51

38 6 2
                                    

" Hindi ako papasok ngayon, magpapakita lang ako mamaya kay Mr. Villareal, hindi maganda ang pakiramdam ko." Tango lang ang ibinigay saakin ni Hyacinth. May ibinigay siya saaking telepono.

" Mr. Villareal is calling." Agad akong umayos ng upo at saka hinintay na magsalita siya.

Nangunot ang noo ko.

" Hello, Hyacinth?, is Ms. Olivencia with you? Can i talk to her." Nilingom ko si Hyacinth. Alam niya bang ako ang hahanapin ni Alessandro kapag tumawag ito kaya saakin niya na inabot ang telepono kaagad?

" This is Ms. Olivencia, speaking."

" Are you coming? The models are waiting for you." Napahilamos ako sa aking mukha. Well, kung naghihintay na sila sakin, bakit pa ako aatras? Dapat ay hindi ako papasok ngayon dahil kanina pa ako nahihilo. Feeling ko din ay sisipunin ako.

" Oh, o-okay, i'll be there in 10 minutes."

Pinahanda ko na ang kotse ko, wala naman akong magagawa, late na akong nagising. At late na din akong makakapunta sa opisina niya, kaya ano pa ang gagawin ko. Edi papasok nalang.

" I'm sorry, I'm late, I'm not feeling well." Umupo ako kaagad sa upuan ng makarating ako sa training room. Nakatingin lang ng mataman saakin si Alessandro, hindi nagsasalita maging ang mga model. Hindi sana ako ma stress ngayong araw na ito.

Kailangan kong iwasan si Alessandro.

" If you're not okay, you can just rest, Ms. Olivencia, let's reschedule this training." Tumango naman ang mga models bilang pag sang ayon. Agad akong ngumiti. I'm not wearing a heels also. I am wearing a dress today, and i flat shoes.

" Is it okay with you? I'm not totally fine today. But I need to be professional--- get your shoes and let's start."

" Yes ma'am." Kahit na nag aalala sila ay nagsuot parin sila ng mga heels nila. Nakatayo lang ako at hinihintay na magsimula silang gumalaw. Kita ko ang mga mata ni Alessandro saakin. Hindi ko iyon pinansin.

" Hyacinth, prepare my medicines for later. After this i'll drink them." Tumango si Hyacinth at saka lumabas ng training room. Naglakad si Alessandro palapit saakin.

Tinignan ko lamang siya na makalapit saakin. Hindi siya masyadong lumapit. May pagitan parin sa gitna naming dalawa.

" You're tired. Let's stop this." Sambit niya. Handa ng rumampa ang mga models, pinitik ko ang aking kamay at saka nag start na ang music. Isa isa silang naglakad. Kita ko ang ngiti nila sa bawat lakad nila. Nahahawa ako dahil doon.

" I'm fine, sandali lang naman ito." Hinayaan ko silang magrampa sa harapan ko. Ako naman ay nasa harapan ni Alessandro at sinusuot ang aking heels. Magrarampa din ako sa harapan nila. Para makita nila ang tamang paglalakad.

" Okay, i want your eyes all on me. This is how you do it. Yung iba, nakukuha na ng paunti unti, ang iba naman ay nahihirapan parin." Pumustura ako sa harapan nila. Ginaya naman nila ako. Nakaramdam ako ng kirot sa aking paa. Wala sa kondisyon ang paa kong mag heels ngayon, kaya baka sumasakit.

" --- okay, get it? And now, for your hands. You should do it like this--- your thumb must be like this, and then sometimes you should turn around and do your pose, okay?" Ginaya nila ako. Nakita ko ang iba na nahihirapan parin. Second week palang naman namin sa training. Matagal tagal pa ang araw para sa fashion show nila, kaya maaayos pa naman ito.

" Got it ma'am."

" Practice muna kayo ng ilang minuto, babalikan ko kayo."

Umupo ako sa upuan ko. Nasa gilid lang ako. Si Alessandro ay andon parin. Nakatingin siya sa mga trainees. Kita ko din ang pagpupusige nila na matuto. Napangiti ako dahil doon. Hinubad ko ang aking heels, habang hindi nakatingin si Alessandro.

Nanlaki ang mata ko ng makitang dumudugo ang talampakan ko. Shit!

" Hyacin--"

" You're bleeding?" Agad na sambit ni Alessandro. Tumango ako ng sunod sunod. Maging ang mga models ay natigil. Nakatingin lang sila sa akin.

" I'm fine, hindi naman masakit." Pagpapakalma ko sa kanila. Nakita ko si Hyacinth na may dalang first aid kit. Kinuha iyon ni Alessandro sa kamay niya ng sapilitan. Nahiya ako ng kaunti ng tignan ko ang paa ko. Nagkaroon ng maliit na hiwa sa talampakan ko, ngunit maraming dugo ang lumalabas dito.

" Kung hindi ito maagapan ng first aid, tumawag ka na ng ambulansiya."

" Noted sir."

Namula ang pisngi ko ng makita kung gaano magalala si Alessandro para sa kaunting hiwa lang. Napakagat ako sa aking labi ng makaramdam ng hapdi. Nahawakan ko ang balikat ni Alessandro, tumingin siya saakin.

" I- it hurts.."

"I'm sorry, i have to do this." Nilagyan niya ng alcohol ang sugat ko. Napangiwi ang aking mukha sa hapdi na naramdaman. Yumuko nalang ako sa sakit. Naramdaman kong hinawi ni Alessandro ang aking buhok na nakalugay at tinitignan ang aking kondisyon.

" Should i call for an ambulance? Can you walk?" Umiling ako. Hindi ko nga magalaw ang paa ko. Makalakad pa kaya? Paano nanaman kapag nalaman ito ng media? Panibagong balita nanaman ang lalabas. Baka habulin nila ako, hindi pa man din ako makakatakbo.

Kinuha ni Hyacinth ang bag ko. Ang mga models naman ay nagkumpulan na sa likod ni Alessandro na nakaluhod parin sa aking harapan.

" H- hindi ako makakalakad. I'm sorry, i'm sorry.." Sunod sunod na paghingi ko ng paumanhin sa mga models. Agad silang bumusangot sa harapan ko at tinignan ako ng nagaalala.

Si Alessandro naman ay tumayo na.

" Ayos lang po saamin ma--"

" Get your things and go home. My secretary will call you once she's okay and you'll continue your training-- i don't want anyone know about this." Sabay sabay silang tumango. Nilagay ko ang aking mukha sa aking hita. Nakakahiya ang nangyari ngayon, hindi ko mapapatawad ang aking sarili.

" Let me carry you, papunta lang sa opisina ko."

" I- is that okay with you." Tumango siya. Binuhat niya ako ng bridal style. Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Sinarado niya ang pintuan ng opisina niya ng makarating kami. Ibinaba niya ako sa sofa niya. Nagkatitigan kami at hindi niya binibitawan ang pagkakabuhat saakin.

" Can i kiss you?"

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon