< Charlie Devin's POV >
"Nasa baba yung manliligaw mo, may pupuntahan raw kayo.." sabi ni tatay pagkapasok niya ng kwarto ko.
Busy naman akong nanalamin at nagsusuklay. "Opo 'tay, may pupuntahan lang po kami pero hindi naman ako gagabihin ng uwi."
"Siguraduhin mo yang sinabi mo, Charlie Devin, kung ayaw mong mapunta sa labas bigla yang mga gamit mo."
Hayy. Talaga itong si tatay oh. Ite-teleport na agad ang aking mga kagamitan eh isang beses pa lang naman akong nauwi ng gabi. Grabe talaga si tatay pagdating sa mga ganitong bagay. Pero ayos lang, cool naman ang tatay ko eh. Gwapo pa. Hahaha!
"Opo tatay, uuwi po ako bago dumilim. Promise!" sabi ko matapos ko siyang halikan sa pisngi.
Sabay na kaming bumaba ni tatay matapos ang pag-uusap na iyon. Nadatnan naming naghihintay sa sala si Kristian, tumayo siya sa pagkakaupo nung makita kami.
Isang tango ang ibinigay ni tatay dito sa bisita namin nung makalapit kami. Dalawang tango naman ang isinagot ni Kristian bago ako tinignan at nginitian. Teka, bakit nagtatanguan sila? Anong meron? Kailan pa sila naging mga display na aso sa dashboards ng ilang mga sasakyan?
"Ikaw na bahala rito kay Charlie ha? Iuwi mo ng matino yan."
Tumango naman muli si Kristian. "Opo. Huwag na mag-alala sa anak niyo. Ako na po ang bahala."
Isa pa itong si Delos Reyes. Ilang araw na akong natataranta sa mga pinaggagawa niya, talaga kasing sinusunod at tinutupad niya ang parte niya bilang kunwariang boyfriend ko.
Dati rati, nagkakasabay lang kaming mag-lakad papuntang terminal ng tricycle kada umaga 'di ba? Ngayon, iba na. Nag-karoon ako bigla ng service na motor, may bonus pa na gwapong driver! At opo, si Kristian yung gwapong driver na sinasabi ko. Medyo asiwa nga nung una pero pinabayaan ko na lang, gusto niya raw kasi ma-ihatid na yung syota niya sa eskwelahan. Hindi nga naman niya kasi nagagawa yun dati 'di ba?
Sa ilang araw na hinahatid niya ako sa school, may ilang beses naming nakita o nakasalubong si bruhang Piper. Pero hindi gaya ng dati, hindi na siya nagmumukhang asong tinakasan ng bait na sunod lang ng sunod dun sa ex niya. Ilang sandali na lang niyang tititigan si Piper bago ibalik ang pansin sa akin. Oo, mahahalata mong matinding pagpipigil sa sarili ang ginagawa niya pero kahanga hanga pa rin iyon, hindi ba?
Itinutuon nga niya ang pansin niya sa akin sa tuwing magkasama kami. Pero iba na kapag nakauwi na siya, pinaglalamayan niya pa rin yung pag-iwan sa kanya ni bruha. Paano ko nalaman? Kinuwento ni Ric sa akin, yung isa sa mga tropa niya. Ang sabi ni Ric, nagpapabili daw si Delos Reyes ng alak isang gabi tapos pinadadala sa bahay niya. At ayun, nasaksihan niya yung drama nung kaibigan niya. Sobra daw nakakaawa ngayon si Kristian kaya nga nagpapasalamat siya sa akin dahil susubukan kong malimutan nung tropa niya yung bruha niyang ex.
"Halika na. Baka kasi ma-late na tayo." yaya ko sabay hila sa kanya palabas.
