" Anong oras ka na nakatulog kagabi sach? Bakit parang wala ka sa sarili?" Napalunok ako sa sinabi ni tita. Hindi naman nila alam na umalis ako kagabi. At hindi ko din alam kung paano kami nakaalis ni Alessandro. Tinignan ko si tita sa mata.
" Gumawa pa po kasi ako ng project, kaya napuyat po ako." Natawa ako sa naisip kong palusot. Talaga bang project? So project ang ginawa namin ni Alessandro? Nakakatawa ka, sachzna. Nasa labas ako, pero hindi naman ako pwedeng magtagal.
Hinatid ako ni Alessandro sa bahay namin kagabi. Buti nalang at hindi kami nahalata nila mama. At wala silang narinig na ingay.
" Tutulong ka ba mamaya sa pagluluto ng handa ni Keisha?" Tumango ako. Birthday ng pinsan ko ngayon. Kaya naman, magkakaroon kami ng salo salo. Nasa labas na din ang mga lulutuin nila para mamaya.
Narinig kong tumunog ang telepono ko, kaya tinignan ko ito.
' i miss you.' Basa ko sa text ni Alessandro saakin. Agad akong napalingon sa station nila. Nakita kong wala naman siya doon. Bukas ay gagawa ako ng palusot para makapunta kami ulit ni Alessandro sa bahay nila. Hindi kami titigil na pumunta doon, kahit na ayaw naman nila akong makita.
" Sach! Tawag ka doon, maghiwa ka na daw ng mga patatas at carrots."
" Sige po, tita." Kahit na hindi maganda ang pakiramdam sa pagitan ng dalawang hita ko. Nanatili akong cool sa harapan ng mga kamag anak ko. Nagpatuloy lang ako sa paghihiwa ng mga papatas at carrots. Pang menudo ata ang mga ito.
" Anak, mamaya pala, magbigay ka ng handa ni keisha doon sa station ha? Wala akong ibang mauutusan, kaya ikaw nalang." Agad na nangningning ang mata ko. Tumango nalang ako ng simple, para hindi halatang excited akong pumunta doon mamaya.
" Sige po---"
" Nasa opisina ba si Mr. Villareal ngayon?" Tumingin ako kay mama. Agad akong nagkibit balikat sa sinabi niya. Umiling si mama.
" H- hindi ko po alam--"
" Sige."
Naging busy ako sa pagtulong sa paghahanda para sa kaarawan ng pinsan ko. Ako lagi ang nauutusan dahil panay naman bata ang mga pinsan ko, kaya walang ibang gagawa nito kundi ako lang.
" Parating na ba ang videoke na nirentahan ni tito mo? Kanina pa namin iyon tinawagan, wala parin." Tinignan ko si tita gracielyn. Nakatingin naman ito sa telepono niya. Nasa gilid ako ni mama dahil hinihintay kong ilagay niya sa lalagyan na hawak ko ang pasta.
Mamaya pupunta ako sa station, sana andon si Alessandro, sinabi ko lang na hindi ko alam para akala nila mama ay wala siya doon.
' anjan ka ba sa opisina mo?' Tanong ko kay Alessandro sa isang text. Matagal pa naman maluto ang mga iyon, kaya umupo muna ako sa sulok para magpahinga. Agad tumunog ang aking telepono, agad siyang nagreply.
' andito ako, are you coming?' Tumingin muna ako sa paligid para tignan kung may nakatingin sa galaw ko. Si mama naman ay busy lang sa paghahalo ng pasta. Sila tita ko, andoon sa loob at naghahanda na. Patapos na din kasi kami.
' oo, mamaya, pupunta ako'
' i love you, Zacharielle.'
Nagiinuman na kaagad ang mga tito ko kahit na may araw pa. Napapailing nalang ang mga tita ko, habang nakikita sila na nagbubukas isa isa ng beer at iba pang klase ng alak. Kapag may okasyon lang naman umiinom ang mga tito ko, kaya pinagbibigyan silang uminom ng marami ng mga tita ko kapag may okasyon kami. Nahipan na din ang kandila kanina. Nag ayos lang ako ng sarili dahil nagkaroon kami ng kaunting pictorial kanina.
" Sachzna, ibigay mo ito doon kila sir ocampo--"
" Kumare, ikaw pala iyan." Saktong pagbigay ni mama ng platong may pagkain sa akin ay dumating si tita mylene. Nag ngitian lang kami. Kinuha ko ang pagkakataon na yon para pumunta na sa station. Pwede akong magtagal dahil hindi naman ako mapapansin ni mama.
" Sir ocampo, sir matias, sir nabasca, meryenda niyo po." Sabay sabay silang tumayo at tinignan ang mga binigay ko. Napakarami ng ibinigay nila tita at mama. Kakasya talaga ang mga ito sa kanila, at baka sumobra pa. Nginitian ako ni Sir Ocampo.
" Sinong may birthday?"
" Si keisha po."
Lumingon ako sa loob ng station. Ngumiti ang mga pulis saakin bago ako tumango at saka pumasok sa loob ng station. Alam na nila kung sino ang sinisilip ko.
Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Alessandro. Agad naman iyong bumukas. Ngumiti ako ng makita siya at saka siya niyakap.
" I missed you.." Sambit ni Alessandro sa aking tainga. Napangiti ako sa sinabi niya.
" I missed you too. May pagkain sa labas, saglitan lang ako, baka hinahanap na ako ni mama." Bumusangot siya sa aking harapan. Hinawakan ko ang braso niya para aluin ito. Kinagat ko ang aking labi bago siya hinintay na magsalita.
" Really? I badly want to hug you right now, dito ka muna--"
" Alessandro, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon natin? Magkikita lang tayo kapag nautusan ako ng pumunta dito, o kaya naman tatakas ako.." Nag igting ang panga niya sa sinabi ko. Agad akong umiwas ng tingin. Sa tingin ko, magsasawa din naman kami sa ginagawa naming ito. Pero habang hindi pa, ieenjoy muna namin ang bawat isa at mga katarantaduhan namin.
" Are you tired? Pagod ka na ba sa sitwasyon natin?" Napalunok ako sa sinabi niya. Ako naman ngayon ang umiwas ng tingin sa kaniya. Hinigpitan ko ang kapit ng kamay ko sa mga balikat nito.
" H- hindi, naisip ko lang ang bagay na iyon, n-nagalit ba kita?" Isinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg. Nararamdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking batok. Hawak ng mga kamay niya ang aking beywang. Pumikit naman ako para damahin ang kaniyang yakap.
" Wag mo na ulit itatanong saakin iyan, hindi ako mapapagod, Zacharielle. Hindi ako susuko, saakin ka habang buhay." Napangiti ako sa sinabi niya. Sana nga, sana ako na ang makasama mo habang buhay, sana ayos lang ang lahat. Sana lahat ng pangarap nating dalawa, saakin mo matutupad, at hindi sa iba.
Sana.
" Aalis na ako baka hinahanap na ako--"
" Sachzna! Nasa bahay ang mga Villareal!"

BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...