61

40 9 1
                                    

" Napaka high blood mo naman, tinanong ko lang kung nasaan sila."  Busangot kong sabi sa kaniya. Nagda drive na siya sa kung saan. Basta sumama ako, yun na iyon.

Ni hindi niya ako malingon para magsalita, dati naman ay ginagawa niya iyon a?

" Kaya nga hindi ko sila inimbitahan dahil ayaw kong makita ka nila, tapos ikaw naman ang gustong makita sila." Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatawa. Kahit kailan naman, napaka seloso nito, ako lang ata ang nakaka tiis sa ugali nito e.

Kinalma ko ang aking sarili dahil sa pagtawa.

" Pasensiya, napaka unfair din naman kasi yun, kasama padin sila sa team mo."

" Napaka unfair din naman, Ms. Olivencia, nakikita ka nila. Gusto ko, ako lang ang makakakita sayo-- unless you're naked." Tinapik ko ang kaniyang braso dahil sa sinabi niyang iyon, agad namang may namuong ngisi sa kaniyang mga labi.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nanahimik nalang sa loob ng ilang minuto.

" Nabusog ako sa mga pagkain kanina, sino ang nagluto ng mga iyon?" Pag iiba ko ng usapan ng makaramdam ng hindi magandang hangin sa loob ng kotse nito. Sa unang pagkakataon ay nilingon niya ako na kanina ko pa hinihintay.

" Ang mga chef namin sa bahay."

" Ah, ang sarap kasi, kaya naparami ako ng kain, ang sakit tuloy ng tiyan ko." Lumingon nanaman siya. Hindi naman ako nag abalang salubungin ang mga mata niya, dahil wala din naman akong mapapala kundi kilig.

Agad akong humarap sa kaniya ng may mapagtanto.

" Saan nga pala tayo pupunta? Kanina ka pa nagda drive, baka kidnap to?" He chuckled.

" Kidnap? Are you serious, woman? You're so talkative." Kusilap naman ang isinagot ko rito. Bakit ba napaka mainitin ng ulo nito? Agad naman akong umayos ng upo.

Ilang oras din ang nakalipas, nakaupo parin ako dito sa kotse niya. Sinigurado niya talagang masosolo niya ako a? Napaka layo naman ng pupuntahan namin.

Baka sa dulo na kami ng hangganan makakapunta nito.

" Pagod na akong umupo, Alessandro, matagal pa ba tayo dito?"

" Just wait, sweetheart, we'll get there."

Nasa tabi kami ng dalampasigan ni Alessandro, hindi ko alam kung bakit dito niya nais na magpunta, pero pumayag parin naman ako, kaya wala akong magagawa.

Buti naman at nakarating na rin kami, parang namuo na ata ang dugo ko sa aking pangupo dahil sa tagal sa loob. Inalalayan niya lamang akong bumaba sa kaniyang kotse.

Isang tahimik na karagatan ang sumalubong sa amin. Infairness, napaka ganda dito. Wala namang tao pero napakaliwanag ng paligid ng dagat na ito. Puti din ang buhangin niya.

" Baby.." Napalingon ako sa sinabing iyon ni Alessandro kasabay ng pagtunog ng mga paru paro sa aking tiyan, sa tuwing binabanggit niya ang salitang iyon, para akong natutunaw.

Ngumiti ako sa kaniya.

" Anong problema, Alessandro?"

" Can you be my girlfriend again?" Tuluyan ko na siyang hinarap sa sinabi niyang iyon. Agad naman akong napangiti. Kahit kailan talaga, hindi kumukupas ang kagwapuhan ng lalaking ito.

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi.

" Alam mo, Alessandro? Hindi ka mahirap mahalin e. Sa mga salita mo palang, sa kilos mo, sa pagkatao mo, sa lahat. Hindi ka nagkukulang sa mga ginagawa mo." Umpisa kong sambit sa kaniya. Nanatili ang kaniyang mata sa akin. Magkaharap kami ngayong dalawa dito sa harap ng karagatan. Napakatimik ng lugar at mapayapa ang dagat.

" Kahit naman hindi ka bumalik sa akin, mahal parin kita, ikaw parin naman ang laman ng puso ko hanggang ngayon, hindi ko alam kung paanong ikaw lang at ang pangalan mo ang hinahanap ng puso ko, araw araw yun, Alessandro."

" Sweetheart--"

" I'm still into you, Alessandro."

Napakagat ako sa aking labi sa panghuling salitang binitawan ko. Agad namang ngumiti si Alessandro at hinigit ang aking beywang upang magkalapit ang aming mga katawan.

Hinawakan niya ang aking pisngi at saka hinalikan ang aking mga labi.

" You're mine again, Ms. Olivencia, am i right?" Takang tanong ni Alessandro sa akin, ngumiti ako bago tumango tango sa kaniya. Siniil niya ang aking mga labi, sumagot naman ako dahil doon.

" I won't leave you ever again, baby, I love you." Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Alessandro ng maramdamang lumalim na ang halikan naming dalawa, baka kasi may makakita sa amin.

" I love you too, Alessandro, stay with me forever, hmm?" Ngumiti ito at saka hinapit ang beywang ko. Niyakap niya ako mula sa likod at hinarap naming dalawa ang dagat.

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Alessandro.

" How can you do this to me? Hmm? I thought you'll reject me." Umiling ako bago tumawa ng mahina.

" I have my plans, actually. I really need you, iyong dati nating ginagawa noon, gusto kong balikan at ulitin, gusto ko ulit maranasan, namiss kitang kayakap, Alessandro ko." Nakarinig ako ng mahinang mura galing sa kaniya. Hindi ko naman mapigilang kurutin ang tagiliran niya dahil doon.

" You really missed me? Huh? What about we go home already?"

" I know what you're thinking, Mr. Villareal." We both chuckle. Hindi ko alam na sa kaniya parin pala ang bagsak ko. Hindi ko alam na napaka liit ng mundo.

Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa aking beywang. Hinawakan ko din ang kaniyang kamay mula doon.

" What about your parents?" Takang tanong niya. What about your parents too, Alessandro. Sa pagkakataong ito, makikita ko nanaman ang brutal mong ina. At baka mas ayaw na niya saakin ngayon.

" It' s gonna be fine, baby, i'm here. Ikaw at ako."

" Really, huh?"

" What about you? Sa medias? Baka malaman nila ito." Nag aalalang sambit niya. Ngumiti ako bagi ako humarap sa kaniya.

" Just don't tell it to anyone yet, Alessandro, baka pagkaguluhan ka." Tumango siya. He grabbed my hands at saka kami umalis sa lugar na iyon, dinala niya naman ako sa kaniyang condo unit.

Inilapag ko ang aking bag ng makarating kami sa condo nito. Namataan naman ng aking mata na nagtatanggal na siya ng kaniyang office coat at sapatos. Agad akong ngumiti dahil doon.

" What do you want us to do?"

" I want to bake a cake, let's celebrate."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon