Chapter 29: The Intervention of Fate

6.1K 217 5
                                    

TyraSays: Hi guys! This will be very very brief. I just want to ask lang for your patience, ayaw kasing tanggapin ni wattpad mobile app yung editing na ginagawa ko (either ayaw tanggapin or hindi ko lang naprprocess talaga ng tama). So ayun, patience lang guys. Thaaaaaaaaanky! :)

--------------------------------------------------





"Kaya ko 'to."




"Kaya ko 'to."



"Kaya ko 'to"




Kanina pa ako wala sa sarili.


Kanina pa ako nag-aatubili.


Kanina ko pa gustong magpa-lamon sa lupa at mawala na lang na parang bula.


Nakakainis naman kasi eh! Kahit anong gawin kong pangungumbinsi sa sarili ko na kakayanin ko ito, hindi pa rin talaga eh.


Kinakain na ng kaba at nerbyos ang lahat ng nasa loob ko ngayon.


"Ano 'to? Tatayo ka na lang diyan buong araw?" bumalik ako sa realidad ng marinig iyon. Agad nakuha ng isang gwardya ang paningin ko.

No choice. Kailangan ko na talagang pumasok dahil ang sama na talaga ng tingin nung gwardyang ito sa akin, akala niya yata pag-iinteresan ko ang eskwelahang pinag-trtrabahuan niya. Tss.

Binigyan ko ng huling tingin ang pangalan ng eskwelahang papasukan ko ngayon bago bumuntong hininga at tinahak ang daan papasok.

I am back San Jose High School.


Hindi nga lang bilang isang estudyante.



Babalik ako bilang isang tagapamahagi ng kaalaman, taga-hinang ng kaisipan. Babalik ako bilang isang teacher.


Paano nangyari yun? Oh heto ang throwback kwento.

{ Flashback starts here }

"Hayy. Kung kasing talino mo lang talaga ako labs..." Asar naman 'tong si Louie eh. Pa-ulit ulit na lang.

Results day kasi ngayon. Ngayon namin malalaman kung ilan yung nakuha namin, katatapos lang kasi namin mag-exams last week. Syempre excited na kami kung ano yung napala ng pagpupuyat namin kaka-aral ng mga naituro na sa amin.

At kaya ganyan ngayon si Louie.

Lilinawin ko lang, pasado naman si Louie sa lahat ng in-exam namin eh. Ewan ko nga lang ba kung bakit ganito ngayon ito umasta. Parang sinapian ng kung sino eh.

"Ano bang ikinagaganyan mo Louie? Pasado ka naman ah."

Humalukipkip na parang bata itong kausap ko. "Pero tignan mo nga iyang grades mo! Lahat lagpas 90! Yung natatangi kong 90, Values Education lang!"

Aaaaah. Gets na. Naiingit pala ang lolo mo. Tss Tinawanan ko na lang siya dahil sa babaw ng rason niya. Sandali niya akong sinamaan ng tingin pero inalis rin niya agad nung taasan ko siya ng kilay. Takot sa akin 'to eh. Haha

Dahil hayahay kami lagi kapag resulta day, buong araw lang akong nakipagkulitan kay Louie. Nakakatamad kasing kausapin yung iba naming classmate, gumagawa lang ng paraan kasi para makasagap ng hottest tsismis mula sa akin. Tsaka ang saya kaya kasama ni Louie, abnormal kasi eh. Hahaha

Panandaliang nahinto kami sa panunuod ng pelikula sa cellphone ni Louie nung biglang may estudyanteng tumapat sa amin. Mukha siyang first year. Bukod kasi sa hindi naman katangkaran yung bata, halatang halata mo sa kanyang nahihiya siya. Ang cuuuuute ng mga ganyang klase ng first years, aliw! Haha

"jabevkdbdjdksnnsnsksmm" napa-kunot yung noo namin ni Louie. Hindi kasi talaga namin narinig yung sinabi niya. O baka naman napalakas lang ng bahagya yung pagkausap niya sa sarili niya kaya akala namin kinakausap niya kami?

"May kailangan ka ba sa amin?" tinapat na ni Louie yung bata. Wala naman kadi talagang mapapala kung hindi pa namin siya tatanungin eh.

Tumingin sa akin yung first year saka tumango ng marahan. "Pinapatawag ka po ni principal."

Hindi pa tuluyang pumapasok sa akin yung sinabi niya eh bigla na agad nagtatakbo yung bata palayo sa amin. Medyo OA diya dun friends 'di ba?

Pero si principal? Hinahanap ako? Antrip kaya nun? Wala naman akong matandaang kasalanang nagawa ko ah. Bigla naman tuloy akong kinabahan dun.

Nang makapasok ako sa principal's office, nakita ko si principal na abalang nakikipag-usap sa isang may edad ng lalaki. Pamilyar nga yung lalaki eh, parang nakita ko na siya one time. Hindi ko lang sure kung saan. Weird. Nung makita ako ni principal, nginitian niya muna ako bago pinaupo katapat nung kausap niya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Charlie. Kaya kita pinatawag ngayon ay dahil may hihilingin kami sa iyo."

Medyo tumindi yung kabang nararamdaman ko nung mga oras na yun. Ba't ba kasi ang pormal pormal ngayon ni principal kausap, naiilang ako.

"A-ano po yun?"

"Babalik kang San Jose Hugh School, Charlie."

Nabigla ako. San Jose High School? Anong gagawin ko run? "Bakit po?"

"May teacher kasi kaming naka-leave for 2 weeks. Tapos naisip ko na mukhang magandang idea kung ang magtuturo sa mga estudyante ko ay kaedaran nila para mas lalo silang matuto." medyo napa-taas ang kilay ko nung biglang sumingit sa usapan yung may edad na lalaki sa tapat ko. Bahagya siyang natawa bago inialok sa akin ang kamay niya. "Ako nga pala si Jess Salvador, principal ng San Jose High School."

Bigla namang umurong ang lahat sa akin nung magpakilala siya. Kaya pala pamilyar, nakita ko na pala utong si Principal Salvador noon. Hindi ko lang naalala kasi hindi ko naman siya nakausap.

"At ikaw ang magtuturo sa maiiwanang klase ng gurong tinutukoy ni Jess, Charlie. Magiging student teacher ka muna for two weeks."

{ Flashback ends here }

Oh ano? Malinaw na? Ang weird ano? Mga naiisip talaga ng mga may edad na oh. Tsss

Kasalukuyang hinahatid na ako ni Principal Salvador sa unang klaseng tuturuan ko. Nga pala, Araling Panlipunan pala ituturo ko.

"Dito ka muna Charlie ha? Kakausapin ko muna sila tapos tatawagin na lang kuta kapag magpapakilala ka na." bilin ni principal na tinanguan ko nalang.

Ayaw gumana ng tama ng sistema ko. Sobra pa sa sobrang sobra ang kabang dinarama ko. Bwisit naman kasi, bakit ko nga ba naisipang pumayag na gawin ito. Paano na lang kung may makakilala aa akin dito? Paano na lang kung makasalubong ko sa hallway yung mga naging kaklase namin nuon? Paano na lang?

Pero paano na ako kung mas lalaki ang pagkakataon ngayong makita ko siya?

Wala na akong napansing iba bukod sa takot, kaba at nerbyos na magkakaaamang naninirahan ngayon sa dibdib ko. Ewan ko nga kung nasaang parte na ako ng San Jose, basta ang alam ko lang nasa tapat na ako ng una kong klase.


"Tara na? Gusto ka na nila makilala." kung hindi lang siguro principal itong si Sir Salvador, nabungangaan ko na ito. Ngiting ngiti pa, para namang may maganda sa mga mangyayari. Hindi ba niya nakikuta na pinapatay na ako ng kaba ko dito? Tss

Naka-tungo akong sumunod kay sir. "Class, siya ang panandaliang magtuturo sa inyo. Ayusin niyo pakikitungo niyo ha?"

Narinig ko ang pag-sangayon nung mga tuturuan ko sa bilin ni sir. Tapos nun ay sa akin na siya bumaling, sinabigan niya akong galingan ko raw. Ilang sandali pa ay ako na lang ang mag-isa ang nakatayo sa harapan.

Bumunot muna akong isang malalim na hininga bago sila harapin. "Good Morning! I am Charlie......"


Tila nakain ko ang mga salitang dapat na isusunod ko.


Kinamay na itlog ng manok naman oh!


BAKIT SA MISMONG KLASE JUNG SAAN AKO NAGING ESTUDYANTE AKO MAGTUTURO?




BAKIT SA KLASE PA NI KRISTIAN?!

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon