Chapter 16: When Life Throws Random Bricks Of Shizz

7.7K 262 18
                                    

< Charlie Devin's POV >

"Oh Charlie, ikaw na ang bahala d'yan ha? Hindi kasi talaga ako pwede ngayon eh."

"May magagawa pa ba naman ako? Osya, ako na bahala. Pero kunin n'yo sa'kin bukas ha." sabi ko kay Martin, yung class president namin na ka-grupo ko rin sa isang project.

Nag-sorry siya ulit bago umalis. Hayy. Asar din kasi itong teacher namin sa economics eh. Napakaraming kailanging bilhin dun sa model city na project niya.

Muli kong tinignan yung napaka-habang listahan ng mga inuutos ni Martin na bilhin ko. ANG HABA PO TALAGA! Mabuti nga't nag-bigay sila ng pambili kasi nako, mukhang aabot sa libo yung magagastos dito.

Okay. So ilan na lang at matatapos na itong pamimili ko ng mga kakailanganin sa Model City project namin. At huwag ka, may isang malaking pushcart na ang dinadala ko. Medyo nakakahiya nga kasi nag-mukha akong namimili sa grocery kesa sa book store. Promise, pinagtitinginan ako nung iba kasi ang laki talaga nung push cart ko. At ang mas malala pa, may naka-sunod pa sa aking sales lady. Kita niyo ang ginagawa sa'kin ng mga hinayupak kong kaklase?

Natapos ang pamimili ko't binayaran na. Tama nga ang akala ko, umabot sa libo yung mga pinabili nila. Ang nailalabas nga namang pera ng mga estudyante para lang pumasa.

At mas lumala pa ang kahihiyang kanina ko pa pinipilit huwag maramdaman. Napaka-rami kong dalang plastic bags! Hassle ito, I swear.

"Charlie?"

Ay leche. Hindi lang pala pagkapahiya ang mararamdaman ko ngayong araw. Inis, galit at asar pa pala. Bakit naman sa dami dami ng mga araw na kailangan ko pang makita rito si Piper?

Pinigilan ko ang pag-taas ng kilay ko bago ko hinarap si Piper. Lumapit naman siya nung lumingon ako, suot suot ang isang ngiting mahahalata mong hindi naman tunay.

Napa-dapo yung tingin niya sa mga plastic bags na dala ko. Kung bakit naman kasi ngayon pa niya ako nakita eh. "Ang aga niyo naman yatang gagawin yung economics project?"

"Ah, kaya naman na kasi naming tapusin agad. Bawas problema rin." batiin niyo ako guys dali. Ang galing kong umarteng hindi galit sa kanya 'di ba? Best Actress ako nung elementary eh. Hahaha!

"Masisipag pala nasa section niyo." naka-ngiti niyang saad. Bakit ba kahit ngiti lang niya eh sobrang asar na ako? Ah alam ko na! Peke kasi mga ngiti niya eh.

"Hindi naman. Ayaw lang naming matambakan ng gagawin."

Napa-linga linga naman si Piper na para bang may hinahanap na kung ano. Mali, kung sino pala. "Hindi mo kasama si Kristian?"

"Nakikita mo bang naka-dikit sa'kin?" hindi ko napigilan yung pagmamaldita ko. Ang timang naman kasi ng tanong eh.

Pero mas lalong lumaki lang yung ngiti ni Piper. Mas naging plastic. "Alam mo, nung kami pa ni Kristian, hindi niya ako hinahayaang pumunta sa kahit saan ng hindi siya kasama."

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon