"Sigurado ba kayo talaga sa mga ginagawa niyo ni Kristian ha, Charlie?" ang agarang tanong sa akin ni Mico matapos ko siyang hainan ng meryenda. Medyo nakakapag-sisi nga lang ng kaunti dahil pa-ulit ulit na niya yang itinatanong. Kaurat eh.
Ay. Nasa bahay nga pala kaming dalawa. Dapat talaga kina Mico kami ulit eh kaya lang pinilit kami ni Lola Gloria na sa amin na lang muna dahil panigurado raw na nagsasawa na yung apo niya sa bahay nila.
Isa pang dahilan kaya nandito si Mico ay tutulungan niya kasi ako. Tutulungan niya akong mag-isip ng paraan para maka-pasok mamayang gabi sa bahay si Kristian sa bahay ng walang natutunugan ang tatay.
Oh, huwag judgmental. Hindi porket nililihiman ko si tatay ay may gagawin kaming masamang dalawa. Napaka-imposible nun, sa totoo lang. Kaya ko lang hindi muna pinaalam kay tatay ay kasi baka hindi niya pag-tiwalaan ang mga desisyon ko at baka magalit siya. Sisiguraduhin ko muna siguro na maayos na ang lahat bago ko simulang sabihin kay tatay.
Sumalampak ako ng upo sa tabi niya sabay kain rin nung inialok ko sa kanyang pagkain, sinabayan ko na rin siyang manuod ng Showtime. "Mag-tiwala ka sa amin, Mico. Kung hindi man maganda ang kalalabasan nitong mga ginagawa namin, makukuntento na ako. At least, hindi ko hinayaang lumipas yung pagkakataon at mang-hinayang."
"May tiwala naman ako sa inyo eh, sa desisyon niyo lang ako medyo alangan. Pero sino ba naman ako diktahan kayo sa mga buhay niyo 'di ba? Susuportahan ko na lang kayo, lalo na ikaw Charlie."
Aww. Napaka-buting kaibigan talaga nitong si Mico. Ang bait! Good Samaritan. Natouch ako sa sinabi niya kaya humarap ako sa kanya at yumakap. Yinakap kp siya ng napaka-higpit. Bear hug. "Ikaw talaga ang the best sa lahat ng the best, superfriend! Ikaw na!"
"No Tito Boy, ikaw na!" at sabay kaming nag-tawanan sa biro niyang iyon. Hayy. Ang swerte ko talaga sa kaibigan kong ito.
Buong hapong nanatili sa bahay si Mico, wala kaming ginawa kundi magdakdalan, manuod ng pelikula, kumanta, kumain, at mag-baliwan. Sa amin na rin siya kumain ng hapunan na pinabaunan pa ni tatay ng ulam para naman maka-tikim si Lola Glo.
"Oh maiwan ko na kayo diyang dalawa ha? Matutulog na'ko" pamamaalam sa amin ni tatay isang oras matapos naming kumain ng hapunan. Tumango naman kami bilang sagot.
Nag-palipas kaming dalawa ni Mico ng halos mga bente minuto bago ko tanungin si Kristian kung nasaan siya. Mabuti nga't naka-bantay 'tong lalaking ito sa cellphone niya at naka-reply agad. Sinabihan ko na siyang pumunta na.
Ilang minuto rin kaming nag-hintay nI Mico sa may tapat ng bahay namin bago namin nakita ang papalapit na si Kristian. Sumilay ang ngiti niya agad pagkakita sa akin na nag-bigay ng ibayong kagwapuhan. Hayyyy
"Oh, mauna na ba ako?" mahinang tanong ni Mico sa aming dalawa nung tuluyang makalapit si Kristian.
Tumango bilang sagot si Kristian bago nakipag-kamay kay Mico. Nginitian ko naman siya muna bago niyakap. Pinanood naming dalawa ang pag-alis at paglalakad ni Mico palayo.
"Ganto pala itsura ng kwarto mo, love." banggit nitong lalaking kasama ko matapos naming makarating sa kwarto ko. Nilock ko na nga agad yung kwarto ko kasi baka bigla biglang maisipan ni tatay na silipin ako. Delikado.
Hinayaan ko lang siyang mag-masid sa normal kong kwarto. Medyo nahiya nga lang ako dun sa part na may mga pictures ako sa dingding, hindi naman kaayusan kasi yung hitsura ko sa iba. Hindi pa ako natuturuan ni Tyra Banks mag-pose nung mga panahong iyon.
Pinapagpag ko na yung kama ko nubg bigla ko na lang maramdamang may yumakap sa akin. Napalingon ako kaya nagtama ang aming mga noo.
"Nasabi ko na ba sa'yo, Charlie?"
"Ang alin?"
"Na mahal kita." at kung alam niyo lang kubg gaano ko tinalo ang kamatis sa pamumula. Tae! Grabeeeeeeee!
Ang sarap pala sa feeling ano? Na finally, matapos yung lahat ng araw na lumipas, matapos ang lahat ng gabing nakasama siya sa panaginip mo, matapos ang lahat ng hapong naubos sa kangangarap mong kayong dalawa na, eh nangyari na. Kayo na. Tapos mahal ka na niya. Ta! Talo ko pa nanalo sa lotto eh!
Kinikilig man, pinili kong kumalas sa yakap niya para ipagpatuloy ang pag-aayos ng hihigaan namin. "Tss. Oo na, sige na, mamaya ka na muna mangulit hane?"
"Hindi, ngayon na."
Kanina, inaayos ko lang itong kamang hihigaan namin. Sa isang iglap, bigla na lanmang akong napahiga sa kamang iyon, habang naka-tungkod sa akin si Kristian. Mabuti na lamang at na-lock ko yubg pinto dahil kung sakaling pumasok ang tatay dito, maabutan at masasaksihan niya ang may kalaswaang posisyon namin.
"Mahal kita"
Ang lakas ng kabog ng aking dibdib sa sinabi niyang iyon, halos intensity 8 sa lindol ang katumbas. Pinahihirapan niya akong huminga sa mga sinasabi niya.
Tumatagos sa akin ang mga titig na ibinibigay ni Kristian. Mga titig na para bang nagsasabing ako lang at ako lang ang mabibigyan ng ganuong klase ng titig. Paunti unti niya ng isinasara ang pagitan naming dalawa, mas lumalakas na ang kabog ng dibdib ko.
At hanggang sa nag-lapat ang aming mga labi.
"Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng saya." biglaang sabi ni Kristian nung mahiga na kaming dalawa.
Huwag madumi ang utak niyo, wala kaming ginawang kahalayan matapos niya aking halikan. Kiss lang, wala ng echos. Bata pa kami! Hindi pa namin kayang bumuhay ng bata kung sakali. Charot.
"Medyo nakakairita nga lang yung kailangan pa kitang ilihim pero ayos lang, ang importante naman para sa akin eh yung alam at ramdam kong parehas tayo ng nararamdaman eh."
Napatingin ako kay Kristian sa sinabi niyang iyon. "Pasensya na kung ayaw ko pang ipasabi ha? Alam mo naman eh 'di ba? Kailangan lang na maayos na ang lahat."
Hindi nag-salita si Kristian ngunit tumingin siya sa akin, ngumiti, saka ako pinalapit at pinahihiga sa braso niya. "Hindi na sa'kin importante 'yan, alam ko namang mangyayari rin yan eh. Ang pahalagahan na lang natin ay ang isa't isa."
Napangiti ako ng mga sinabi niya kaya hindi ko napigilan ang sariling yakapin siya. "Hayy shet! Mahal nga kita talagang bisugo ka!"
"I love you too, Charlie ko" ang buong sinserong sagot niya sa akin matapos akong tawanan dahil sa sinabi ko.
At muli, sa ikalawang pagkakataon, nag-sanib muli ang aming mga labi.
Sana ganito na lang kami araw araw.
