TyraSays: Hi guys! I am baaaaaaaaaaaaaack-la! Hahahaha Sorry kung sobrang tagal na naudlot nitong story. Please forgive me guys. Huhuhu Pero do not worry, pipilitin kong bumalik na. Hahaha Maraming salamat kasi kahit hindi pa ako nag-update ay binabasa niyo pa rin siya. Thankies! So ayun. Hahaha This isthe nxt chapter of Para-paraan, enjoy!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gusto niyong may malamang sikreto? Sige, may sasabihin ako sa inyo pero syempre may kapalit iyon. Kailangan ko ang inyong katapatan sa akin.
Oo na. Tinatanggap ko na.
Mahal ko na nga si Kristian Delos Reyes.
Ewan ko ba kung bakit sa dinami rami ng mga mamahalin ko, si Kristian pa. Eh ano nga bang meron yung bisugo na yun at nagawa niyang palitan yung mga koreanong lalaking namamahay sa puso ko?
Pero may isang bagay na alam ako.
Masaya pala ano? Masaya pala sa pakiramdam na may isang tao sa mundong ito bukod sa pamilya mo ang kayang makapag-bigay ng ganitong saya sa atin. Yung bang para kang maligayang lumulundag sa alapaap. Heaven sa feeling ba.
"Haay. Ganyan ba talaga ang epekto ng pag-ibig sa ating lahat? Natutulala na lang bigla at nalilimutan ang kasama?"
Naputol ang aking pag-iisip sa pabirong pag-drdrama nitong kasama ko. Matawa tawa lang si Mico habang inihahain yung meryendang inilibre niya sa akin ngayong hapon.
Bakit kami magkasamang dalawa? Hmm. Wala naman. Gusto ko lang siyang makita. Tyempo naman na gusto rin palang gumala ngayon ni Mico kaya heto, magkasama kami ngayon.
"So tama ako 'di ba? Mahal mo na nga si Kristian."
Sinimulan kong haluin yung spaghetti sa harapan ko. "Pa-ulit ulit lang tayo pre? Yun na nga pinupunto ko kanina pa 'di ba? Leche to."
"Sunget naman!" natatawa niyang sagot. Kita mo 'tong lalaking ito. Nakipag-kita nga mang-asar naman. Bait ano po? Psh. "Ikaw lang naman kasi Charlie eh. Ang dami mo pang inaarte arte. Super friends nga tayo 'di ba? Ramdam ko yang pagbabago ng tingin mo kay Kristian. Ay mali, hindi lang pala ikaw ang nagbago, si Kristian din."
Ayan. Ayan nanaman po siya mga kapamilya. Magsasabi nanaman siya ng mga bagay bagay na mahirap para sa aking hindi paniwalaan.
I mean,sino ba namang nilalang ng mundong ito ang hindi matutuwa na may pagbabago rin palang nararamdaman ang mga nakakasalamuha niyo sa taong ginugusto mo? Tao rin ako, bading nga lang, pero tao pa ring nakakaramdam gaya ninyo.
"Oo na lang, Mico. Oo na lang. Dami daming sinasabi eh." ang sinabi ko na lang. Hahaba pa kasi kapag nakipag-pilitan pa ako eh. Wala rin namang patutunguhan.
Habang kumakain, sinabi ko na kay Mico yung isang bagay na bigla na lang pumasok sa isipan ko kanina: ang umamin na kay Kristian.
Hindi ko rin alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa akin para gawin ang iniisip kong ito. Hindi ko din alam kung anong nakain ko paralumakas ang apog kong humarap at mag-tapat ng nararamdamana isang lalaking alam ko namang walang pag-asa.
May maaring mawala sa akin sa gagawin kong ito pero siguro naman hindi ko ito pag-sisisihan.
"Gusto mo samahan na muna kitang mag-hintay rito? Aalis rin ako agad bago siya dumating." alok sa akin ni Mico. Hayy. Ang bait talaga ng kaibigan kong ito. Swerte ko!
Gusto ko sana yung alok niya, nakaka-inip kayang mag-hintay kahit pa ilang minuto lang. Pero kasi si Kristian yung kikitain ko eh, alam niyo namang hindi maganda ang pakikitungo nun ni bisugo rito kay Mico. Bigla pang magalit yun. Kaya kahit medyo ayaw ko man, tinanggihan ko ang alok niya.
