50

39 6 3
                                    

" Really ma'am?" Natatawang sambit ng mga models ng breaktime namin. Hindi sila makapaniwala sa kinuwento ko.

" Yes, dati gusto kong maging pulis, but now, I'm a supermodel, napakalayo diba?" Sambit ko. Tumango ang ilan, ang ilan naman ay ngumiti lang, para silang mga bata na naghihintay ng sasabihin ko.

" Paano po kayo naging model ma'am? May tumulong po ba sa inyo?" Isang tanong na lagi kong ikaka proud kapag sasagutin ko.

" Pangarap ko din talagang maging model, kaya nagsipag ako na mag train sa sarili ko, araw araw, tapos may naka discover saakin, that's why I am here." Napapabilog ang bibig nila sa sinabi ko. Hinihintay pa namin ang iba, pati si Alessandro ay wala pa. Kaya hindi pa kami makapag umpisa. Sa mga susunod na linggo, sa mismong venue na kami magpa practice.

" Anyways, kamusta naman ang mga paa ninyo? May nilalagay ba kayong ointment for that?" Umiling ang iba, ang iba naman ay tumango tango. Nakita ng mata ko si Alessandro na papasok na ng training room, agad akong tumayo at hindi na hinintay pa ang mga sagot nila. Ginawa kong busy ang aking sarili, habang kausap niya ang mga models.

" Ayos naman po kami sir, sobrang bait po ni Ms. Olivencia." Napalingon ako sa sinabi nilang iyon. Ngumiti ako sa kanila bago ako naging busy sa paglalagay ng aking make up. Hind naman nagsasalita ang iba dahil baka nahihiya.

Nakaramdam ako ng tao sa aking likod, kaya alam kong si Alessandro ito. Tumabi siya saakin, kaya lang, lumayo ako.

" Magkano ba ang bayad para makalapit ako sayo?" May diin niyang tanong saakin. Agad akong napalingon sa sinabi niya. Nginitian ko lang siya bago ako ulit bumalik sa pagme make up.

" Depende kung gaano ka kalapit saakin." Totoong pagsagot ko. Tinignan niya ang mga models at saka siya nagsalita. Kahit si Hyacinth ay tinignan niya din.

" Kindly leave us for a while?"

" Yes sir."

Nakita sa salamin na unti unti silang naglakad palabas ng kwartong ito. Tumango lang si Hyacinth saakin bago niya tuluyang sinara ang pintuan ng training room. Dalawa nalang kami na narito.

Patuloy lang ako sa paglagay ng make up, hindi naman siya nagsasalita, hindi dapat ako ang mag first move.

" Sabihin mo saakin kung magkano ang babayaran ko, para makalapit na ako sayo." Binaba ko ang make up ko ng matapos akong mag retouch. Tumayo ako. Tumayo din siya.

" Isang milyon ang bayad saakin kapag ganiyan kalapit sayo--"

" 5 million will do? I just want to hug you." Natigil ako sa sinabi niya. Just for a hug? Kaya niya akong bayaran ng limang milyon? Hindi ako makapaniwala sa galaw ng mga Villareal.

Umiling ako.

" Hindi ko kailangan ng limang milyon, hindi din naman ako papayag na mahawakan mo ako." Sambit ko sa masungit na boses. Agad siyang nagiwas ng tingin. Ngumisi ako. Nilibot ko ang aking paningin sa buong training room, para hindi masalubong ng mga mata ko ang kaniya. Mas lalo siyang lumapit saakin. Hindi naman ako gumalaw.

Mas malapit, mas malaking halaga.

" 10 million.--"

" Still a no." Sambit ko. Halos magkakadikit na ang aming katawan. Ngunit hindi parin ako gumagalaw. Hinapit niya ang aking beywang. Nahawakan ko ang magkabila niyang braso dahil doon. Napangisi siya.

" 100 million--"

" Fuck it, let me go!" Sinusuntok ko ang kaniyang dibdib, ngunit hindi niya ako binibitawan. Halos hindi na ako makahinga sa paghawak niya sa akin, parang ayaw niya akong pakawalan. Shit.

Hindi ko nanaman mapigilan ang nararamdaman kong galit. Ilang minuto lang ay baka bumagsak nanaman ang mga luha ko.

" Just let me touch you, bakit ba mahirap yon para sayo--"

" Sinabi kong wag mo akong hahawakan dahil sa oras na ginawa mo yan, babalik lahat ng sakit na dinulot mo noon saakin, at ayaw ko ng mangyari pa ulit iyon, kaya bitawan mo na ako." Nangilid ang mga luha ko. Damn. Kahit kailan talaga ay napaka lambot ko para sa lalaki na ito. Na kahit sinaktan niya na ako, gustong gusto ko parin siya.

" Hindi kita sasaktan, I just want to hug you, sweetheart, please, I missed you." Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinambit niya. That endearment. That sweet voice. That move. Lahat, bumalik lahat.

Halos malaglag ang puso ko ng sambitin niya iyon, tangina. Huwag ka namang ganyan, Alessandro. Marupok ako.

" Hindi ko kailangan ng yakap mo, kung gusto mo ng kayakap, maraming modelo sa labas, sila nalang." He chuckled. Nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo. Tumingin siya ng mataman sa aking mata. Hindi niya padin binibitawan ang aking beywang. Pero habang tumatagal, parang ayaw ko ng bitawan niya ang aking mga beywang.

Mahal parin ba kita, Alessandro?

" I understand you, Sweetheart. I really do. But please, just let me do it. Let me feel you again. Let me touch you. I badly misses you." Hindi ako nakaimik. Umiwas ako ng tingin. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking beywang. Kita ang mga ugat niya sa kamay habang hawak niya ang beywang ko. Halatang napaka higpit niyon.

" Hindi, huwa--"

Hindi niya ako pinatapos ng agad niya akong niyakap. Mahigpit. Sobrang higpit na pati ang pintig ng puso ng isat isa ay nararamdaman namin. Napakabilis ng tibok ng puso ni Alessandro. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Nakakaadik ang pabango niya. Iyon padin ang pabango na ginagamit niya, 3 years ago.

Napapikit ako. Ninamnam ko ang bawat segundo na nakayakap siy saakin. Namiss kong yakapin siya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.

" Sorry for leaving you, sorry for hurting you. Sorry if you think that I left you because of Vynzyll and that fucking marriage. I'm sorry,baby. I'm sorry..." Tumulo ang mga luha ko. Nakita kong tumulo ang ilang patak nito sa damit ni Alessandro. Ng maramdaman niya iyon at agad siyang kumalas sa yakap. Namungay ang mga mata niya ng makita ako.

" Kahit na ilang beses kang humingi ng patawad, hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo saakin. Gusto kong bumalik ka, pero mas gusto ng puso ko na saktan ka, at iparamdam sayo ang ginawa mo noon  sakin."

" Then hurt me, hurt me as you can. Saktan mo ako, tatanggapin ko, Zacharielle. Saktan mo ako. Pero sa oras na makaahon ako sa sakit, hinding hindi na kita papakawalan pa."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon