17

39 17 3
                                    

" Kasama mo pala si Sir Ocampo kahapon? Tsaka nung isang araw?" Makabuluhang tanong ng pinsan ko na may gusto kay Sir Ocampo. Tumango ako habang nagsusulat.

" Oo, nung isang araw pa, jusko. Masyado kang busy sa pag aaral mo e." Tawa ko. Madali itong maasar kaya naman maganda siyang kasama.

" Hmp! Bakit naman hindi mo sinasabi? Dapat pinipicturan mo siya kahit na wala ako." Umirap ako sa kaniya. Huminto ako sa pagsusulat ako saka siya hinarap.

" Baka isipin non, ako ang may gusto sa kaniya." Sambit ko. Umiling nalang siya at saka gumawa nalang ule ng mga assignments. Nakatingin ako sa aking papel. May narinig akong malalim na boses na nasa likod ko.

" A- alessandro?" Gulat kong sambit. Tumayo ako at saka hinila siya palabas ng compound. Nakita siya ni Ate Trisha kaya baka kung anong isipin niya. Hawak ko ang kamay niya at saka umalis kami sa loob.

" I just want to see you." Napaiwas ako ng tingin at saka kinagat ang labi ko. Binalik ko din lang ang tingin ko sa kaniya.

" May ginagawa kasi ako, hindi kita napansin, ano ba ang sasabihin mo?" Takang tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa kamay ko at saka niya hinila. May pupuntahan ata kami.

" Gusto kitang makausap, kailangan masolo kita." Hila niya parin sa aking kamay. Pumunta kami sa may palayan. Umupo kami sa may mga upuan na kahoy doon.

" Ano ba iyon? Gumagawa ako ng assignments ko." Kinuha niya ang aking mukha at saka inilapit sa kaniya. Nanlalaki man ang mata ko, pinilit kong maging kalmado.

" Ms. Olivencia, I- i love you." Agad kong hinawi ang kaniyang kamay sa aking mukha. Umiwas ako ng tingin at saka umayos ng upo. Umubo pa ako.

" Alessandro, tumigil ka." Diretsahang sambit ko. Tumayo ako at saka hinarap siya.

" Hindi ko mapigilan, hindi ko kaya, ano ang gagawin ko?" Sambit niya. Agad akong napahawak sa sentido ko. Tumayo din siya.

" Kung gusto mong iiwas iyan, huwag nalang tayong magusap, o magkita, para hindi na lalalim pa." Paliwanag ko. Binasa niya ang kaniyang labi bago siya tumingin sa akin. Wala ang baril niya sa kaniya. Nakapameywang siya sa harapan ko.

" Ganoon ba ang gusto mo?"

" O- oo." Iwas kong tingin sa kaniya. Hinigit niya ang beywang ko. Umiling ako sa kaniya. Sinusuntok ko ang kaniyang dibdib.

" Paano na ang mga training mo? H- hindi na natin itutuloy?" Sambit niya. Dahan dahan akong tumingin sa kaniya. Hinawi niya ang mga takas na buhok na nakakalat sa aking mukha.

" K- kung gusto mo, h- huwag na, para hindi ka na mahuhulog pa, Alessandro, h- huwag na lang." Iwas ko ng tingin. Kinuha niya ang aking beywang at saka ako niyakap.

" Itutuloy natin, Zacharielle. Itutuloy ko, tuturuan kita." Malumanay niyang sambit. Kumalas ako sa kaniyang yakap. Ngumiti ako at saka siya tinignan ng mapait sa kaniyang mga mata.

" Kung iyan ang gusto mo, s- sige, kailangan lang nating dumistansiya sa isa't isa." Tumango tango siya saakin. Ngumiti ako at saka tinapik ang kaniyang braso. Hinawakan niya ang kamay ko.

" Wala akong pasok bukas, susunduin kita."

" Sige."

Hindi ako mapakali habang naghuhugas ng plato. Hindi din ako makapag focus sa aking assignments. Iniisip ko ang sinabi niya saakin kanina. Napapailing nalang ako.

" Anak, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan." Sabi ni mama. Napalingon ako sa kaniya at saka umiling lang.

" Ayos lang ma, ang hirap lang ng assignments namin." Sambit ko dito. Hindi na niya ako pinansin pa at saka siya nagbalik sa ginagawa niya sa kaniyang telepono. Isang oras ang nakalipas, nakatanggap ako ng isang message.

' sachzna, start bukas ng training. Kailangan ka namin, ayos lang ba?" Basa ko sa mensahe saakin. Inaasahan ko naman talaga na isasama nila ako sa training, sa tingin ko, dito parin sa baranggay namin o doon na sa bayan namin.

' sige po, pakisabi nalang po kung anong oras." Agad na nagreply naman ang nagmessage saakin. Sinabi niyang alas diyes ng umaga ang umpisa at alas tres ng hapon matatapos. Pumayag naman ako.

" Ma, bukas po, nasa covered court ako. Maghapon po ako doon, kailangan po ako sa pagtuturo." Sabi ko kay mama habang nasa harapan niya ako. Nakatingin siya saakin.

" Sige anak, mabuti naman at diyan lang, wala rin ako bukas." Paliwanag niya. Tumango ako at saka pumasok na ako sa kwarto ko para maghanda ng gagamitin ko bukas.

Binuksan ko ang aking drawer. At kumuha ng mga susuotin. Simple lang ang susuotin ko, hindi ka naman pwedeng mag ootd, kasi nga training iyon.

Kumuha ako ng isang cargo pants at saka isang malaking damit na kulay black. Hinanda ko din ang aking puting sapatos.

" Wala ako bukas, Dashiell. Baka sa susunod na araw na tayo gagawa ng assignment ng magkasama." Paliwanag ko sa telepono ko. Tinawag niya ako sa ganitong oras. Busy parin ako sa paghahanda ng gamit ko.

" Gusto mo bang samahan kita? Sana pala sumama ako sa membership program." Tumawa ako. Inilagay ko na ang mga damit ko sa isang gilid. At saka umupo na ako sa kama ko.

" Sana nga, para naman hindi ka nabubulok diyan sa bahay mo, aral ka ng aral." Pagalit na sambit ko sa kaniya. Tumawa siya sa sinabi ko.

" Kung pwede pang humabol, hahabol ako bukas. Para naman kasama kita."

" Tumigil ka, kung sasama ka talaga, magpakita ka saakin bukas." Sambit niya. Tumatango tango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. Nakahiga na ako. Binuksan ko ang star lamp sa aking gilid.

" Okay, bukas, ayos na?"

" Oo na, goodnight."

Binaba ko na ang tawag naming dalawa. Sinuklay ko ang buhok ko. At saka nanatili ang tingin ko sa aking salamin. Napabalikwas ako ng tumunog ang aking telepono.

May tumatawag.

" Hello?" Tahimik ang kabilang linya. Hindi ako nagsalita ng ilang minuto.

" Sino po sila?" Medyo inis na sambit ko.

" Sweetheart? Are you going to sleep?" Naitapon ko ang aking telepono, at saka kinuha ko din naman. Napahawak ako sa aking sentido.

" A- Alessandro? Paano mo nalaman ang numero ko?" Takang tanong ko. Tumawa siya. Napatingin ako sa sarili ko sa aking salamin.

" Talk to you tomorrow, go to bed, i love you.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon