Mga bulung bulungan ng mga estudyante na pilit namang pinahihinto ng mga guro, ang ingay na ito ang pumupuno sa aking tainga. Ang mga bulong ay tila nag-mukhang mga sigaw na bumibingi sa akin.
Sa kabila ng kaguluhang ito, nagawa akong maitangay ni Kristian palayo sa pulpitong kinalalagyan ko kanina papunta sa likuran ng entablado. Pagdating roon, iniupo ako ni Kristian sa isa sa mga silyang naroon at pilit kinakalma.
Tahimik ko lang na pinagmasdan si Kristian, bakas na bakas yung pag-aalala niya sa akin. Kitang kita mo na naapektuhan rin siya..
"Nasaan si tatay?"
Inabutan muna niya ako ng bote ng tubig at tinulungang mainom iyon bago niya ako sinagot. "Naiwan si tito doon sa labas, tutulong daw s'ya sa pag-alam kung paanong nailagay yun sa presentation mo."
Nag-paalam sa akin si Kristian na sisilipin lang daw muna niya si tatay sa labas at baka may nangyayari na raw. Umalis rin siya matapos ilang segundong nag-hintay sa isasagot ko.
Nang maiwang mag-isa, hindi ko maiwasang maalala muli yung nangyari sa labas. Nalala ko bigla yung pagkapahiya ko sa harap ng maraming ka-edad ko. At higit sa lahat, muli kong naalala nag isang bagay na pilit ko ng ibinabaon sa limot.
Wala sa sarili akong tumayo at nag-lakad patungo sa kawalan.
< Kristian's POV >
"Paanong hindi niyo alam?! Imposibleng hindi niyo alam!" sigaw ni Tito Carlos ang unang bumungad sa akin pagdating ko sa Guidance Office ng school ni Charlie, ito ang pinakamalapit na opisina sa gym na pribado.
Hinahayaan lang nung mga namumuno ang pagsisigaw ni Tito Carlos, ano nga ba namang maisasagot nila sa tanong ng tatay ni Charlie? Anong maisasagot nila sa isang tanong na ang tanging sagot ay ang pagigibg pabaya nila?
Bigla namang may pumasok na dalawang babaeng estudyante sa opisina kung nasaan kami kaya napunta sa kanila yung atensyon ng lahat.
Nilapitan nung guro na nagsilbing organizer ng event yunh dalawang estudyante. Ipinakilala niya iyon sa amin. "Sila nga pala yung naatasang i-operate yung laptop kanina. Baka may maitulong sila sa pag-alam kung sino ang gumawa nung nasaksihan natin."
Pinakinggan lang namin ang pag-dedeny nung dalawang babae. Halatang halata yung takot at kabanila sa mga kaharap nila habang nagpapaliwanag na wala silang sala.
Tinapos ko muna yung mga sinasabi nung dalawa bago ko napagpasyahang balikan na si Charlie. Mukha kasing matatagalan pa ang pag-alam kung sino ang nag-lagay ng video na yun sa presentation ng mahal ko.
Palabas na ako sa Guidance Office nang may narinig akong sinabi nung dalawa na nagpatigil sa akin.
"Maayos naman ho naming dinatnan si Piper nun sa AV area, siya po yung nag-bantay sandali dun sa laptop dahil may hinahanap daw kami ng adviser namin. Matawa tawa pa nga po siya kasi nahulog kami sa prank niya, hindu naman pala talaga kami hinahanap ni teacher."
Alam kong masamang mag-isip ng masama sa kapwa pero hindi ba parang masyado namang coincidental yung pangyayaring iyon? Walang ibang nag-bantay sa laptop kundi tatlong tao lang. Sa araw kung saan naisip ni Piper na mag-biro, iyon din ang araw na napakialaman ang presentation ni Charlie.
Nagkatinginan kami ng tatay ni Charlie sa narinig. Alam kong pareho na kami ng naiisip: na si Piper ang may kagagawan nito.
Hinayaan ko na si Tito Carlos ang umintindi sa mga susunod na mangyayari. Ngayon, kailangan ko munang balikan si Charlie at medyo matagal tagal na akong nawawala. Baka naiinip na iyon sa kahihintay sa'kin.