" Ano palang pag aaralan natin ngayon, Alessandro?" Takang tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa kung saan. Hindi niya duty ngayon, kaya magkasama kami para sa training. Nakapag paalam naman ako kay mama kanina.
" I want to tour you at our farm. Ipapakita ko lang kung ano ang mga nandoon." Napabilog ang aking bibig at saka ngumiti dito. Nanatili naman ang tingin niya sa daan. May mga tao kaming nakakasalubong.
" Doon ba banda ang farm ninyo? Parang napakalayo, hinihingal na ako." Reklamo ko. Mabilis akong mapagod. At saka hikain din ako, baka sumpungin ako dito. Mahirap na. Tinignan niya ako at saka kami tumigil.
" Itong nilalakaran natin, saamin na ito, iyon lang ang pinaka main ng farm namin." Napanganga ako sa sinabi niya. Napakahaba na ng nilakad namin, ibig sabihin, sa kanila na itong tinatapakan ko? Napakayaman naman nito.
" T- talaga ba?"
" If you want to rest, then we can, may duyan doon." Ngumiti ako at saka nauna ng maglakad papunta sa duyan. Umupo ako kaagad.
" Bakit nakatayo kalang diyan?" Nilibot ko ang tingin ko at napagtanto kong iisa lang pala ang duyan na narito. Masama man sa kalooban, umusog nalang ako.
" Is it okay if i'll sit beside you?" Nakataas ang kilay niya habang nagtatanong saakin. Tumango naman ako at saka tinapik ang duyan.
" Upo na, ang arte pa e." Umupo siya sa tabi ko. Naramdaman ko ang init ng katawan niya pagupo niya palang. Napasandal ako sa duyan. Tinignan ko si Alessandro.
Napatingin ako sa kaniyang panga. Napaka perpekto nito. Ang ganda ng hubog. Ang kaniyang mga kilay naman ay makakapal. Ang pilik mata niya naman ay medyo nakakurba. At ang mga mata niya ay nangungusap.
" Anong problema?" Natauhan ako at saka umiling iling bago umayos ng upo.
" W- wala, ang g- gwapo mo pala talaga." Makatotohanang sambit ko. Napatawa siya sa sinabi ko bago siya umiwas ng tingin. Tumingin siya saakin pagtapos non. Agad akong ngumiti.
" Ibang iba ka sa mga babaeng nakilala ko, Zacharielle." Sambit niya. Tumaas naman ng kusa ang mga kilay ko. Umayos ako ng upo, at saka sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
" Bakit naman?"
" Napaka simple mong babae, wala kang inaartehan, karamihan sa mga babae ngayon, maaarte, ayaw mainitan, ayaw lumabas ng bahay ng hindi nakaayos." Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Nahuhulog na din ba ako sa kaniya? Parang napapansin kong iba na ang nararamdaman ko kapag magkasama kami ni Alessandro.
"--- masipag ka at matiyaga, matulungin din, hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito, Sachzna, sobrang bilis." Napaiwas ako ng tingin sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi, kaya umiiwas ako ng tingin.
" Alam mo Alessandro? Masyado kang pa fall, iba na ang nararamdaman ko kapag magkasama tayong dalawa." Pag amin ko dito. Napakagat siya sa labi niya bago siya tumingin saakin. Nagkibit balikat ako sa kaniya habang nakatingin dito.
" Really? I think you're falling." Tumawa siya. Umatras ako sa kaniya. Kaya lang, dumudulas ako pabalik sa kaniya. Magkadikit ang mga braso naming dalawa. Buti nakakayanan kami ng duyan na ito.
" Hindi ko alam, basta sasabihin ko sayo kapag tumatalab na, para hindi ka mag assume ng kahit ano, maliwanag?" Malumanay na sambit ko dito at saka ngumiti sa kaniya. Tumango naman siya bago tumayo sa duyan.
" Gagawin ko ang lahat, Zacharielle. Maghihintay ako sayo."
Pabalik na kami sa sasakyan niya. Hindi na kami tumuloy pa baka daw sumpungin ako. Kaya aalis na kami at saka uuwi na siguro.
" Alessandro, wala ka pa bang balak magpakasal?" Takang tanong ko dito habang nakatingin sa kaniya. Nasa kotse niya na kami. Nakatingin lang ako sa kaniya.
" I don't know, kung kailan ka pwede, kailan ba?" Tumawa ako sa sinabi niya bago siya tinapik sa braso niya. Tumingin siya saakin ng saglitan.
" Para kang sira, Alessandro, huwag kang pakasigurado, baka sa iba ang bagsak ko." Napabalikwas ako ng nakarinig ng kulog at kidlat. Napahawak ako sa dibdib ko bago ako umiling. Shit, uulan nanaman ba?
" I think it will rain, Zacharielle. Wala akong dalang payong--"
" Maligo tayo sa ulan." Nakangiti kong sambit sa kaniya. Ng bumuhos ang malakas na ulan, bumaba kami ng sasakyan ni Alessandro at saka kami naligo ng ulan. Padilim na kaya hindi kami makikita dito.
" Alessandro, naliligo ka ba ng ulan dati noong bata ka?" Tanong ko habang naglalakad kami sa gitna ng ulan. Nakagilid ang sasakyan niya, nasa parke kami. Kaming dalawa lang ang tao dito.
" This is my first time, Sachzna."
" Seryoso?" Tumango siya. Nilibot ko ang tingin ko. Wala masyadong tao dito kapag ganitong oras at umuulan pa. Kaya kaming dalawa lang ni Alessandro ang narito.
" Baka magkasakit ka? Hindi ka ata sanay na maligo ng ulan, gabi pa." Alalang tanong ko sa kaniya. Ngumisi lang siya at saka nagpatuloy kami sa paglalakad.
" Huwag mo akong alalahanin, basta masaya ka sa pagligo mo ng ulan, ayos ako." Hinawakan ko ang kamay niya at saka pumunta kami sa mga palaro na andito. Pumunta kami sa duyan na narito.
" Nagseselos ka ba kay Dashiell, Alessandro?" Pasigaw na tanong ko dahil malakas parin ang ulan. Tumingin siya saakin at saka tumango ng ilang beses.
" You really want to know that? This is so obvious. Damn it." Iling niya habang nakatingin saakin. Ginalaw niya ang labi niya. Tumawa ako doon. Nagpatuloy ako sa pagduyan.
" Magkaibigan kami ni Dashiell simula palang ng mga bata kami. Hanggang ngayon, napaka protective non, kaya minsan napagkakamalan kaming magjowa ng mga kaibigan ko." Nag igting ang panga niya sa sinabi ko. Lumapit siya sa kinauupuan ko at saka tumayo sa harapan ko. Hininto ko ang pagduyan. Tumingala ako sa kaniya.
" Stop it, Ms. Zacharielle. Hindi ako natutuwa." Tumawa ako sa sinabi niya. Tumayo ako at saka siya dinilaan.
" Mas gwapo sa iyo si Dashiell, mas bata, mas protective, mas caring, hindi katulad mo na masungit, tapos biglang magiging sweet--"
Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko ng hilahin niya ang aking beywang at saka halikan ang aking mga labi. Kahit na basang basa na kami, wala kaming pakialam.
Sinimulan niyang igalaw ang kaniyang labi saakin. Nagustuhan ko iyon, kaya naman sinubukan kong gumanti sa mga halik niya.
" Did you kissed me back?"
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...