08

79 39 4
                                    

" Dashiell, uy! Bakit naman hindi ka namamansin?" Sambit ko habang nakanguso sa kaibigan ko. Sinusundan ko siya sa paglakad. Hindi niya ako pinapansin.

"-- dashiell-"

" Sachzna, kakatapat ko lang sayo ng nararamdaman ko, tapos makikita kita kasama si Sir Villareal?" Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Pati ba naman si Mr. Villareal ay pagseselosan niya? Ang tanda na non, ano ba namant pag iisip ang meron kay Dashiell.

" Dash, nagkausap lang kami, bakit pati siya ay pagseselosan mo? Alam mo ba kung ilang taon na yon?" Sambit ko. Tumigin siya saakin. Agad siyang umiling. Lumapit ako dito.

" Kahit na gaano siya katanda saatin, kung mahal ka non, wala akong laban." Napatawa ako. Bakit sa lahat ng pwedeng pagselosan ay iyong pulis pa na iyon?

" Magkaibigan lang kami ni Sir Villareal, at saka tutulungan niya nga ako sa pag aaral ng pagpupulis." Umiling siya bago siya lumapit sakin. Tinignan ko siya ng mataman sa mata. Napakabata pa namin para sa pagibig. Kahit naman nagtapat saakin si dashiell ay magkaibigan parin naman ang turingan namin sa isat isa.

" O sige, kung gusto mo diyan sa Sir Villareal na iyan, wala na akong pakialam pa." Naglakad siya ng mabilis palayo saakin. Hahabulin ko sana siya kaso may ginagawa ako. At saka wala si mama. Baka masunog ko ang sinasaing kong kanin.

" Ate! Hinahanap ka po ni Sir Villareal, andoon siya kanina sa may tindahan ni tita, gusto ka po ata kausapin." Tawag ng pinsan ko saakin, pumasok siya sa bahay agad agad para sabihin iyon. Nagtaka naman ako. Bakit kaya?

" Bakit naman daw? Para saan? Andoon pa ba siya?" Tumango ito. Paano ang ginagawa ko? Baka masunog ito.

" Ako na po muna ang bahala sa ginagawa mo ate. Pumunta ka muna, kanina pa siya doon naghihintay sayo." Dahan dahan akong tumango at saka nag ayos bago lumabas ng bahay. Naglakad ako sa eskinita at saka nakita ko nga siyang nakaupo sa tindahan nila tita ko.

" Alessandro!" Bati ko dito. Sinabi niyang wala ng formality kaya iyon ang tinawag ko. Kinasa kasa niya nanaman ang baril na hawak niya. Napatingin ito saakin, bakit kaya niya ako hinahanap?

" Bukas ay wala akong duty, ayos lang ba na pumunta ako dito sa inyo? Para turuan ka?" Nanlaki ang mata ko. Bakit naman ang bilis ata? Baka nakakaistorbo ako sa kaniya.

" Baka may iba ka pang gagawin? Hindi naman ata pwedeng sakin ka kaagad pupunta bukas, baka gusto ka din makita ng magulang mo." Tumawa siya. Tumayo siya at saka lumapit sa direksyon ko. Nakakailang dahil nakatingin ang ibang tao sa amin. Baka kung ano ang isipin nila.

" Nagpaalam na ako, kakakita ko lang sa kanila noong isang araw. Saan mo ba gustong mag aral?" Napaisip ako bago ako tumingin sa kaniya.

" Ano ba ang mga ituturo mo saakin? Ang paghawak ba ng baril?" Tumingin ako sa baril na hawak niya. Hindi ba siya nabibigatan dito? Mukhang mabigat ang isang ito e.

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon