Chapter 36: Flaunt it!

7K 238 14
                                    

TyraSays: Hi guys! Muli ay nagpapasalamat ako sa mainit na suporta niyo sa mga gawa ko. Thank you sa votes and comments na talagang nakakagaan sa pakiramdam. Seryoso. Kaya sana patuloy lang sa support ha? Thankies!

By the way, the overnight swimming scene will be of multiple parts. :)

❤Tyra:*

---------------------------------------




"Sinasabi ko sa'yo Charlie Devin, yung mga ibinilin ko sa'yong bata ka." pang-ilang beses na nga bang ipinaalala sa akin 'to ni tatay? Mahigit pito na yata. Ah! Tama! Pang-siyam niya na'to ngayon.

Ang dami na 'no? Ganyan kasi talaga si tatay pag-dating sa mga bagay na nangyayari sa gabi. Hindi talaga siya napapakali kapag alam niyang may mga okasyong kinakailangan kong manatili sa labas kahit gabi na.

Ngayon ay tinutulungan ako ni tatay para sa mga dadalhin ko sa overnight mamaya. Siya pa nga namili ng susuotin kong pang-langoy eh.

Pero bago nangyari ang mga ito ay pahirapan ako sa pagpapaalam kay tatay. Unang rinig pa lang niya dun sa salitang "overnight" nung una akong nag-paalam ay agad na niya akong hindi pinayagan. Inaasahan ko na rin yun kay tatay, kung gaano kasi kaluwag sa akin yang kapag may araw pa, ganuon naman siya kahigpit sa akin kapag nag-simula ng dumilim ang kalangitan.

Todo todo ang pangungumbinsing ginawa ko kay tatay. Kesehodang manuyo ang mga malalambot kong kamay sa kahuhugas ng mga plato namin sa loob ng isang linggo ay ayos lang, makapunta lang dun sa farewell party na inihanda nung mga estudyante ko. Nakakahiya rin naman kasing pinagod ko yung mga tao sa paghahanda tapos ita-talkshit ko lang.

At yun ang nagpabago sa isip ni tatay, nung malaman niya na pinaghandaan ako ng mga tinuruan ko. Madali rin kasing kausap itong si tatay, papayagan ka naman niya kapag valid reason mo. Eh hindi pa ba naman valid yung may isang grupo ng mga estudyante ang nagpakapagod mag-laan ng oras at pera para lang bigyan ako ng farewell party?

"Opo tatay kong gwapo, hindi ko nakakalimutan yung mga bilin niyo." sabi ko habang isinisiksik na sa bag yung mga dadalhin ko. Huminto muna ako panandalian para harapin si tatay. "Bawal mag-yosi, bawal uminom, huwag akong makipag-away, kapag may nag-aaway na huwag ng sumali, huwag lalangoy sa malalim, huwag tatakbo takbo, at higit sa lahat, huwag makikipag-sex"

Medyo over sa rules si tatay, lalo dun sa huwag makikipag-sex part pero tinanggap ko yun, wala rin naman kasi akong balak gumawa ng hindi ko magugustuhan mamaya eh. Tumango tango naman si tatay, tanda ng pag-sangayon niya sa mga ni-recite kong bilin niya. Muli siyang lumapit sa akin para mag-abot ng pera, yung ipang-eentrance ko mamaya sa resort.

"Mag-iingat ka dun Charlie ha? Kung may mangyari man, mag-text ka kaagad sa akin. Kuha?" pahuling bilin sa akin ni tatay na tinanguan ko naman bago niya ako ihatid sa maghihintay na tricycle sa labas ng bahay namin.

Nang makarating sa resort ay nag-bayad muna ako ng entrance bago tinext sina Russel na nandito na ako. Ilang minuto lang akong nag-hintay ay dumating na ng basang basang si Russel na walang ibang suot kundi yung swimming trunks niya. Ang awkward nito, I swear.

"Bakit ba kasi dito niyo naisip mag-overnight? Ang awkward!" reklamo ko dito sa lalaking 'to. Eh paano kase, sa dinami rami ng resort sa Antipolo, dito pa talaga nila napili sa resort na napaka-strikto sa dress code. Kailangan talagang swimsuit ang isusuot mo! And ohmygosh, sobrang nabagabag talaga ako nung nalaman ko yun. Muntik muntikanan na nga akong hindi tumuloy eh, hindi ko kasi bet yung magbuyangyang ng katawan, lalo in public.

Natawa si Russel sa pag-iinarte ko. "Ma'am, ays lang yan. Wala ka namang dapat ikahiya."

Whatever. Buti na lang talaga at mahal ako ni tatay. Binilhan niya ako ng special swimsuit kahapon! Yung swimsuit ni Toni Gonzaga sa This Guys Inlove with you, Mare? Ganun! One piece! Oo na, pang-babae yung pang-langoy ko. Pero mas titiisin kong mapahiya at tawanan sa pambabaeng kasuotan kesa gayahin itong sina Russel, na napaka-hapit ng maikling swimming trunks na suot. Defined na defined ang mga "bagay bagay". Ramdam kong dahil may hitsura naman ang mga lalaking ito, kanina pa sila pinagpipyestahan ng mga nilalang na hayok sa laman ng lalaki.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon