20

49 17 1
                                    

" Ang hirap naman nito!" Binato ko ang ballpen ko sa kung saan habang napasabunot ako sa buhok ko. Nakakainis ang math subject, gulong gulo na ang utak ko. Gusto ko nalang mag training bilang isang pulis!

" Hey, kaya mo yan, hindi ka lang  makapag focus ng maayos, may problema ka ba?" Napatingin ako kay Dashiell. Agad akong tumango ng sunod sunod. Tinignan niya ako ng nagaalala.

" Dash, kapag ba hinalikan kita, anong mararamdaman mo?" Umiwas ng tingin si Dashiell. Agad akong natauhan sa sinabi ko, pero hindi ko naman binawi ang sasabihin ko.

" Ako? Matutuwa? Hindi ko din alam, depende iyan, bakit? May humalik ba sayo?" Kinabahan ako sa tanong niya. Agad akong ngumiti at saka umiling. Hinanap ko ang ballpen ko at saka nagsimula ulit na magsolve.

"--- nakukuha mo naman na ang ibang parte ng solving. Maaayos mo iyan, kaunti nalang." Sambit ni Dashiell. Nakafocus ako sa pagso solve, hindi ako gumagamit ng calculator. Tanginang buhay to.

" Yes! Tapos na din!" Pinakita ko kay Dashiell ang sinagutan ko. Ngumiti siya bago niya ibigay saakin ang papel ko. Ginulo niya ang buhok ko.

" Tama na, nakuha mo na--"

" T- talaga?"

" Oo."

Napagisipan naming maglakad lakad pagtapos naming mag aral. Wala naman si mama sa bahay kaya ayos lang. Nasa trabaho siya, at maghapon siya doon. Nadaanan namin ang station, nakita kong naroon nanaman ang babaeng maputi na iyon.

" Kamusta pala ang training kahapon? Maayos naman ba?" Sabi ni Dashiell. Naglalakad kami papunta sa airport. Aabangan nanaman namin ang paglubog ng araw.

" Oo, nakakapagod, madali naman silang matuto, kaya hindi ako masyadong nahirapan--- akala ko ba magpapahabol ka?" Takang tanong ko dito. Umiling siya at saka siya ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

" Hindi na, alam kong kaya mo na doon kahapon. May iniutos kasi si mama." Sambit niya. Nakarating kami sa airport. Umupo kami sa dati naming inuupuan. Palubog na din ang araw kaya umupo na kami kaagad.

" Sach, talaga bang magkaibigan lang kayo ni Mr. Villareal?" Napalingon ako sa kaniya. Tumango ako bilang sagot. Magkaibigan kami ni Alessandro, oo, pero iba naman ang nararamdaman niya.

" Oo, wala ng h-hihigit doon, Dash, huwag kang mag alala." Hinawakan niya ang buhok ko at saka niya ako niyakap. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya bago kami tumingin sa araw na palubog na. Madilim na nito kapag makakauwi kami.

Ilang minuto kaming nanahimik ng tumunog ang telepono ko.

" Ate sach, emergency, may nadisgrasya." Napatayo ako sa kinatatayuan ko at saka hinila ang kamay ni Dashiell. Malayo layo ang tatakbuhin namin. Shit naman o.

" Papunta na ako." Hinila ko ang kamay ni Dashiell at saka kami tumakbo. Nagtataka man siya, sumusunod parin siya saakin.

" Anong mayroon--"

" May emergency, bilisan natin."

Hingal na hingal akong nakarating sa station. Kita ko ang duguang paa ng isang babae. Nagkalat din ang mga bubog sa gilid ng kalsada. May isang Tricycle naman ang nasa kabilang gilid ng kalsada namin.

" F- first aid kit." Hingal na sambit ko kay Sir Ocampo. Inabot niya naman kaagad ito. Wala na ng pares ng tsinelas ng babaeng ito. Nilibot ko ang tingin ko para hanapin, kaya lang, wala naman.

" Medyo malalim ang mga bubog, medyo masakit ito, tiisin mo muna." Isa isa kong nilinis ang mga sugat niya dahil sa bubog. Duguan na ang paa nito sa sobrang dami ng bubog sa paa niya.

" Aray, masakit po ate, dahan dahan po--"

" Sorry." Paghingi ng pasensiya. Napapapikit siya sa sakit. Nililinis ko palang naman. May upuan din na nasa gilid ko. Papaupuin ko siya diyan mamaya.

" May iba pa bang masakit sayo? Ang mga binti mo? Natamaan ba?" Malumanay kong tanong dito. Tumingin siya saakin. Umiling siya.

" Iyan lang po ang masakit sa akin." Tumango ako. Binalot ko ng gasa ang kaniyang buong paa. At saka inalalayan siyang makaupo. Tinanggal ko ang dalawang pares ko ng tsinelas at ibinigay sa kaniya. Naka paa na ako kahit na may bubog pa sa sahig.

" Ikaw na muna ang magsuot niyan. Huwag ka munang gagalaw."

" Salamat po." Ngumiti ako. Naglakad ako palapit kay Sir Ocampo na kausap ang may ari ng tricycle na basag ang mga side mirrors. Baka siya ang nakabangga doon sa babae?

" Kailangan niyo hong magpakita sa presinto, o kaya naman ay kausapin niyo nalang ang nabangga ninyo kung magsasampa sila ng kaso." Paliwanag ni Sir Ocampo. Tumingin saakin ang may ari ng tricycle. Ngumiti ako ng mapait.

" Kakausapin ko po siya, pero magpapakita po ulit ako sa presinto sir, pasensiya na po, ako na din po ang magdadala sa kaniya sa ospital." Napangiti ako sa narinig. Buti naman mabait ang nakabangga sa babaeng iyon. Ang iba kasi minsan, kung sino pa ang nakabangga, sila pa ang nagagalit.

" Mag iingat po kayo, nagfile na po ako sa station namin sa bayan, kayo nalang po ang pumunta doon, sasamahan kayo ni Sir Matias." Tinuro niya si Sir Matias na nagpapaandar na ng motor niya. Inalalayan namin ang babae na makasakay sa tricycle. Ng makaalis sila nanatili ako doon.

" Andiyan pa ba ang first aid kit?" Narinig ko ang boses ni Alessandro sa likod ko. Nakapaa parin ako. Dinala ng babaeng iyon ang tsinelas ko.

" Andito pa, bakit?" Tinignan niya ang parte sa paa ko. Napatingin din ako doon. Nanlaki ang mata ko ng makitang may dugo doon.

" Ibinigay mo ang tsinelas mo, ikaw naman ngayon ang nasugat, seryoso ka ba diyan?" Kinagat ko ang labi ko at saka umiling ako. Nagulat ako ng binuhat niya ako ng pa bridal style, kaya pilit akong kumakalas. Dinala niya ako sa loob ng kanilang opisina. Iniupo niya ako sa may lamesa.

" May upuan naman, bakit dito pa--"

" Shut it, Ms. Olivencia, you're bleeding." Lumuhod siya sa harapan ko at saka sinimulang gamutin ang sugat ko sa paa. Hindi naman masakit ang pagkakagamot niya dahil maingat siya dito. Nakatukod ang dalawa kong mga kamay sa gilid ng lamesa.

" Dapat nagpapahinga ka ngayon? Hindi ba? Dapat wala kang duty ngayon." Wala sa sariling tanong ko. Napatingin siya sa direksiyon ko. Sinalubong siya ng mga mata ko.

" Araw araw na akong papasok, para araw araw na din kitang makikita."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon