24

37 13 0
                                    

" Ma, paano po kapag nagkaroon na ako ng jowa?" Takang tanong ko kay mama. Inaya ako ni Alessandro na kumain sa isang restaurant, kaya mag aayos ako ng damit ko.

" Bahala ka kung gusto mo anak, baka makaabala yan sayo--"

" Ma, gusto ko po si Mr. Villareal." Agad akong nakatanggap ng batok kay mama. Tumawa ako ng mapait dahil doon. Mamaya ko balak na sabihin na gusto ko si Alessandro. Masama akong tinignan ni mama.

" Iyang katarantaduhan mo talaga, sachzna, sigurado ka ba jan?" Tanong ni mama bago lumapit saakin at saka tinabihan ako sa kama ko. Naghahanap ako kanina ng damit pero mamaya na ulit.

" Opo, gusto ko po si Alessandro ma, sasabihin ko po sa kaniya mamaya."

" Mayaman ang pamilya nila anak,  hindi natin sila abot, baka hindi ka okay para sa pamilya niya." Agad akong nakaramdam ng takot. Oo nga pala, kailangan niya akong ipakita sa pamilya niya kung magiging kami man. Baka hindi nila ako matanggap, dahil sa estado ko sa buhay.

" Ma, kung anuman ang mangyari sa pagitan ng pamilya nila at sa akin tungkol sa relasyon namin ni Alessandro, hindi kita hahayaang maisama sa gulo, ako ang bahala ma." Pagpapanatag ko ng loob kay mama kahit na kinakabahan din ako sa magiging resulta kapag naging kami nga ni Alessandro balang araw.

" Kung sa kaniya ka masaya, anak, sige, susuportahan kita jaan." Napangiti ako sa sinabi ni mama. Tumayo siya at saka handa ng umalis ng kwarto ko.

" Opo ma."

" Ako muna ang nakakaalam nito sa ngayon, maging masaya ka sana sa kaniya."

Agad kong tinuloy ang paghahanap ng damit para sa lakad namin ni Alessandro. Dapat ay training namin ngayon, kaya lang, mas gusto niya atang igala sa kung saan ang kaniyang sasakyan, kaya gusto daw niya akong isama.

Nilabas ko ang aking puff dress na kulay puti at saka puting sandals na may kaunting takong. At saka mini bag na korean inspired. Inayos ko din ang mga make up kit ko, mag aayos ako ng kaunti. Parang date naman ang pupuntahan ko.

" Anong oras ba kayo aalis, anak? Kakausapin ko muna iyang si Mr. Villareal." Tanong ni mama habang nasa pintuan ng kwarto ko at tinitignan akong magbihis ng suot ko para sa lakad namin. Nakapameywang pa ito.

" Tatawag po ako sa kaniya kapag handa na po ako, tinext ko na po siya, baka nasa daan na." Tumango si mama at saka nanahimik. Pagtapos kong nagbihis ay agad na akong umupo sa harap ng salamin ko, at mag aayos ng aking mukha.

" Ilang taon na ba iyang si Mr. Villareal, anak?" Naglagay ako ng eyeliner. At saka tumingin kay mama.

" 32 ma--"

" Aba't ano anak? 32?! Bente mo palang, ang laki ng agwat ninyo." Pagulat na sambit ni mama. Inaasahan ko ng sasabihin niya ito. Kaya tumawa ako sa kaniya.

" Bakit kayo ni papa? Ilang taon din ang agwat ninyo pero nagawa niyong mabuo ako." Pilyang tanong ko. Tumawa naman si mama sa sinabi ko. Natamaan ata sa sinabi ko. Naglagay naman ako ngayon ng blush on.

" Kailan ang birthday niya?" Hindi ako makatingin kay mama dahil sa focus kong ipantay ang aking blush on. Tumingin ako kay mama pagtapos kong mailagay ang mga iyon.

" May 30, 1989." Tumango naman si mama. Kinakabahan ako. Mamaya ay aamin na ako sa kaniya. Paano kapag hindi niya magustuhan ang pag amin ko? Argh!

" Mr. Villareal, paki ingitan ang anak ko, magbibigay kayo ng mensahe kapag magagabihan kayo, babae pa naman ang anak ko." Sambit ni mama. Nasa labas kami ng compound. Kita mo ang mga chismosa sa gilid na nakatingin saamin ni Alessandro.

" Makakaasa po kayo, iingatan ko po ang anak ninyo." Niyakap ko si mama bago kami nagpaalam. Inalalayan ako ni Alessandro na makaupo sa tabi ng drivers seat. Inilapag ko ang bag ko sa aking kandungan.

" You're beautiful, damn." Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay. Umiwas siya ng tingin ng tumama ang tingin niya sa aking labi. Napalunok ako dahil doon.

" Salamat-- uh, saan pala tayo pupunta?"

" Wharf."

Maraming tao ng dumating kami. May mga mamahaling restaurant nga dito. Namili si Alessandro ng restaurant at agad kaming pumasok doon.

" Alessandro, mabait ba ang pamilya mo?" Takang tanong ko dito, agad namang nangunot ang kaniyang kilay. Sumubo ako ng kinakain ko. Nakakain naman na ako sa mga mamahaling restaurant, pero kapag may okasyon lang kami.

" Oo naman, bakit? Gusto mo silang makita?"

" H- hindi, tinatanong ko lang naman." Iwas ko ng tingin at saka uminom ng tubig. Tinignan ko ang mga tao sa paligid. Nakatingin sila kay Alessandro. At nagtataka ang mga mukha nila. Baka nagtataka sila kung bakit hindi niya kasama ang vynzyll na iyon?

" Saan pala tayo pupunta pagtapos dito?" Natapos kaming kumain, ilang minuto ang nakalipas. Siya naman daw ang magbabayad kaya hindi na ako umangal. Baka ang bayad sa kinain namin ay allowance ko na ng buong buwan.

" Saan mo ba gustong pumunta? Mall? Bar? Coffee shop?" Nag isip ako. Gusto kong pumunta sa perya. Pagabi na din kasi. Hapon kami ng unalis ni Alessandro, kaya talagang magagabihan kami. 

" Gusto ko sana sa perya, maganda doon kapag gabi na, nakapunta ka na doon?" Naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Mag isa na akong sumakay. Hindi ko naman na kailangan ng tulong niya. Hindi naman ako ignorante sa kotse.

" Oo naman, doon na tayo magpalipas ng gabi bago kita ihatid sa inyo."

Hila ko ang kamay ni Alessandro habang papasok kami sa perya. Excited akong gumala dito. Dati rati, kasama ko ang mga kaibigan ko dito. Ngayon naman, ang lalaking mahal ko.

Napangiti ako dahil doon.

" Gusto ko doon, Alessandro, magaling kang bumaril hindi ba?" Pagsubok ko dito. Natipuhan ko ang malaking teddy bear na nakasabit doon. Iyon na ata ang pinaka malaking papremyo nila.

" You want me to try that?"

" Oo."

Nagbayad kami sa kuya na nandoon. At saka ibinigay ang baril kay Alessandro. Kaylangan mong barilin ang mga lobo, kapag naputok mo lahat, pwede ko ng makuha ang teddy bear na malaki na iyon. Pekeng baril ha.

" Galingan mo, Alessandro."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon