19

46 18 4
                                    

" Alessandro, hindi mo dapat ginagawa ang mga gusto mong gawin saakin." Diretsahang sambit ko dito. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa ng makita nila ang ginawa ni Alessandro.

" Hindi mo ba ako naiintindihan? Zacharielle? Mahal kita, at gusto ko, mahalin mo din ako." Napasabunot ako sa aking buhok. Umiling ako. Akala ko ba ay training lang ang gagawin namin, hindi ko inasahan na magtatapat siya ng ganito.

" Mas maganda palang sinusungitan mo nalang ako palagi." Pag amin ko. Umiwas siya ng tingin. Nasa silong kami ng mangga. Sa malayong parte ng station nila para hindi kami marinig.

"--- may jowa ka naman ata e, nakita ko nung isang araw, may maputing babae na nagbigay ng pagkain ninyo, niyakap ka pa nga." Matabang na sambit ko. Tumingin siya saakin. Ngumisi ako. Sabi na nga ba e.

" Nakita mo? Saan?" Inosente niyang tanong. Napapamura na ako talaga. Umirap ako sa kaniya.

" Parang sira, painosente pa, nagkatinginan nga tayo noon e." Paliwanag ko pa. Napatulala siya ng ilang segundo bago tumango at lumingon saakin.

" Si Vynzyll ba?" Sabi niya. Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman alam ang pangalan ng babaenng iyon ,kaya paano ko malalaman kung siya iyon?

" Hindi ko alam, baka jowa mo? Jowa ko yun no?, yii, kunwari selos ako." Napaiwas ako sa sinabi ko. Tumawa ko sa sinabi ko. Nakangiti siya saakin.

" Hindi ko iyon girlfriend.." Binasa ko ang aking labi bago ako makabuluhang tumingin sa kaniya. Ginulo niya ang buhok ko, agad kong hinampas ang kaniyang dibdib.

" Talaga? Baka mamaya akala nila kabit mo ako a? Hindi ako papayag doon." Tumawa siya. Mag aalas singko na kaya kailangan ko ng magluto ng kakainin namin ni mama ko. Magpapaalam na ako.

"-- Alessandro, aalis na ako, kailangan ko ng magluto ng pagkain namin--"

" Sasama ako, ayos lang ba?" Napakagat ako sa labi ko. Tinatanggal na niya ang kaniyang baril na nakasabit sa kaniya at handa ng sumama sa akin. Dahan dahan akong tumango.

" K- kung gusto mo, pero saglitan lang, baka magalit si mama kapag naabutan niya tayo." Ngumiti siya bago tumango. Dumaan muna kami sa station bago niya ibaba  ang baril niya. Nagpaalam naman siya.

Pagpasok namin sa compound, panay ang lingon nila sa amin.

" Mr. Villareal, ano po ang sadya ninyo dito?" Bungad na tanong ni Tita Janice. Agad nanlaki ang mata ng anak niyang may gusto kay Alessandro.

" Sasamahan ko po sana si--"

" Kailangan po kasi niya ng maiinom tita, sa bahay nalang po sana." Agad na singit ko sa usapan nila. Tumango naman si tita at saka hinayaan na kaming maglakad.

" Diba si Mr. Villareal iyon?"

" Bakit magkasama sila ni Sachzna?"

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon