< Charlie Devin's POV >
Pinagpatuloy ko ang pag-takbo hanggang sa kusa na lang bumigay yung mga binti ko sa pagod.
Kung saan saan na ako naipadpad ng mga paa kong ito para lang makalayo sa kasama ko kanina. Hindi ko na kasi kaya. Hindi ko na kaya yung sobrang pang-mamaliit niya sa akin. Ayos lang naman kung magalit siya dahil sinabi ko na masamang babae yung mahal niya. Pero sumobra siya eh, pangalan ko pa lang ang alam niya pero napakabilis niya akong hinusgahan.
Oo, may kasalanan rin naman ako, hindi ko siya pinakitunguan ng maayos. Pero kailangan ba talagang umabot sa ganun kasakit yung mga pag-bawi niya?
Tahimik lang akong naka-upo sa may bangketa habang hinahabol ko ang aking pag-hinga. Mamaya na lang rin siguro ako uuwi, kailangang maiayos ko muna sarili ko.
"Oh hijo, uminom ka muna ng tubig. Halata na kasi ang pagkapagod sa'yo eh." pag-kausap sa akin ng isang matandang babae habang inaabutan ako ng isang basong tubig.Malugod ko namang tinanggap yung iniaabot ni lola, naubos ko nga agad eh. "Naku, maraming salamat po sa tubig, lola. Ang bait niyo po!"
"Naku hijo, wala yun. Halika't pumasok ka muna sa bahay ko, may inihanda kasi akong meryenda eh." gusto ko sanang tanggihan ang alok na iyon ni lola, sobrang nakakahiya kasi pero mapilit siya eh. Hahampasin daw niya ako ng walis kapag hindi ako pumayag. Hahaha!
Masaya pala kausap si Lola Gloria, magiliw siya tsaka makwento. Kaya daw siya nakapaghanda ng meryenda kasi ngayon daw yung dating nung apong pinalaki niya na panandaliang nanirahan sa probinsya nila. Mabait si Lola Gloria, tinanong nga niya kung ayos lang ako, nakita raw niya kasi yung biglaang pag-bagsak ko kanina.
Kasalukuyang nag-kwkwentuhan kami ni Lola Gloria nung may tumawag sa pangalan niya. "Lola! Lola! Nandito na yung apo mo!"
Agad na napangiti si Lola Gloria sa narinig, na-miss niya yata talaga yung apo niya. Ang sweet. Hehe May inutusan siyang magbukas ng gate.
Natulala na lang ako nung malaman ko kung sino yung apo na tinutukoy ni Lola Gloria, si Mico pala. Yung Mico na pina-aagaw sa akin nung... Ah kalimutan na natin iyon.
"Nag-balik din ang pinakagwapo kong apo! Namiss ka ni Lola!" Aww. Nakakatuwa naman silang panuorin mag-lola, sobrang sweet nila sa isa't isa. Ang cute. Hehehe
"Halika apo! Mag-meryenda ka muna! Saka may ipakikilala rin ako sa'yo." sabi muli ni Lola habang hinahatak niya papunta sa hapag nila si Mico. "Mico apo, siya nga pala si, ano nga palang pangalan mo hijo?"
Bahagya akong napatawa kay Lola, hindi ko pa nga pala nasasabi yung pangalan ko. Hahaha! "Charlie po Lola. Charlie Devin po."
Pinagkilala kami ni Lola Gloria. Medyo naasiwa ako ng kaunti kasi nga nakilala ko na si Mico 'di ba.
Naalala ko kung gaano ako nagwapuhan sa kanya kanina. Ngayong halos isang upuan lang ang pagitan namin, ang gwapo gwapo niya pala talaga. Makinis yung mukha, matangos yung ilong, mapupungay na mata. Hayy parang perpekto na siya.
"Sana wala akong dumi sa mukha." bumalik ako sa ayos matapos kong marinig yun. Nakita niya akong tinititigan siya, nakakahiya!