Chapter 38: Rekindling Fire

7.4K 251 35
                                    

TyraSays: Hi guys! Good Day! How are y'all? I am bac with another update! Yey! Sayaaaaa! Hahahahaha By the way, this chapt er concludes the three-part resort scenes ng story.

And just like I sid on the previous chapter, this ill signify changes in the story. Sana nga lang ay mapanindigan ko yang changes na sinasabi ko. Hahahaha!

One last, para dun sa followers ko, I bet you are seeing The Mistress sa works ko? I was about to upload and cpntinue that story alongside para-paraan kaya lang dinelete ng kapatid ko yung saved chaps ko for that story. Yeah, baliw kapatid ko eh. Haha I'm trying to work on that agin. :)

Oh tama na, this, guys, is Chapter 38. Enjoy!

-----------------------------------------------------------

Tumahimik ang lahat ng panandalian sa isinagot ko. Ako man, para akong nawalan ng gana mag-laro matapos kong sabihin ang mga sinabi ko. Kilala niyo naman kasi ako 'di ba? Ayaw na ayaw kong mag-sinungaling.

Pero kinakailangan eh.

Nawalan man ng gana, pinilit ko pa ring makisama at damayan sila sa pagtapos ng laro. Nakakahiya naman kasi kung mag-iinarte ako ng hindi tama, ako na rin naman ang nag-sabi kanina na dapat mag-saya lang kami buong gabi.

At para tuluyan kong maalis sa sistema ko yung konsensyang nadarama ko, napapainom na lang ako ng alak kada aabutan nila ako. Isa, dalawa, lima. Nakalimutan ko na ang eksaktong bilang ng mga nainom ko pero isa lang ang sigurado ako, patuloy na nadadagdagan ang bilang na iyon sa bawat pag-lipas ng oras.

Hindi ko alam kung ako lang itong nakararamdam o ano, pero parang biglang uminit. Ang init ng pakiramdam ko. Hindi yung mainit na gaya nung nararamdaman natin kapag mataas yung sikat ng araw. Yung nararamdaman kong init eh parang nangagaling sa loob ko. Bukod pa doon, unti unti na akong nakakaramdam ng pagka-hilo. Pero kaya pa. Kaya ko pa naman.

Naging masaya ang mga sumunod na nagyari, nakakatawa yung mga sumunod na dare na pinagagawa nila sa mga kaklase nila. Talo talo talaga eh. Naaliw kaming lahat sa mga pinaggagawa nung iba.

"Sa wakas!" malakas na sabi ng lahat nung nakita naming tumama yung dulo ng bote na kanina pa namin pinaiikot kay Kristian. Mga baliw talaga. Hahaha

"Dare" matipid na sagot ni Kristian nung tanungin siya kung aning gagawin niya. Yes. Tapang. Hihihi

Nagkataong si Russel nanaman ang magbibigay ng dare nung oras na yun. Pero bago niya ibigay yung dare niya kay Kristian, tinagayan muna niya ako na tinanggap ko naman at ininom. "Oh ready na pare? Dare na talaga pinipili mo?"

"Halikan mo si Charlie. Sa labi. Five seconds"

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Kristian sa narinig na dare, napalunok pa siya. "Ano?! Ulol ka ba? Iba na lang!"

"Tss. Ang arte! Para namang hindi pa namin kayo nakitang nag-halikan dalawa." banat ni Russel na ikinamula ko gaya ni Kristian na sinabayan naman ng tawa nung iba.

"Kahit na! Iba na lang! Ang dami daming pwedeng dare eh!" mariing tanggi nung tao.

Hindi sa gusto ko ulit maramdaman ang malalambot na labi ni Kristian o ano. Actually, medyo hindi ko din gusto yung dare. Ayaw ko kasi yung mga dare na dinadamay ako. Pero ewan ko ba kung dala ba ito ng alak o dala ito ng kung ano man, para akong nainsulto sa mariing pag-tanggi ni Kristian. Kung maka-tanggi siya para akong may nakakahawang sakit na maari niyang nakuha o kaya ay kasing laki ng labi ko yung mga labi nung mga taong katatapos lang sumubok ng Kylie Jenner Lip challenge. Nairita lang ako ng very very light.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon