"Alam mo ba yang pinapasok mo ha, Charlie Devin?" ramdam na ramdam ko yung galit ni Mico sa akin.Well, nandito ako ngayon sa park kasama itong si Mico na kakauwi lang galing sa kanyang retreat. And obviously, pinagagalitan niya ako dahil inamin ko na at kinwento sa kanya yung mga nangyari sa akin nung wala siya.
"Hindi. Sino bang oo?" ang ganti kong tanong sa kanya. "Pero siguro nakuha ko yung point ni Kristian, oras na siguro para ako naman yung intindihin ko."
"Over the expense of someone? Kahit na masasaktan mo si Piper?"
Tinignan ko ng diretso si Mico sa mata, medyo hindi ko kasi nagustuhan yung pinopoint niya. I kinda felt offended. "So sinong gusto mo masaktan Mico? Ako nanaman ba? Kapag sacrifice, ako agad? Kapag masasaktan, Charlie Devin Laurel ba agad ang uunahin? Don't you think Mico that that is unfair?."
Hindi ko intensyong sabihin iyon kay Mico, alam kong wala siyang kasalanan at naiintindihan ko naman siya. Pero ewan ko eh, parang hindi ko na nagugustuhan na lagi akong dapat magparaya para hindi lang makasakit.
Nagulat sa naging reaksyon ko si Mico, halata namang hindi niya inaasahang yun ang isasagot ko sa kanya. Ang ginawa kong iyon ang nag-bigay ng kauna unahang nakakaasiwang katahimikan nula sa aming dalawa.
Hindi pa rin kami nag-iimikan ni Mico, halata yung pag-sisisi niya sa mga ikinikilos niya. Laging parang may sasabihin pero wala naman pala. Naaaning na 'to siguro.
Nakikipag-usap ako kay Kristian sa cellphone, pinapupunta ko para sila mismo ni Mico yung mag-usap at para dalhan na rin ako ng meryenda nung biglang may tumawag kay Mico. Napalingon ako at nakita ko si Piper na dahan dahang naglalakad papalapit sa amin. Pansin agad yung pag-simangot niya nung makita niya akong kasama ni Mico pero pinili na lang niya akong huwag pansinin.
"Kamusta retreat Mico? Namiss kita ah!" maarteng sabi nitong hinayupak na hitad na 'to. Juice colored. Ang cat tea!
Isang ngiting hindi bukal sa loob lang ang isinagot ni Mico habang naka-tingin sa akin. Akala yata nitong lalaking 'to eh saaayangin ko oras ko sa bruhang lantarang kumakalantari sa kanya.
"Samahan mo naman ako Mico oh? Nakakabagot kasi mag-gala kung ako lang kaya please? Sama ka na"
"Arte" ikinubli ko sa ubo yung sinabi kong iyon pero malakas at malinaw pala pandinig niya. De ikaw na rabbit.
Marahang inaalis ni Mico yung pagkakakapit sa braso niya nung babaeng ito. Talo pa linta sa kapit eh. "Ah eh, hindi ko pwedeng iwan si Charlie eh. Kung gusto mo Piper, samahan mo na lang kami rito."
"Bakit ba puro kayo Charlie ng Charlie? Kaasar na ha." at mas nakaka-asar ka sa pag-iinarte mong akala mo ikinagaganda mo. Leche.
So wala siyang nagawa, pinili niyang samahan kaming tumambay na ikinadismaya ko lalo. Hindi na nga lang ako nagsasalita para matahimik ang kaluluwa ko, buti talaga at may load ngayon si Kristian kaya siya na lang inaabala ko.
"Ang sweet nga ni Kristian sa akin eh, nagpapadala pa siya ng flowers." Err. Ang corny mo sa point na yan Piper. Magparinig talaga? Sana nga lang totoo yang ikinikwento niya.
May sari-sarili kaming pinagkakaabalahan nung mga oras na yun ng biglang may humahangos na lumapit sa amin. Napatingin kaming tatlo upang magulat na si Kristian pala yung lumapit, medyo pawisan at habol ang hininga.
"Babe!" naunang bati ni Piper sa kararating lang. Akma ngang hahalikan niya yung tao kaya lang napansin niya yata yung pawis sa may pisngi ni Kristian kaya unti unting lumayo. "Anong ginagawa mo rito? Tsaka ano yang hawak mo? Para sa akin ba 'yan? Aww. Ang sweet mo talaga babe."
Kaya nga lang, nabasag siya ni Kristian nung kahit alin man sa sinabi niya ay hindi pinansin nung lalaki. Lumapit sa akin si Kristian at iniabot yung dala niya, isang box ng donuts. "Oh. Ta! Mahal pala yang Krispy Kreme na 'yan. Ayos ka ha."
Ohmygosh. Ang gandaaaaaaa ko! Mantakin niyo, jinoke ko lang naman si Kristian na dalhan ako ng Krispy Kreme kanina tapos meron talaga nga siyang dala! Kakilig!
Habang ako'y malugod na tinanggap yung dala ni Kristian, ikinalaki iyon ng mata ni Piper na naningkit rin hindi kalaunan. Mas naningkit pa ang mga mata niyang iyon nung piliin ni Kristian na tabihan ako sa upuan. Ako na maganda.
Ramdam na ramdam ko ang ikinukubling galit at inis para sa akin ni Piper. Kitang kita ko iyon kada papabor sa akin ang nga gagawin ni Mico man o ni Kristian. Natatawa na nga lang ako sa mga nakikita ko eh.
Ilang oras kaming nanatili sa ganuong sitwasyon hanggang sa magkasabay ang pag-tawag ng kalikasan kina Mico at Kristian.
Tahimik at maayos kong kinakain yung donuts na dala ni Kristian nung matawag ng napakatalim na tingin ni Piper ang aking atensyon. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong pakiramdam, Charlie? Ang sweet ng boyfriend ko 'no?"
"Alam ko. Baka nalilimutan mong bago kayo nagkabalikan eh naging kam rin muna?" nakakatawa ang reaksyon ni Piper. Hindi na niya mapigilan yung galit niya sa akin. Hayy. "Eh ikaw Piper? Kamusta yung pakiramdam na ikaw nga yung syota pero hindi ka naman pinapansin? Sarap ba?"
"Masyado kang kumpinyansa sa sarili mo, Charlie. Ngayon lang iyan, sinasabi ko sa'yo"
Tinaasan ko siya ng kilay sabay bigay ng isang nakakalokong ngiti. "Sigurado ka Piper? Gusto mong makipag-pustahan sa akin tungkol diyan?"
Nahalata kong bahagyang nag-bago ang emosyon nitong taong nasa harap ko. Hindi na siya ganuon kabilib sa mga pinaniniwalaan niya.
Tuluyan akong natapos kumain, aabay nun ay ang tuluyan kong pag-tayo. "Sinabi ko na sa'yo Piper, ang pagkaka-ayos namin ni Kristian ay simula pa lang. Pagsisisihan mong nagkabati kaming dalawa."
"Ngayon pa lang mag-handa ka na dahil baka balang araw, mawalan nanaman si Kristian sa'yo. Kapitan mo na siyang maigi."
![](https://img.wattpad.com/cover/23290739-288-k149716.jpg)