit ko sa kaibigan ko sa tawag. Ipinasa ko sa kaniya ang mga sagot sa aming assignment. Hindi talaga magpapatalo ito kapag hindi mo bibigyan ng sagot.
" Salamat, buti naman, akala ko hindi mo na ako bibigyan nito." Natawa ako sa sinabi niya. Niligpit ko na muna ang mga gamit ko.
" Gaga, alam ko namang magagalit ka kaya pinasa ko kaagad kahit na kakagising ko." Sambit ko. Tumawa siya sa kabilang linya.
" Sige na, isusulat ko na ito, mamaya nalang ule."
" Sige, bye.."
Inililigpit ko ang aking mga kalat sa kwarto ko. Maagang umalis si mama dahil may client ito. Baka maghapon nanaman siya sa pwesto nila kaya magisa ko nanaman dito. Lalabas nalang siguro ako para tumulong sa tita ko.
" Ate, mukhang close na close kayo ni Sir Villareal a?" Nakabungisngis na asar saakin ng mga pinsan ko ng lumabas kami. Napag isipan naming maglaro ng basketball. May mga pinsan akong lalaki, kaya maglalaro kami, isa ko lang na babae na kasama nila.
" Hindi, hayaan niyo siya." Tanging sambit ko. Nasa gilid lang ang mga pinsan kong maliliit. Habang kami ng mga pinsan kong lalaki, magsisimula ng maglaro. Kita ko mula rito ang titig ni Alessandro. Binalewala ko iyon.
" Tangina, ang buwaya naman niyan!" Tawa kong sigaw sa pinsan kong isa. Ni hindi man lang pinasa sakin ang bola, agad agad niyang tinira, abas naman. Napailing ako.
" Doon ka kasi pumwesto sach, ganyan!" Nagsimula nanaman ang laro, pawisan na ako pero wala akong pakialam, ganito naman talaga dito. Sumisigaw din ang mga pinsan ko, para silang nanunuod ng liga. Nakakatuwa.
" Shoot!" Sigaw ko ng matapos ang laro. Nakailang puntos din ako sa pagpasok ng bola sa ring. May court kasi kami dito sa loob ng compound namin, kaya nakakapag laro kami.
" Ate sach! Si kuya Dashiell!" Lumapit ako kay Dashiell, nakita niya naman ako kaagad kaya naman nginitian ko ito. Amoy pawis na ako.
" Tapos ka na ba sa homeworks? Basang basa ka ng pawis, sach." Malumanay niyang sambit. Nginitian ko siya at saka tinapik ang kaniyang balikat.
" Natapos ko na po lahat, Kuya Dashiell." Asar ko dito. Ngumiti naman siya.
" Ayos naman kung---"
" Ayusin ninyo!" Napalingon kaming dalawa sa pulis na yon. Nakita kong si Alessandro ang sumigaw sa mic. Kahit na wala namang dumadaang sasakyan ay naninita siya. Nagtagpo ang aming mga mata. Napaiwas ako.
" Gawa tayo ng assignments mamaya, pupunta ako sa bahay ninyo."
" Sige."
Kakain na ako ng tanghalian. Nakaluto na din naman ako. Mamaya ay narito na si mama kaya kailangan kong maglinis na. Ilalagay ko na sana ang plato ko sa lababo ng makarinig ako ng isang sigaw mula sa labas ng bahay namin.
" A- ate sach, kailangan ng tulong mo sa labas. May nadisgrasyang biker, walang may alam kung ano ang gagawin." Sambit nito. Uminom ako ng tubig at saka tumakbo palabas ng bahay. Isa akong member ng red cross. Minsan ay nagiging rescuer ako. Kaya kapag may disgrasya dito saamin ay ako madalas ang tinatawag.
" Anong pong nangyari, Sir Ocampo?" Tanong ko. Nasa gitna kami ng kalsada. Ang ibang pulis ay busy na magtraffic. Dahil hindi namin pwedeng galawin ang lalaking nasa kalsada at nakahiga.
" Nahagip ng SUV, hindi namin magalaw, wala kaming first aid kits dito, pwede bang ikaw nalang ang gumawa?" Nakangiti niyang sambit. Tumango ako bago ngumiti. Hindi ko alintana ang init.
" Masakit ba ang parteng--"
" Aray! Dahan dahan miss." Napakagat ako sa aking labi dahil sa daing niya. Sa palagay ko ay malala ito. Kinalabit ko lang naman ang binti niya pero umaray agad. Baka nabali ang buto niya.
" Kaya mo bang igalaw? Dahan dahanin mo lang." Pinilit niyang galawin ngunit agad siyang napapadaing sa sakit. May mga tao ding nakatingin saamin. Pinagpapawisan na din ako dahil sa init.
" Masakit miss, hindi ko kaya, parang may napuputol sa loob ng binti ko." Napakagat ako sa labi ko. Sabi ko na. Baka nabali ang buto nito. Ngumiti ako dito para pakalmahin siya. Napakainit dito sa gitna ng kalsada. Maghihintay pa kami ng ambulansiya.
" Sir Ocampo, sa tingin ko, nabali ang buto nito sa binti niya. Hintayin nalang po natin ang ambulansiya bago natin galawin, baka po kasi lalong maputol." Tumango ito at saka sinamahan akong bantayan ang lalaki sa gitna ng kalsada. Nakita ng mata ko si Alessandro na nakatayo lang sa lilim ng tolda at nakatingin samin.
Kailangan ko ng payong mo.
" Salamat, Ms. Olivencia-- aalis na kami."
" Walang anuman po."
Ngumiti ako sa babaeng kaharap ko bago nila sinarado ang pintuan ng ambulansiya. Pawis na pawis ang likod ko, dahil ilang minuto akong nakabilad sa araw. Tingin ko ay nasunog na din ang aking mukha.
" You did great, Ms. Olivencia, ilang taon ka ng rescuer?" Tanong ni Sir Ocampo. Naka braces ito. Minsan ay hirap siyang magsalita.
" Magdadalawang taon na po." Magalang na sambit ko. Tumango naman siya. Pinagpahinga nila muna ako dito sa may tolda nila. Si Alessandro naman ay malayo saamin. Nasa silong siya ng mangga.
" Alessandro!" Tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nililingon. Ngumiti ako at nagpaalam na lalapit muna ako sa kaniya. Pero hindi naman niya ako pinapansin.
" Hoy, Alessandro, parang sira, bakit hindi ka namamansin? Naka airpods ka ba? Naririnig mo ba ako?" Pilyong tanong ko dito. Ikinakasa kasa niya ang baril niya at nakaiwas ang tingin saakin. Masyado siyang matangkad kaya naman hirap akong habulin ang tingin niya.
" --- Alessandro--"
" Nasa trabaho ako, Ms. Zacharielle, umalis ka na." Sumakit ang puso ko sa narinig. Bakit naman niya ako pinapaalis kaagad? Kakapunta ko lang sa kaniya a? Tagaktak parin ang pawis sa aking noo.
" Uh, ganon ba? S-sige, aalis na ako." Paalam ko. Nakatalikod na ako at handa ng umalis ngunit nakaramdam ako ng kamay sa aking damit. Hinila niya ako pabalik.
" You're sweating, change your clothes--"
" Yes, sir." Nakangiting sambit ko. Gumalaw ang paa niya papunta sa direksiyon ko. Hindi ako nagpahalatang kinakabahan. Inaatras ko ng dahan dahan ang aking paa.
" Can i hug you?" Sambit niya. Tinignan ko ang damit ko. Umiling ako.
" Huwag, pawisan ako--." Naramdaman ko ang kaniyang maiinit na kamay na bumalot sa aking beywang. Niyakap niya ako. Nanindig ang balahibo ko. Nasa gilid lang kami ng kalsada!
" You smell so good, sweetheart."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...