02

118 48 8
                                    

" Hindi naman ata masyadong kagwapuhan iyon, hindi ko nga nakita ang mukha, naka mask, tinatago, baka naman bungi  siya?" Pang aasar ko sa pinsan ko. May isang malaking kubo kami dito, presko ang hangin, kaya nagtitipon kami ng pinsan ko dito para gumawa ng mga kailangan namin para sa paaralan.

" Nung isang araw, nagtanggal ng mask, ang labi? Nako! Napaka ganda ng hugis, pati ang ilong, matangos." Tumango ako. Busy kaming lahat sa pag aayos ng aming mga projects, mas mahirap nga lang saakin, kung pwede lang na grade 5 nalang ako ulit.

" Ano po palang kukunin mong trabaho ate sachzna? Magtatapos ka na po diba?" Tanong ng pinsan kong grade 4. Tumingin ako sa kaniya bago ako nagsulat.

" Magpupulis ako.." Sambit ko. Matagal ko ng pinagisipan iyan, hinihintay ko nga ang araw na magbabago ang isip ko, pero hindi. Napaka delikado kasi niyon, pero astig naman.

" Ah, parang yung kay sir villareal? Yung pulis na naka duty diyan, ang galing kaya non." Tumango tango sila habang pinag uusapan ang sikat na pulis na iyan.

" Bakit ba gustong gusto niyo yan ha? Hindi nga kayo pinapansin non e." Kumusilap ako, totoo naman, snobber daw ang pulis na iyon, lagi na ngang high blood tuwing umaga, kahit na pasikat palang ang araw, sumisigaw na siya.

" Kasi nga magaling siyang pulis ate, takot nga ang iba sa kaniya, at saka minsan, yung ibang mga may sasakyan, natatakot na daw dumaan dito." Natigil ako sa pagsusulat, kahit bata ito ay papatulan ko ang mga sinabi niya.

" Aba, bakit siya kakatakutan ng tao ha? Diyos ba yon? Tingin ko nga mali ang ginagawa niya, napaka sungit!" Reklamo ko. Next week, wala na kaming pasok, dahil mag babagong taon. Natapos ang pasko, tapos ngayon, bagong taon na.

" May naisip nga ang mga pinsan natin sa bagong taon, sabi po kasi nila, siya daw ang naka duty sa araw na iyon, magpa picture daw po tayo sa kaniya." Kinikilig na sabi ng pinsan ko. Ang bata bata kinikilig, kailan kaya ako makaranas niyan? Naunahan pa ako.

" Gumawa na kayo ng mga gagawin niyo, tanungin niyo ako kapag may hindi kayo alam ha?"

Nakarating si mama ng alas singko ng hapon, ganon naman talaga ang uwi niya, kaya lang kapag masyadong marami ang client nila, napapa gabi ang uwi niya.

" Anak, nakita mo ba yung pulis sa labas kanina? Ang gwapo ano?" Pangungutya ni mama. Nakahanda na rin pala ang mga pagkain at panghanda namin sa bagong taon. Nakaka excite.

" Nakita ko po siya, pero hindi ko nakita ang mukha ng masyado." Kumakain na kami. Dalawa nalang kami ni mama sa buhay, ang papa ko, iniwan kami, kaya dalawa lang kami ni mama, wala din akong mga kapatid.

" Kamusta pala ang grado mo anak? Kapag nakapasa ka ng board exams ay magte training ka diba? Ganon ba iyon?" Tumango ako, uminom muna ako ng tubig bago sinagot si mama.

" Opo ma, naghahanap na nga po ako ng makakapag bigay saakin ng libreng mga kailangan para sa training, libo daw po ang gastos doon, sabi nila." Mahirap ang pagpupulis oo, pero iyon ang gusto ng puso ko kaya susundin ko.

" Kailangan mo talagang maghanap anak, kapos tayo sa pera, at hindi ko kaagad maibibigay ang mga gusto mo at kailangan sa pagpasok." Paliwanag ni mama. Ngumiti ako. Naiintindihan ko naman ang estado ng buhay namin. Hindi kami mahirap, hindi din kami mayaman, yung sakto lang, nakakakain  kami ng tatlong beses sa isang araw at naipapatapos namin ang araw namin ng masaya.

" Alam ko naman po ma, kapag naging pulis na po ako, ibabalik ko po sa inyo lahat ng pagod ninyo." Ngumiti si mama. Ako ngayon ang maghuhugas ng plato, kahit araw araw ko namang ginagawa iyon. May mga iba din akong ginagawa sa araw araw ko. Nagsusulat ako ng kanta, sumasayaw at saka nag aaral pano maglakad bilang isang model.

" Malapit na ang bagong taon, paniguradong magtitipon tipon nanaman tayong lahat sa labas non." Nakaugalian na namin na gawin iyon. Maglalagay kami ng mahabang lamesa sa may bakanteng lote at saka doon kami magsasalo salo.

" Kaya nga po ma, excited na ang mga bata para doon." Ilang minuto natapos akong maghugas ng plato, niligpit ko na din at saka nag toothbrush ako. Humiga na ako sa kama ko. Magkahiwalay kasi kami ni mama ng kwarto.

" Sachzna!" Tawag ng kaibigan ko sa telepono. Sinagot ko naman iyon kaagad.

" Pwede ba kaming pumunta diyan sa inyo sa bagong taon? O kahit pagtapos non, papaalam kami." Napaisip ako. Gabi na kasi kapag sasalubungin namin ang bagong taon, baka kasi mapagalitan sila.

" Pagkatapos nalang siguro, baka kasi mapagalitan kayo ng mga magulang ninyo." Nanahimik ang kabilang linya. Dati magkakasama kami bago magbagong taon, kaya lang ngayon, hindi kami nakapag plano.

" Sayang naman, sige, pagtapos nalang, baka kasi may outing din kami e, bye!"

" Bye!"

Sumilip ako sa bintana, hindi ako mapakali, yung lalaki na iyon, yung pulis, anong meron sa kaniya at bakit gusto siya ng mga tao? Wala namang special sa kaniya a? Dahil ba villareal siya? Sikat ang pamilyang villareal dahil sa yaman nila. Pero hindi ko pa alam kung anong mga trabaho nila at bakit sila kumikita ng malaki.

" Anak!" Nagulat ako sa tawag ni mama. Lumabas ako ng kwarto at saka kinatok ang kaniya.

" Bakit po?" Tinignan niya ako.

" May kumakatok ata sa labas. Tignan mo nga, kunin mo ang pamatpat bago mo buksan, baka kung sino yan." Tumango ako. Kinuha ko ang tubo na nasa gilid ng pintuan.

" Sino po sil-?

" Good evening, Ma'am." Nanlaki ang mata ko. Isang lalaki galing sa kung saan ang nandito sa harapan ko. At may dalang pitchel, anong gagawin niya doon?

" Ano pong kailangan nila?" Tumingin siya sa pitchel na dala niya at saka siya ngumiti saakin.

" Pwede bang makahingi ng tubig? Nagkulang kasi ang tubig namin doon sa station, baka kasi magalit si Sir Villareal kapag naabutan niyang walang tubig." Tumango ako, kinuha ko ang pitchel niya. Hindi naman kasi pwedeng magpapasok ng iba sa bahay lalo kapag gabi na. Ako nalang ang kumuha. Sa mineral water, kasi nakakahiya naman kapag galing sa gripo.

" Salamat--"

" Paki bilis!" Nanlaki ang mata ko sa isang sigaw. Galing iyon doon sa pulis.

" Sungit.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon