< Charlie Devin's POV >
"Labs, may susundo ba sa'yo ngayon?" pang-ilang ulit na tanong na sa'kin ni Louie.
Dahil sa medyo nakukulitan na rin ako, itinigil ko muna yung pagwawalis ng classroom namin para harapin siya. "Huling beses ko na sasabihin 'to Louie, ha? Walang susundo sa'kin."
"Talaga? Yun! Sabay na tayo umuwi ha?"
"Bahala ka." at ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ng classroom.
Medyo hassle nga eh. Kaming dalawa lang ni Louie ang naglilinis ng room ngayon. Anim kami talaga dapat, eh yung dalawa may training daw ng sepak takraw. Yung dalawa naman, ayun tinakasan kami. Kapal ano?
Nang matapos kami sa pag-lilinis ng room, tinotoo nga ni Louie na mag-sasabay kaming dalawa umuwi.
"Nasan nga pala boyfriend mo, Charlie?" ang chismoso naman nitong si Louie. Ang mga tinatanong.
"Heto katabi ko. 'Di ba ikaw boyfriend ko? Sabi mo eh."
"Ayieeee!" eh? Kinilig talaga? Mga kabaliwan talaga ng taong ito oh. "Pero seryoso, nasan boyfriend mo?"
"Wala akong boyfriend, Louie."
"Wushu! Dedeny pa! Boyfriend mo yung nag-bigay ng bulaklak sa'yo nun 'di ba?" Kailan kaya matututunan ni Louie yung katagang "past is past"?
May biglang tumawag sa'min ni Louie, yung isang kaklase namin na dapat cleaner din kaya lang may training sa sepak takraw. Kumaway siya kaya kumaway din kami.
Matapos yun ay ibinalik ko na ang atensyon ko kay Louie. "Ha? Hindi ko boyfriend yun! Binawi nga rin agad yung bulaklak eh. Hindi pala kasi talaga para sa akin yun."
Isa ang ganitong sitwasyon kung bakit ayoko ng history eh. May mga bagay na kasi na nag-daan na ang hindi na dapat binabalikan. Hindi na dapat binabalikan kasi baka may hindi magandang nangyari nun o talagang masamang nakalipas yun.
"Ako talaga pinagloloko mo, Charlie." sabi ni Louie sa'kin. Tinignan ko siya at .... naka-pout ang loko.
Natawa ako sa hitsura niya. Pout kasi talaga? "Ano bang sinasabi mo Louie? Pa'no kita niloko?"
"Sabi mo walang susundo sa'yo."
"Wala naman talaga ah. Kaya nga tayo magsasabay 'di ba?" sabi ko sa kanya.
"Wala daw. Eh ayan yung nag-bigay nung mga flowers sa'yo nuon eh!" angil niya sabay turo dun sa may gilid ng gate ng school.
Tinignan ko kung sino yung tinuturo niya. Si Kristian nga. Tahimik siyang naka-sandal sa pader ng eskwelahan habang tinitignan yung sapatos niya. Naka-uniform pa siya, dumiretso siguro dito galing sa school nila. Para bang nararamdaman niyang may naka-tingin sa kanya, nag-taas ng tingin si Kristian at nakita kaming dalawa. Agad siyang umayos ng tayo.