" Hala! Bukas na pala ang bagong taon! Nako, nakakatuwa naman." Sambit ni mama habang nag aayos ng mga prutas na nabili sa bayan kahapon. May mga prutas naman na kami kaya lang dinagdagan pa ni mama.
"Sigurado masaya nanaman ang salubong natin, nakita ko po sila tita kanina na bumili ng mga paputok." Tumango si mama. Kakain na kami kaya naman naisipan kong mag prepare.
" Kaunti lang ang binili nila, alam mo naman, baka magalit ang mga pulis na andiyan." Sumubo ako ng ulam namin. Maayos naman ang araw ko ngayon, huwag ko lang talaga maririnig ang boses ng pulis na iyon.
" Ma, kahapon po pala, nakita ko yung pulis, ang sungit pala talaga non?" Sambit ko. Uminom si mama ng tubig bago niya ako tinignan ng masama.
" Nakipag kita ka? Nagpakita ka? Bakit kayo nagusap?" Sunod sunod na tanong ni mama. Umiling naman ako. Anong akala ninyo saakin? Magpapa notice jan sa pulis na yan?
" Hindi po, bibili po sana kami ng mga pwedeng pang paganda ng mga mesa natin bukas para sa pagsalubong, kaya lang po, sinaway kami at pinabalik." Natapos na si mama kumain. Tumawa naman siya.
" Hindi mo ba nabasa ang sign doon sa labasan ng compound natin anak? Bawal daw lumabas ang mga batang edad 8 pababa. " Napalunok ako. Nanlalaki ang mata ko. Kaya pala siguro sinaway kami? Kasi may nakalagay na ganon? Bakit hindi ko nakita?
" T- totoo po ba? Hindi ko po nakita, kaya siguro nagalit saamin kahapon." Pero kahit na nagkamali ako, hindi ako hihingi ng tawad. Napaka sungit parin non, baka mamaya mas lalong lumaki ang ulo niya.
" Sa susunod, magbasa ka muna ha? Nakakahiya naman don kay Sir Villareal, nasungitan mo din ata." Niligpit ko na ang mga pinagkainan at saka hinugasan. Kaya pala galit na galit.
" Sachzna!"
" Dashiell!" Nakipag kita ako sa kaibigan ko na nasa kabilang compound, boy bestfriend ko ito. Matagal na kami.
" Kapag natapos kang kumain at mag celebrate sa bahay niyo, punta ka saaamin a? Hinahanap ka nila mama at papa, kahapon pa para sabihin iyon." Ngumiti ako. Andito kami sa may labas ng bahay. Wala naman ng gagawin sa loob at saka mainit doon.
" Sige ba, magdadala na din ako ng pagkain galing saamin." Sambit ko. Ginulo niya ang buhok ko. Antanda na namin pero hilig niya parin gawin iyon saakin. Nakakatuwa.
" Tapos mo na ba ang mga assignments natin? Baka kasi hindi pa, tutulungan kita." Kinuha niya ang cellphone niya, may mga laman itong mga litrato ng notebook niya, siguro mga sagot niya iyon.
" Patapos na din, may mahirap lang sa isang subject pero tapos ko naman na." Wala pa iyang jowa. Hindi ko nga alam dito, nagpapaalam siya saakin kapag may liligawan siya, kapag naman natapos ng magpaalam, iiwan niya naman yung babae.
" Gusto mo bang maglakad lakad? Baka kasi wala kang ginagawa, punta tayo doon sa airport." Tumango ako. Kumuha muna ako saglit sa bahay ng sumbrelo ko. Medyo mainit pa kasi.
" Nakapag handa na ba kayo para bukas? " Tanong ko habang naglalakad kami. Madadaanan ang checkpoint kung saan andito yung masungit na pulis. Pero hindi naman kami doon sa side na yun kaya ayos lang.
" Oo, marami rami din, bukas maaga silang magluluto, marami kaming bisita e, kayo ba?" Maraming sasakyan ang napapadaan. Kaya naman nasa gilid ako. Hawak din ni dashiell ang kamay ko.
" Dalawa lang naman kami ni mama sa bahay, doon parin naman kami magsasalo salo sa labas kaya magsasama sama ang mga pagkain namin." Tumango siya. May bundok dito. Pwede ka namang umakyat, kaya lang nakakapagod. Hindi naman sila gaanong kataasan kaya lang, mababato ang daan.
" May ipapakita nga pala ako sayo bukas. Kung pwede ay pumunta ka saamin a? O kaya ako nalang, may sasabihin narin ako sayo." Tumingin ako sa kaniya. Ngumiti siya saakin. Habang naglalakad kami, nakatingin yung pulis, hinihintay kong sigawan kami, kaya lang, hindi naman ata.
Naglalakad kaming dalawa. Pinaglalaruan niya ang mga kamay ko. May kalayuan ito, kaya naman nakakapagod.
" Malapit na tayong magtapos, saan ka kaya pagtapos ng graduation? Baka nasa field ka na at nagte training.." Engineering ang kinuha ni dashiell. Ako naman ay pagpupulis. May kaya kasi ang pamilya ni Dashiell, kaya kaya niya ang ganoong trabaho.
" Baka nga, naghahanap na din ako ng scholarship para doon. Sana makahanap ako kaagad, para may sumuporta sakin sa pambayad ng board exam." Tumango siya. Andito lang kami para hintayin ang paglubog ng araw. Open space kasi ito. Hindi pa natatapos na airport ang pinuntahan namin, kaya kita ang araw.
" Mayroon yan, tutulungan din kita sa pagiipon kung gusto mo, para hindi ka mahirapan." Nakangiti niyang sabi. Tumingin ako sa kaniya. Hinampas ko ng mahina ang kaniyang braso.
" Kahit wag na, mabait ka na sakin ng masyado a, baka mamaya sabihin nila, mag jowa tayo." Tumawa kami sa sinabi ko. Patuloy parin kami sa paglalakad. Malapit na din kami doon, at malapit na ang paglubog ng araw.
" Kung pwede lang nga na magpulis na din ako, para kasama kita sa training, sachzna, kaya lang, ito ang gusto ko." Inalalayan niya akong umupo sa isang kubo doon. May restaurant kasi katabi nitong airport, may mga kubo doon, pinapayagan naman kaming umupo kaya ayos lang, dito na namin aabangan ang araw.
" Hindi mo naman ako priority, Dashiell, mas sundin mo ang gusto ng puso mo, at ang pangarap mo bago ako, malay natin, makahanap ka ng mas better saakin bilang kaibigan mo." Sinamaan niya ako ng tingin. Ginaya ko naman ang ginawa niya.
" Paano mo nasasabi iyan, sachzna? Napaka mature na talaga ng kaibigan ko." Ginulo niya ang buhok ko. Hawak niya ang sumbrelong suot ko kanina.
" Wala, ganon kasi ang ginagawa ko, kung ano ang gusto ko, sinusunod ko, at saka diyan ka nababagay, sa engineering, matalino ka at pogi." Tumawa siya. Nagsisimula ng lumubog ang araw. Nakatingin lang ako doon.
" Bakit ikaw? Mahinhin ka at madalang makipag usap sa tao, pero bakit ka magpupulis ha?" Napatawa ako sa sinabi niya.
" Gusto ko ang pagpupulis, gusto mo ikulong kita." Hinawakan niya ang kamay ko at saka nilaro iyon.
" Sachzna, paano kapag ikaw ang gusto ng puso ko? Paano kapag ikaw ang pangarap ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/268139317-288-k190204.jpg)
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...