34

36 12 4
                                    

" Nasaan ang Olivencia na yan?" Sigaw na sabi ng mama ni Alessandro pagpasok ko palang ng compound. Hawak ni Alessandro ang kamay ko, sumama siya saakin ng malamang andito nga sa compound namin ang mama niya.

" Bakit po kayo andito--"

" Hindi ba sinabi ko na sayong hiwalayan mo na ang anak ko? Impakta ka talaga ano? Ano ba ang gusto mo sa anak ko? Pera? Katawan? O baka gusto mo lang ng lalaking mapaglalandian?" Napanganga ako sa sinabi ng mama ni Alessandro saakin. Ang mga tito ko naman ay parang namunawan sa sinabi ng matandang ito. At nasa likod niya pala si Vynzyll na parang linta na nakasunod sa mama ni Alessandro. Linta ka girl?

" Aba't wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang anak ko, kung ayaw mo sa anak ko, para sa anak mo, mas lalong ayaw namin sa inyo. Hindi ko ginusto na magka problema at magkaroon balae na katulad mo!" Dinuro pa ni mama ang matandang ito, sila tita ko naman ay nakaawat sa likod. May mga guwardiya din silang kasama sa likod. Aba't nakaheels pa pala ang bruha? Madapa ka sana mamaya.

" Kung ayaw mong hiwalayan ang anak ko, umalis ka nalang. O kaya sapilitan kong isasama si Alessandro papunta sa ibang bansa. Hindi mo naman siya masusundan dahil isa kang basura! Wala kang pera, hindi ba?" Napangisi ako sa sinabi ng mama ni Alessandro. Binitawan ko ang pagkakakakapit ng kamay ni Alessandro saakin  at saka lumapit sa mama niya. Agad na napaatras ang mama niya sa ginawa ko.

" Alam niyo po? Kung pumunta kayo dito para ipagmalaki kung gaano kayo kayaman, naiintindihan ko po kayo. Pero yung pumunta po kayo dito para ipamukha saamin kung gaano kami kahirap, hindi ko po matatanggap iyon, alam niyo po?  Pasalamat kayo at malaki ang respeto ko sa matatanda. Kung pwede ay umalis na kayo dito." Nakita kong kumusilap si Vynzyll, nilakihan ko siya ng mata. Agad siyang tumalikod at saka pumunta sa pwesto ni Alessandro. Tinignan ko silang magkasama.

" Napaka bastos mo naman--"

" Isipin niyo na po ang gusto ninyong isipin, hindi ko din naman po kayo gusto, at ayoko sa dila ninyo. Mayaman na kayo, sige, kayo na. Hindi naman kami naiinggit e." Tumango ang mga tita ko sa sinabi ko. Hindi na din naman sumasagot si mama dahil alam niyang kaya ko na to.

Nilingon ko si Alessandro na hawak ngayon sa braso ni Vynzyll. Umiwas ako ng tingin bago ako kumusilap.

" Isama mo na ang mama mo sa pag alis, Alessandro, pati ang higad na yan--"

" What did you say?"

" Utak mo may sipon, umalis ka na!"

Hindi na ako lumingon pa kay Alessandro. Kailangan kong ilabas ang sakit na nararamdaman ng puso ko, pero mamaya nalang. Kapag wala na akong kasama.

" Umalis na tayo, napakalambot ng lupa, kadiri!"

Sinundan ko sila ng tingin bago sila makaalis. Agad na sumunod saakin sila mama at mga tita ko ng pumasok ako sa bahay at umupo sa sofa.

" Sachzna, nakita mo na? Sinugod na tayo, paano pa kaya ang mga susunod nilang gagawin sayo? Buti nga at nasupalpal mo ang bruha na iyon, hiwalayan mo na si Alessandro." May diin ang huling sinabi ni mama. Hindi naman ako nasindak doon. Alam ko ang gagawin ko kapag sumugod sila ule. At mas lalong hindi ko sila hahayaan na bastusin nanaman ako. Lalaban na ako.

" Ma, ako ang bahala--"

" Puro ikaw, sachzna, feeling independent ka? Matapang? Kunwari ang galing mo sumagot, pero mamaya, iiyak ka. Sinabi ko na sayo, hindi ba? Mahirap mahalin ang mga mayayaman, kailangan pasok ka sa standards ng magulang kaysa sa anak." Litanya ni mama. Tumango lang ako. Kanina pa nagba vibrate ang aking telepono. Pero wala akong balak sagutin iyon.

" Mapapakiusapan ko din ang mga magulang non, wala din naman silang magagawa kapag kami parin hanggang dulo--"

" Puppy love lang  yan, nadala kayo sa sparks at desire, Zacharielle. Maniwala ka saakin, nasubukan ko na iyan, kaya mas maagang tumigil ka na." Umiling ako kay mama at saka ngumiti. Nasira ko pa ata ang birthday ng pinsan ko. Hinalikan ko ang noo ni mama at saka ngumiti.

" Kakain muna ako ma. Tapos matutulog na ako."

Kumuha ako ng handa ng pinsan ko, at saka dinala ko sa kwarto. Dito na ako kakain. Nilock ko din ang kwarto ko, para walang makakapasok. Sa unang pagkakataon ay bubuksan ko na ang telepono ko.

99+ unread messages.
120 missed calls.

At sa nagiisang number ko lang iyan natanggap. Panay kay Alessandro.

' baby, answer my calls, please.'

' sweetheart, let's talk'

' are you okay?'

Imbes na magalit ay napapangiti nalang ako sa messages saakin ni Alessandro. Puppy love nga lang ba talaga ang nararamdaman namin sa isat isa? 32 years old na niya, 20 palang ako, mas may isip siya, sana alam niya ang ginagawa naming dalawa.

" Hello, sweetheart." Sambit ni Alessandro ng sagutin ko na ang tawag niya. Patuloy lang ako sa pagkain. Wala namang epekto saakin ang mga sinabi ng magulang ni Alessandro. Totoo naman kasi na mahirap kami, ano ang ipaglalaban ko doon?

" Hmm?" Pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko. Naririnig ko palang ang kaniyang boses, para na akong babagsak. Hindi ko na alam kung saan ako kakapit.

" I'm sorry--"

" H- huwag kang humingi ng tawad, ayos lang." Unti unti ng tumulo ang aking luha. Hinawakan ko ang aking bibig para hindi ako marinig nila mama at ng kausap ko. Nabitawan ko na din ang tinidor ko.

" I'm sorry, Sweetheart.."

" Wag.." Nanginig ako ng may lumabas na mahinang hikbi galing sa aking bibig. Alam kong narinig iyon ni Alessandro dahil nakatutok sa bibig ko ang aking telepono. Pinunasan ko ang mga luha ko.

" Are you crying? I'm on my way, baby, please.." Umiling ako, kahit na nasa telepono lang naman siya.

" Hindi, huwag, kaya ko, ginusto ko to. Ginusto kitang mahalin kahit na impossible, kahit na mahirap, kasi mahal kita, Alessandro." Hindi ko na napigilang maiyak ng tuluyan. Ganito pala ang feeling kapag mahal na mahal mo ang isang tao ano?

" Baby, you're crying. Are you at your room? Can i come in there, i love you, sweetheart.."

" Mahal kita Alessandro, kahit na magkaiba tayo ng mundo.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon