14

46 19 10
                                    

" Anong kailangan mo, Alessandro?" Malumanay na sambit ko sa kaniya. Nakatingin ako sa mga mata niya.

" Saan ka galing?" Sambit niya. Agad akong ngumiti. Pilyang ngiti ang ginawa ko. Umiling ako bago tumawa.

" Secret, basta masaya doon, bakit ba?" Inosente kong tanong. Umiwas siya ng tingin bago nag igting ang panga. Nasa dibdib niya nanaman at nakasukbit ang baril niya.

" I just want to know, Ms. Zacharielle, where have you been?" Medyo may diin na tanong niya. Tinignan ko ang laruan na hawak ko. Napalingon din siya doon ngunit agad siyang umiwas ng tingin.

" Gumawa kami ng project, napagod ako ng husto, kailangan ko ng magpahinga--"

" Can i talk to you? In the office." Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako kumibo. Hinila niya ng walang paalam ang aking kamay. Naglakad kami papasok sa opisinang maliit na andito.

" B-bakit kailangan mo akong kausapin dito? Pwede namang doon na lang kanina sa labas." Masungit na sambit ko. Walang tao dito at dalawa lang kami. Nakita nila kaming pumasok dito pero hindi naman nila kami sinundan pa.

" Kung gumawa ka ng project, bakit may hawak kang manika? Are you a baby?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Siguro ay high blood ito sa trabaho kaya ganito? Bigla bigla nalang magsusungit ampota.

" Anong baby? Pumasyal kami sa perya, napanalo ito ni Dashiell, ibinigay niya saakin." Paliwanag ko. Para tuloy kaming mag jowa na nagaaway dahil sa isang lalaki. Ew.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Umiwas ako ng tingin.

" Project pero ganyan ang suot? Dapat ay nagpambahay ka--"

" Ito ang uso ngayon sa mga kabataan, please naman, parang kang tanga, Alessandro." Diretsahang sambit ko dito. Nagigting ang panga niya sa sinabi ko. Kinuha niya ang teddy bear at saka inilapag iyon sa lamesang nandirito.

Lumapit siya saakin.

" Watch your mouth, Zacharielle, kahapon ka pa." Galit na sambit niya. Kinuha ko ang teddy bear at saka siya tinignan ng masama.

" Alam mo? Hindi ko alam kung ayos kalang ba talaga o ano, minsan ang lumanay mo saakin, minsan ang sungit, minsan naman napaka sweet mo, baliw ka ba?" Iritado kong sambit. Kaunti nalang ay aalis na talaga ako dito. Iniinis niya ako. Pagod akong gumawa ng project kanina, baka gusto niyang makatikim ng sampal?

" Natatakot ako, Ms. Olivencia." Agad akong napalingon sa paligid namin. Agad akong napatakbo palapit sa kaniya. Baka naman nakakakita siya ng multo? Kaya natatakot siya?

" Saan? Saan ka takot? M- may multo ka bang nakikita? Ano?" Umiwas siya ng tingin bago magigting ang panga niya. Alam kong naiinis na ito. Ng mapagtanto kong malapit na ako sa kaniya ng sobra ay agad akong dumistansiya.

" Unti unti akong nahuhulog sayo, Ms. Olivencia, at dahil doon, marami na akong kinakatakutan." Tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi niya. Agad akong napakurap kurap dahil doon.

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon