Chapter 21: New Heights Explored

8.7K 351 24
                                    

< Charlie Devin's POV >

Sa buhay at mga sa iba pang aspeto ng mundo, laging may nag-simumula kada may matatapos.

Laging may matatapos kada may mag-sisimula.

Wala namang simula lang ng simula gaya ng wala namang puro pagtatapos lang.

Balanse dapat lagi ang dalawa. Walang maka-lalamang, walang madedehado.

Gaya ngayon, may nag-simula kaya't may matatapos ngayong araw.

Ang matatapos? Ang dalawang linggong pananatili ko sa San Jose High School bilang parte nung isang grupo ng kabataang nag-aaral sa private school na inatasang pansamantalang lumipat at makipag-kaibigan sa mga estudyante ng isang pampublikong paaralan upang maipa-laganap at mapanatili ang pagkaka-pantay pantay ng bawat isang kabataan, mapa-mayaman, may kaya, o kinakapos sa buhay man.

Inaalam niyo kung alin yung nag-simula? Isipin niyo. Ibinigay ko na yung mag-tatapos, ako pa rin ba duon sa mag-sisimula? Ayos ah. Pero sige, alang alang sa maganda nating pinag-samahan, bibigyan ko kayo ng clue. Ang nag-simula ay makikita niyo bago ang kabanatang ito. Oh tama na yun, mahahalata niyo na yung sagot eh.

Heto ako ngayon, nag-iisa ngunit hindi naman nag-lalakbay sa gitna ng dilim. Ako ay mag-isang naka-upo sa harap ng lampas limampung estudyante na matamang pinanunuod ang bawat maliliit na kilos na susubukan kong gawin.

Hindi ko alam kung bakit ko ito napasok. Hindi ko alam kung bakit ko ito hinayaan. Hindi ko alam kung bakit ko ito in-oohan. Nakaka-kaba. Nakaka-nerbiyos.

Hindi ko alam kung paano nila ako napapayag para gawin itong pa-interview kuno nila sa akin. Haist

"Bakit kayo palipat lipat ng bahay?" muling usisa sa akin ni Lian, isa sa mga naging kaklase ko rito, matapos kong sagutin yung pauna niyang tanong.

"Tsismosa much, teh?" inasar ko muna siya, aliw kasi maasar 'to eh, sinasapak yung kung sinuman maka-tatabi. At hindi ako na-bigo, simapak nga niya yung katabi niya. "Hindi ko din sigurado talaga, eh. Pero ang sinasabi sa akin ni tatay, dahil daw sa trabaho niya kaya madalas kami lumipat."

Ang mga tanong ni Lian ay ilan lang sa mga napakaraming tanong na kanina ko pa sinasagot. Halo halo ang mga ibinatong tanong sa akin. May mga madadali gaya ng mga paborito't ayaw ko, mga madalas kong ginagawa, may tungkol pa nga sa tatay at mga kamag-anak ko eh.

Pero siyempre, kung may mga madadaling tanong, may mga tanong naman na halos mabulunan ako. Mga tanong na nag-dulot ng pawis sa kilikili ko, mga tanong kung bakit nangating bigla ang anit ko.

Lahat yun, pinilit kong sagutin. Lahat. Hindi nga kasi ako sanay mag-sinungaling 'di ba? Kaya kahit ayaw kong pag-usapan yung ilan sa mga natanong, sinasagot ko pa rin.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon