Chapter 22: Sudden Affirmation

7.8K 316 10
                                    

TyraSays: Hi guys! I posted the prologue of a new story that I'll be making, please give some time to try and check it out. Nasa External Link po yung link to the prologue, just click it. After reading, I hope you can share to me your thoughts. Thank you!

---------------------------------------

< Charlie Devin's POV >

"Madaya!"

"Masama mam-bintang oy! Clear win kaya!"

"Clear win, mukha mo! Manduruya ang wala.."

"Kumain na nga muna kayong dalawa." biglang singit ni Lola Gloria na may dala dalang meryenda sa aming pag-didiskusyon."Mico, Charlie, ano ba yang pinag-tatalunan niyo?"

Kinuha ko yung meryendang para sa akin at agad sumalampak ng pagkaka-upo duon sa sofa nila Lola. Lahat yun ginawa ko kasabay ang matalim na pag-titig sa natatawang si Mico Dela Cruz. Aliw na aliw siya sa katarantaduhan niya, mga kapamilya. Buti na lang talaga't narito itong si Lola Gloria kasi kung hindi baka ubos na ang balat nitong apo niya sa kaka-kurot ko.

Kumuha rin ng maka-kain si Mico at ginaya ang pagkaka-upo ko. Hindi pa rin ma-tanggal sa mukha niya ang kasiyahang dulot ng pandaraya niya sa akin. "Eh kasi La, pinag-bibintangan ako nitong si Charlie na dinaraya ko raw siya. Eh halatang halata namang ako panalo 'di ba La?"

Ipinakita pa niya kay Lola yung mga barahang nasa lamesa para patunayan yung sinasabi niya, para namang may magagawa yun sa larong nilaro namin. Muntimang.

"Huwag kang maniwala d'yan sa apo mo, Lola. Dinaya talaga ako niyan! Kunwari pang kinamot yung pwet yun pala pinag-palit na yung baraha!" sumbong ko kay Lola, parehas silang natawa sa sinabi ko. Wala namang nakaka-tawa sa nireklamo ko 'di ba?

Kinuha ni Lola yung mga nag-kalat na mga baraha sa lamesa at inayos. Matapos niyang gawin yun ay tumabi siya dun sa apo niya. "Walang mapapala iyang pag-tatalo niyo kaya ang mabuti pa, ubusin niyo na muna yang meryendang hinanda ko. Mamaya na kayo mag-unggoy ungguyan."

Wala kaming nagawa kundi ang tumahimik na lang muna at ipag-patuloy ang pagkain, nag-salita na kasi si Lola at syempre kailangan siyang sundin. Pero kahit na ganuon pa ang nangyari, hindi pa rin ako napigilang pa-ulanan ng masasamang tingin yung lalaking nasa tapat ko. Paano ko ba namang hindi ko siya titignan ng masama, nakaka-asar yung ngiting nasa labi niya habang hindi iwinawaglit ang tingin sa akin. Ang lakas maka-bwiset eh.

Teka, marahil ay nag-tataka kayo kung bakit kasama ko si Mico ngayon. Kadalasan kasi si Kristian ang kasama ko 'di ba? Eh eto nga kasi ang nangyari, tumawag sa akin kagabi itong si Mico, hinahanap raw ako ni Lola at gusto raw niyang puntahan ko sila. Eh tutal wala naman akong gagawing mahalaga ngayong araw, ngayon na lang ako pumunta.

Tinatanong niyo kung nag-paalam ba ako kay Kristian? Yung totoo, hindi. Hindi ko rin naman kasi hinahayaang mag-paalam sa akin si Kristian kada aalis siya. Hindi naman niya kasi ako magulang o bantay para gawin yun. Ibinibigay ko sa kanya ang lahat ng hindi niya nakuha kay Piper nuon, gaya na lang ng kalayaang pumunta sa kahit saan niya gustuhin na walang taong inaalala kung papayagan ba siya o hindi. Tsaka, wala rin namang masama kung mag-kita kami ni Mico 'di ba? After all, siya nga raw ang superfriend ko.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon