18

42 17 2
                                    

Maaga akong nagising. Nakakakain na ako at saka nakaligo na din. Sinuot ko na ang gray color na cargo pants ko at saka kulay black na malaking tshirt. Oversized. Sinuot ko na din ang puti kong sapatos.

" Ma, aalis na po ako, iwan niyo nalang ang susi ng bahay kay tita veronica." Sabi ko kay mama habang nagsusuklay at saka aalis na ng bahay.

" Sige anak, magiingat ka."

Nagpabango na ako at saka umalis na. Dadaan pa ako sa police station. Isasakay nanaman daw nila ako para hindi na ako mahirapan maglakad. Nakita ko si Sir Ocampo. Nagkangitian kami.

" Alessandro!" Tawag ko sa kaniya. Namataan siya ng mata ko na busy sa pag aayos ng kaniyang uniporme. Hindi niya maisuot ang butones sa bandang kamay nito. Kaya ako na ang gumawa.

" Nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Hindi ako nakapag paalam sayo na tatawag ako." Sabi niya. Tinapik ko ang kamay niya ng matapos kong ayusin ang butones niyon. Ngumiti ako sa kaniya.

" Ayos naman, alam kong puyat ka.." Asar ko dito. Naka shades kasi siya ng kulay itim. Kaya baka puyat, ayaw ipakita ang mala panda niyang mata. Natawa ako.

" Kinuha ko pala ang numero mo sa kaibigan mo noong isang araw. Gabi na ako tumawag dahil hindi ko maharap sa umaga." Tumango tango naman ako. Inalalayan niya akong tumaas sa kanilang sasakyan. May ilang pulis naman na naiwan doon sa station.

" Ayos lang, patulog na din naman ako noon." Sambit ko. Ilang minuto lang, nasa covered court na kami. Bumaba kami sa sasakyan nila.

" Magpapakita pala ako sa kanila, gusto mo bang sumama?" Tanong ko kay Alessandro. Tumingin siya sa akin, may sinabi siya kila Sir Ocampo at saka tumango tango silang dalawa.

" Tara na." Kinuha niya ang kamay ko at saka sabay kaming naglakad sa harapan. Ng makita nila kami, nagtataka  ang mga mukha nila. Hindi ko naman iyon pinansin.

" Hello po, mag start na po ba ang training? Handa na po ako." Sambit ko habang nakangiti. Tumingin siya sa logbook at saka tumingin saakin. Tinignan niya din ang mga nakaupo ng mga trainees.

" Mamaya maya pa, sach. Wala pa ang iba."

" Ah , s- sige po."

Yumuko ako ng kaunti at saka babalik uli sana sa may bandang likod kaya lang, nakita ako ng babaeng trainee na kausap ko noong isang araw pa. Kumaway siya, kaya lumapit ako sa kaniya. Nasa likod ko si Alessandro.

" Hi ate, buti naman po kasama kayo, nahihiya po talaga akong pumunta dito e." Medyo nahihiya niyang sambit habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako dito, nahihinuha  kong mga nasa 14 years old na siya. Maayos naman ang suot niya. Bagay sa pagte training namin ngayon.

" Lumapit kalang saakin kapag magte training na, ako nalang ang makakasama mo." Ngumiti siya at saka tumingin kay Alessandro.

" Sige po ate, salamat po." Nagpaalam ako na aalis na muna. Kailangan kong ihanda ang mga gagamitin sa training. Kaya naman tutulong ako mamaya. Kumuha ako ng upuan at saka umupo muna.

" I like your outfit." Napalingon ako sa sinabi ni Alessandro. Tinignan ko din ang sarili ko. Nilingon ko siya.

" Yung sayo, hindi ko bet. Araw araw mong suot iyan. Hindi mo ba nilalabhan?" Sambit ko. Tinignan niya ang uniporme niya bago niya itinaas ang kilay niya. Ops, masungit nanaman ba ito?

" May mga extra akong uniporme. Buti nalang mayroon, dapat ay hindi ako magdu duty ngayon." Medyo inis na sabi niya. Dapat nga pala ang rest day niya at aalis kami. Kaya lang, tinawag  naman kami dito. Kaya hindi kami matutuloy.

" Dahan dahan lang ang pagpisil mo sa paa ng nainjured. Kailangan maingat ang bawat galaw mo, baka kasi may problema sa loob ng katawan, baka mas lalong lumala kapag hindi ka maingat." Paliwanag ko. May umaarte sa harapan na kunwari ay napilay. Dine demo ko naman kung ano ang kailangan nilang gawin, at sila naman ang gagawa niyon mamaya.

" -- ayan, tama iyan, huwag niyo din silang gagalawin, kapag dumadaing pa, baka mas lalo niyo silang masaktan." May mga ilan na ang nakasubok na gawin ang ginawa ko. Nakakasunod naman ang iba. Yung iba naman ay nahihiya pa.

" Kapag naman nakita niyong nahimatay ang isang tao, agad niyong tignan ang pulso nila. Alam kong alam niyo na kung saan nakalagay ang mga pulso natin." Tumawa sila sa sinabi ko at saka sabay sabay na tumango. May nakahiga sa isang stretcher kung saan umaarte siyang kunwari ay nahimatay. Isa isa nanaman nilang ginawa ang sinabi ko.

" Ate, tama po ba na tumawag kami kaagad ng ambulansiya kapag may mga emergency na ganito?" Sabi ng isang trainee. Alliah ang nakalagay sa kaniyang name tag.

" Tatawag kayo kaagad ng ambulansiya kapag masyadong malala ang sitwasyon, pero kung kaya niyo namang ihandle ang aksidente na nangyari, pwede niyo naman silang galawin." Sabay sabay silang tumango. Mamaya ay kakain kami. Libre daw ang tanghalian at saka meryenda namin.

" Kapag natapos na tayo sa mga training natin. Bibigyan namin kayo ng tig iisang first aid kit at personalized iyon." Nanlaki ang mga mata nila sa narinig. Mayroon na din akong ganoon kaya naman hindi na ako nasurpresa.

" Sachzna, magkakaroon ka din noon, alam ko, dalawang taon na ang ganoon mo, baka nasira na." Tumawa ako sa sinabi ng matandang kasama ko. Lumapit ako sa kaniya at saka nilingon ang mga pulis sa likod.

" Maayos pa naman po ang akin, pero masaya po ako kapag makakatanggap po ako ulit noon." Nilingon ko ang mga gamit na ginagamit namin kanina. Kapag kakain na kami ay liligpitin na ito.

" Ate, pwede po bang magtanong?" Isang babae ang nakaagaw ng atensiyon ko. Nagmemeryenda kaming lahat. Nasa harapan parin ako. Pawisan na ang aking noo.

" Ano iyon?"

" May jowa na daw po ba kayo? Sabi ng kasama ko?" Nagtawanan sila sa nagtanong. Tinuro niya ang nagpapatanong niyon. Nagtakip siya ng mukha niya bago tapikin ang braso ng nagtanong.

" Ako? Wala pa, bakit?" Sinasabayan ko ang kanilang trip, nakikinig lang naman ang mga matatanda saamin. Normal lang naman itong pagusapan dahil sa tumatanda naming mga edad.

" Manliligaw daw po itong kasama--"

" Enough, You're sweating sweetheart, let me wipe your forehead.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon