< Charlie Devin's POV >
Panibagong umaga nanaman. At Lunes pa. Hayyy... Isang linggong pakikipagsapalaran nanaman ito sa eskwelahan. Kayo? Hindi ba kayo napapagod gumising ng maaga? Ako, medyo napapagod na eh. Hahaha! Pero masasanay din ako, kasisimula pa lang naman ng klase eh.
Matapos kong ayusin ang aking kama, maligo at magbihis, bumaba na ako para batiin ang aking gwapong tatay.
"Nak, anong oras ka natulog kagabi?" tanong ni tatay habang kumakain kami ng agahan.
Sinagot ko siya kahit may nginunguya pa ako. "Mga 10pm na po. Bakit 'tay?"
"Ahh. Dumaan kasi dito kagabi si Kristian, mga alas-otso yata yun ng gabi, eh akala ko tulog ka na kasi tahimik ka kaya ayun ang sinabi ko."
Dumaan yun? Bakit naman kaya? Baka mambwibwisit nanaman. Ganun naman yun eh, may maaalala lang kapag lasing o may sapak ang utak. Ayos na rin yung hindi ko siya nakita, madadagdagan lang yung inis ko sa tarantadong iyon.
"Tatanungin ko na lang mamaya, 'tay. Baka kasi mangungutang lang yun o ano.""Bakit Charlie, kelan ka pa naging bumbay para maging utangan ng bayan?" ang tanong sa akin ng tatay.
"Bumbay agad? Hindi pwedeng mukhang mayaman, maraming pera, 'tay?" ang bawi ko. Nang-aasar nanaman kasi ang tatay eh.
"At sinong may sabing mukha kang mayaman, anak?" aba't! Nakita niyo?! Nakita niyo ang isinagot ng tatay?! Sabi sa inyo eh, mahilig mang-inis talaga ang gwapo kong tatay.
"Whatever 'tay! Papasok na nga lang ako." tumayo na ako at dinala yung kinainan ko sa lababo. Nag-sepilyo na rin ako para fresh breath. Nuxx! Hahaha! "Oh alis na ako 'tay ha. Ingat ka! Mwah mwah!"
At tuluyan na akong lumabas upang tahakin ang daan patungong kasikatan. Joke! Terminal ng tricycle lang ang pupuntahan ko. Hahaha
Ngayong araw ay naisipan kong namnamin ang kagandahan ng aking pamayanan, kung mayroon man, para gumanda ang takbo ng aking araw.
Musika sa aking tenga ang huni ng mga ibon, wala nga lang sa tono pero mapag-tytyagaan naman. Maganda rin sa mga mata ang mga halaman at puno sa lugar namin, kung naalagaan mabuti. At papahuli pa ba naman ang mga tao sa pamayanang ito? Mga taong walang ginawa kundi talunin ang mga call center agents pagdating sa tsismisan pero mababait naman sila, yata.
Patuloy ang pagnamnam ko sa kapaligiran nung maramdaman kong may taong sumasabay sa akin. Si Delos Reyes pala pati yung isa sa mga tropa niya.
Hindi naman masamang sumabay sa lakad ko, iisang sakayan lang din naman kasi ang patutunguhan namin. Pero huwag silang umasa na kakausapin ko sila. Matapos nung huling pag-uusap nung taong iyon? Nadala na ako. Tama na yung dalawang beses na akong na-insulto.
Ayos naman na ako, hindi na ako galit. Hindi ko na lang inaasahang magsosorry pa siya sa'kin kase alam kong hindi niya gagawin, eh tingin niya siya ang tama eh. Pero hindi porket ayos na sa akin ay kalilimutan ko agad yung mga sinabi niya sa akin. Always forgive but never forget nga daw 'di ba?
"Hi Charlie! Ako si Ric, pasabay kami ng lakad ha?" ahh. Ric pala pangalan nitong si tropa. Mukha naman siyang mabait kaya nginitian ko na lang siya.