Chapter 32: The Face Off

6.7K 255 19
                                    

"Hantayin mo ako mamaya ha? Magdadala ulit akong lunch." naka-ngiting sabi ni Mico sa akin na tinanguan ko na lang.

Isang panibagong araw. Tahimik kaming naglalakad ngayon ni Mico papunta sa klase ko, gusto niya raw kasing ihatid ako. Palihim akong natatawa sa mga nasasaksihan ko, talaga kasong nililingon pa ng mga babae at beki itong lalaking katabi ko. Si Mico naman, daig pa artista sa ganapan, hindi maalis sa mukha yung ngiti niya. Hayy. Ang weird nga naman ng mundo.

Hinayaan kong maunang pumasok si Muco ng classroom, dala naman niya kasi yung mga gamit ko kaya dapat lang na mauna na siya pumasok.

Pagkakita nila sa amin, agad na umayos na ang lahat. Tumahimik ang maiingay. Umayod ang magugulong upuan. Kumalma ang mga nagtstsismisan.

"Good morning!" masiglang bati ni Mico sa lahat na sinuklian naman nila.

Masiglang bati rin ang aking ibinahagi sa lahat. Naka-ngiti nga ako sa harapa nila na para bang walang nangyari kahapon eh.

Tahimik lang naming isinasalansan ni Mico yung mga gamit ko sa lamesa nung magtaas ng kamay si Lian, tumayo naman siya nung tanungin ko kung bakit.

"Madam Charlie, bakit niyo kami iniwan kahapon?"

Napasinghap ako sa tanong na iyan. Alam ko namang hahanapin nila ako kahapon eh, alam kong itatanong nila kung saan ako nagpunta. Handa ko namang sagutin si Lian, pero meron sa loob kong nagpipigil sa kung anuman ang sasabihin ko.

Napukaw ang atensyon ko ni Kristian. Matalim pa rin ang mga tinging ibinibigay niya sa akin. At habang nagtatagisan ang aming paningin, gusto kong maiyak.

Ang lumaban sa titigan na ganun ang tingin niya sa akin ay nakakapagpabigat ng loob. Na para bang may isang toneladang bakal ang binubuhat ng puso ko. Mahirap. Masakit.

Muling bumalik sa isipan ko ang sakit ng mga salitang binitawan niya sa harap ko. Muling bumalik yung pinagsamang sakit ng braso at damdamin ko. Gusto nanamang kumawala ng emosyon sa aking mata, hindi ko nga lang hinahayaan dahil hindi naman dapat makita ng klaseng ito ang kahinaan ko.

Na sa likod ng akala kilang lakas na mayroon ako ay may isang Charlie Devil Laurel sa loob loob ko ang nalalapit na ang pagpanaw, ganoon kahina, ganoon ka-nakakapagod.

"Emergency." ang tangi kong sabi bagi ngumiti. "Emergency kasi kaya kinailangan kong lumayo."

"Talaga? Aaaah. Akala pa namin kung ano na, may nakakita raw kasi sa'yong nagmamadaling tumakbo na para bang may tinatakbuhan ka."

Napatingin ako ng sandali kay Mico, suot pa rin niya ang walang kupas niyang ngiti. "Ay oo. Tumatakbo nga ako kahapon, kinailangan ko kasing mag-cr nun eh."

Mukha namang nakumbinsi ko ang lahat sa mga ibinigay kong dahilan. Medyo nakakakonsensya kasi kinailangan kong mag-sinungaling pero ayos na yun. Alangan namang ang ibigay kong dahilan eh kasi nasaktan ako sa sinabi ni Kristian, para namang mali yun lalo pa't kasama namin yung tao sa kwarto.

"Hi guys!" muling bati ni Mico sa lahat sabay hakbang papaharap sa kanila. Medyo ikinabigla ko iyon, ang sabi niya kasi ihahatid lang niya ako't hindi niya sila kakausapin. "May gusto lang sana akong sabihin."

Tinignan ko si Mico ng may pagkabahala, kinakabahan kasi talaga ako sa kanya ngayon. Ayaw ko nga siyang isama ngayon dito, nagpumilit lang kaya napapayag ako.

Tumingin muna sa akin si Mico bago niya ako pinalapit sa kanya at kumapit sa aking bewang. "Hindi naman namin inilihim ang relasyon namin sa inyo guys 'di ba? Alam niyo naman na ako ang boyfriend ni Charlie"

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon