Chapter 2: Bisugo's other side

14.3K 404 7
                                    

< Charlie Devin's POV >



Hayy. Unang araw ng pasukan ngayon. Tapos na bakasyon, tapos na ang magdamagang pagbabad ko sa internet. Dusa!



"Maaga kang umuwi Charlie Devin ha? Huwag kang gagala dahil masasapak kita." sabi ni tatay sa'kin habang inaabot yung baon kong singkwenta? Seryosong singkwenta pesos lang talaga?



"Tay, dagdagan mo naman baon ko. Ginto kaya ang bilihin sa private!" pagrereklamo ko.


Oo. Kinaya ni tatay pag-aralin ako sa private. Pero installment naman kami, kada buwan magbabayad. Kaya ni tatay yun! Siya pa ba?



Tinitigan muna ako ni tatay na parang naninigurado. Matapos yun ay dinagdagan niya pa ng isang singkwenta baon ko. Ayos 'to! "Huwag mong ipanlalalaki 'yang baon mo ha? Pinaghihirapan ko 'yan kaya ipanglamon mo!"



Isang daan? Ipanglalaki ko? Sino namang sobrang desperadong lalaki ang magpapabayad ng isang daan? Patawa talaga 'to si tatay. Hahaha!



Inihulog ko yung isang sinkwenta dun sa alkansya ko sa sala. "Diet ako 'tay! Opano? Una na ako ha?"

Tuluyan na akong lumabas at naglakad papuntang sakayan ng tricycle. Ay hindi lang pala basta lakad, rampa! Hahaha!

"Ayos ah! Sexy ng lakad!" Aish! Ayan nanaman yung bisugong hilaw. Sisirain nanaman ang araw ko. Tch!

Tumigil muna ako sa paglalakad at hinarap siya para mahinahon ko siyang makausap. "Pwede mamaya ka na mang-asar? Papasok muna ako ha?"

"Ge. Teka, san nga school mo?" tanong niya na sinagot ko naman. "Talaga? Dun din nag-aaral si Piper! Yung public school sa baba niyo naman yung akin."

Tinatanong ko ba Delos Reyes? Hindi naman 'di ba? Tch. Pero Piper pala pangalan nung gelpren niya. Pang-mayaman ah. Pero malay mo, uso naman ang mga pang-mayamang pangalan sa mga hindi mayayaman eh. Bitter much lang? Hahaha!

Eh dahil nga sa magkalapit lang pala yung pinapasukan naming eskwelahan, pati sa tricycle magkasabay kami. Duon kami naupo sa loob, tropa na kasi ni tatay yung mga driver dito eh. Kaya VIP ako. Hahaha! 

Napansin ko na lang na parang nasisinghot 'tong si Kristian habang nasa byahe kami. Yumuko ako para pasimpleng amuyin kung nangangamoy ewan ako, hindi naman. Trip ne'to?

"Tigilan mo nga 'yang kasisinghot mo! Para kang rugby boy eh!" pagpuna ko.

"Eh ang bango mong gago ka eh!"

E-eh? Agad kong itinago yung mukha ko sa kanya, baka kasi makita niya akong namumula dahil sa sinabi niya. May kilig eh! Pasensya, bakla lang. Hahaha!

"So kailangang may mura? Ayos ka ah!" oh kita n'yo? Nasa ulirat pa rin ako kahit may kilig akong na-feel. Galing ko 'no? Hahaha!

Hindi na siya nakasagot kasi tumapat na yung tricycle sa school ko. Nagpasalamat ako dun kay kuya driver. Hindi ko na pinansin si Delos Reyes pagbaba ko, masyado na akong tolerant. Enough na yung kanina. Haha

Alam niyo naman kung paano tumakbo ang unang araw sa eskwela. Tama? Kaya hindi na ako magkwkwento, parehas lang din naman sa mga naranasan niyo na yung nangyari sa'kin kanina eh.

Dahil sa napansin kong kaya naman palang lakarin yung bahay namin mula sa school ko, hindi na ako nag-tricycle. Ayos na yun, tipid na sa pera tapos exercise pa. Ang galing ko talaga! Hayy

Pinili ko munang tumambay dun sa plaza. Medyo maaga pa kasi tsaka alam ko namang ayos lang 'to kay tatay.

May mga nakikita akong mga kaklase kong dumaan sa plaza. Nakikilala nila ako kaya nginingitian ko naman sila, Miss Congeniality ako eh. Hahaha!

Pero teka, si bisugong hilaw ba 'tong nakikita kong papalapit? May kasama siyang babae. Baka iyon na yung Piper, yung gelpren niya. Naupo sila sa bench malapit sa'kin.

Wala sa plano ko ang magtagal sa plaza, saglitang pahinga nga lang sana ang plano ko bago umuwi. Pero hindi nangyari eh. Naaliw kasi ako sa kakapanood dun kay Delos Reyes pati sa nobya niya.

Malabo man yung mga mata ko, halata pa rin yung kagandahan nung Piper. Sobrang maputi, anak glutathione yata. May kahinhinan pa kumilos kaya hindi nakapagtatakang gusto siya ni Kristian.

Pero mas nakuha ang atensyon ko ni bisugong hilaw. Nilalanggam ako sa tamis niya, napakasweet niya dun sa nobya niya. Halatang gustong gusto niya yung babae. Kaya pala hindi naniniwala yung Piper na na tarantado't kalahati 'yang si bisugo, masyadong malambot sa kanya eh. Nakakainggit sila. Hahaha!

Sino bang hindi maiinggit kung ganyan naman ang makikita mo? Aish. Kahit akong bwisit sa bisugong ito eh kinikilig sa hitsura nila ngayon, yung iba pa kaya?

Tch! Tama na nga 'to! Kailangan ko ng mag-saing! Tsaka baka umuwi agad ang tatay, sermunan nanaman ako.

Paalam lovers, sana hindi ko na kayo makitang magkasama. Magiging bitter ako ng hindi oras dahil sa inyo eh!

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon