Ganito pala
Akala ko sa mga teleserye lang ng Kathniel ko ito mapapanuod. Akala ko bihirang mangyari iyon sa tunay nabuhay.
Puro akala
Kasi totoo pala lahat ng napapanuod natin. Totoo pala na maaring mangyari sa bawat isa sa atin ang mga nasa telebisyon lang.
Kasi ganito pala. Kasi nararamdaman ko na.
Masakit pala.
Sobrang masakit pala.
Ang masakit pa, hindi mo magawang umiyak dahil inaasahan niyang masaya ka sa ibinalita niya.
Pero shet naman. Paano akong sasaya? Paano ko magaawang maging masaya kung nahuli na ang lahat para sa akin?
"Narinig mo ba ako, Charlie?" tanong sa akin ni Kristian. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan sa ibinabalita niya sa akin. Mukhang sobrang saya niya. "Kami na ulit ni Piper! Woo! Kami na ulit ng girlfriend ko!"
Sila na ulit ni Piper. Mag-boyfriend na sila ulit ng bruhang iyon.
Aray.
Pero sa kabila nitong sakit na bumabalot sa akin, sinubukan kong mag-labas ng ngiti sa aking labi. "Talaga ba? S-sabi sa iyo eh, babalik din siya sa iyo."
"Oo nga. Salamat Charlie ha? Ang laki ng itinulong mo para magkabalikan kami ni Piper. Sobrang salamat."
Tuluyan na akong tumalikod dahil parang hindi ko na mapipigilan ang nararamdaman ko.. "Congrats ulit, Kristian. Sige na, una ka na. Magpahinga ka na."
At tuluyan na akong naglakad palabas sa silong na ibinibigay ng payong ni Kristian patungo sa kawalang paghahatiran sa akin ng aking mga paa. Keber na kung umuulan. Keber na kung malakas at malamig ang hangin. Keber na sa lahat.
"Ihahatid na muna kita. Anong oras na oh. Delikado na." nakaka-ilang hakbang na ako palayo nung habulin at pigilan niya ako.
"Huwag na. Mauna ka na umuwi. Pupuntahan ko pa si Mico."
"Mico?" nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Eh pasensya na, wala na akong ibang maisip na maidadahilan para lang iwan na ako nitong lalaking ito. Gusto ko na mapag-isa. Gustong gusto ko na. "Charlie, anong oras na! May pasok pa tayong lahat bukas! Halika na't ihahatid na kita pauwi. Bukas na kayo mag-usap niyang si Mico."
Hinawakan niya ako sa braso at sinubukang hilahin pauwi. Hindi sinasadyang napalakas ang pagbawi ko ng aking braso na ikinagulat niya. "Nangako ako kay Mico na pupunta ako. Mapa-anong oras man iyan, nag-sabi akong pupunta ako. Kaya pupunta ko at wala kang magagawa dun.. Ganun kasi dapat Kristian, tinutupad dapat ang mga ipinangako."
"Pasensya na."
Napa-lingon ako sa kanya. "Sorry saan?"
"Sa hindi ko maagang pagpunta. Sorry kasi ngayong lang kita napuntahan."
Mapait na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Sus. Wala na yun. Pero sana, sa susunod, matuto kang gumamit ng cellphone. Hindi naman kasi ako maglalakad sa ulanan ngayon at pupunta ng dis-oras ng gabi kina Mico kung nag-text ka na hindi na kita dapat hintayin. Ilang oras akong naghintay Kristian kasi maayos ang usapan nating pupuntahan mo ako. Pero thank you at pumunta ka, hindi mo tuluyang sinira yung pangako mo. Sobrang late nga lang sa napag-usapang oras pero at least pumunta ka. Siguro ayos na yun."
At duon ay tuluyan ko siyang iniwan.
"Naku kang bata ka! Anong nangyari sa'yo! Halika't pumasok. Madali ka!" natatarantang bungad sa akin ni Lola Glo nung makita niya akong tahimik at tulalang naka-upo sa may gate ng bahay nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/23290739-288-k149716.jpg)